PBB Unlimited: Day and Night

Grabe talaga sa pagka-unlimited ang Pinoy Big Brother Season 4. Aakalain ba ng lahat na magkakaroon pa ng isang set ng housemates na titira sa ibang bahay? Ifea-feature ang mga housemates na ito sa PBB UnliDay na mapapanood tuwing hapon sa Kapamilya Gold. Ang kasalukuyan naman nating sinusubaybayang housemates ay mapapanood pa rin natin sa PBB UnliNight tuwing Primetime Bida.

Pagkakita ko pa lang sa bagong bahay ni Kuya ay sumagi na sa isip ko ang Big Swap na naganap noong Pinoy Big Brother Double Up, kung saan nakipag-swap si Cathy Remperas sa Finnish housemate na si Kätlin Laas. Naalala ko kasi ang setup ng Big Brother Finland na may slums at rich house. Hindi kaya ganito rin ang mangayayari sa dalawang bahay ni Kuya? Hindi malayong magkapalit-palitan ng housemate through the course of the show. At wag nating kalimutan na marami pang reserved housemates na posible pa ring  makapasok bilang official housemate sa bahay ni Kuya.

Panibagong twist at kaguluhan na naman ito sa PBB House. Well, ang dami nga naman kasing nag-audition this year, so might as well i-maximize ang pagkuha ng deserving housemates na papasok sa Pinoy Big Brother House.

Ito na kaya ang huling sorpresa ng Pinoy Big Brother Unlimited? O magugulat na lang tayo dahil magiging unlimited ang mga twist at pakulo this season?

Ang Unang Weekly Task ng mga Housemates at ang Imposibleng Tasks ni Carlo the Mole

Ilang araw na tayong sumusubaybay sa Pinoy Big Brother Unlimited, at nagsisimula na ngang masanay ang mga housemates sa loob ng bahay kahit na pa kakaiba ang setup nila ngayon at limitado ang ilan nilang basic needs. Syempre hindi mawawala ang weekly tasks na ibinibigay ni Big Brother.

Ang unang weekly task ni Kuya ay binubuo ng 7 iba-ibang challenges. Kailangan maipanalo ng mga housemates ang 5 sa mga hamon na ito. So far, ito ang estado ng kanilang task:

1st Challenge: Kailangang gumawa ng housemates ng 4 na kapani-pakinabang na gamit galing sa basura sa loob ng isang oras.
Participants: Paco, Roy, Slater and Divine (Sila daw ang pinaka-creative)
Result: SUCCESS! Nakagawa ang housemates ng shoe rack, grill screen, toiletry basket at bangko. Pinatesting pa ni Kuya kung matibay ba ang nagawang mga practical stuff from trash. Bibilhin daw ni Kuya lahat ng ginawa nila. 🙂

2nd Challenge: Kakantahin ng mga housemates ang kantang LUHA ng Aegis. Bawal nilang hawakan ang mic habang kumakanta. Ang hindi nila alam lumilipad-lipad kung san-san ang microphone sa pagkanta nila.
Participants:
Jaz, Kim, Pamu, Kevin, Kigoy, Carlo
Result: SUCCESS! Kahit hindi lahat ay nasa tono kumanta (at hindi lahat magaling kumanta o magsalita ng Tagalog) panalo pa rin sa biritan ang housemates, kahit malikot pa ang mic! 🙂

3rd Challenge: Kikinisin ng mga housemates ang isang bangko hanggang sa mabura ang salitang UNLIMITED sa upuan gamit ang mga liha na nakakabit sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.
Participants:
Biggel, Luz, Seichang, Tin
Result: SUCCESS! Kanya-kanyang pagkiskis ang housemates sa upuan. Kahit na mahirap ay bigay todo sila sa task. Nakakatawa nga lang ang itsura nila pag nagkikiskis gamit ang liha sa pwet. :p Pero sa huli ay parang binura ng eraser ang upuan!

4th Challenge: Kailangang mai-shoot ng housemates ang bola sa ring. Yun nga lang ‘di nila alam na patalikod nila itong gagawin at tanging sa salamin lang matatanaw ang ring. Bibigyan sila ng 40 attempts, kailangan nila maka-shoot ng 21.
Participants:
Biggel, Kevin, Slater (Sa shooting range sya sanay, pero pwede na rin :p), Divine (Aba, MVP pala sa basketball sa Singapore itong si Divine) at Tin (syempre tinuruan si Tin ng kanyang daddy Alvin Patrimonio)
Result: OLATS! Isa lang ang napasok na bola sa ring courtesy of Divine. Lahat ng ibang shots ay mintis, muntik lang pumasok at airball. Ang hirap naman talaga kasi ng challenge, so okay lang yun housemates!

So far 3 na ang naipanalo ng ating mga housemates. May 3 task pang natitira si Kuya, at dalawa rito ang kailangan pa nilang maipanalo para maging successful sa kanilang unang weekly task. Ano sa tingin nyo, manalo kaya ang housemates?

Speaking of tasks, napasok nga ang isang reserved housemate na si Carlo Romero sa bahay ni Kuya. Pero sabi nga ni Big Brother, para syang susuot sa karayom sa hirap ng mga task na ibibigay sa kanya.

Magsisilbing mole o secret agent si Carlo sa loob ng bahay ni Kuya. Bibigyan sya ng 4 na halos imposibleng tasks na kailangan nyang magawa in 5 days. Pag nagawa nya ang lahat ng ito ay magiging official housemate sya sa loob ng bahay ni Kuya. Ito ang mga task na ibinigay nya bilang mole:

1. Hanapin at alamin kung saang parte ng katawan ng housemates makikita ang isang marka ng buwan o araw. Bago pa man pumasok ng PBB house ay pina-henna ni Big Brother ang lahat ng housemates sa isang tagong parte ng katawan. Sinabihan silang wala dapat makaalam o makakita ng markang ito.

2. Kumuha ng 3 damit galing sa housemates nang hindi nila nalalaman.

3. Ubusin ang 1 araw na supply ng tubig ng housemates.

4. ‘Wag mapaghinalaang “mole” ni Kuya.

Well, so far things are looking good kay Carlo. Nakakuha sya ng damit kay Divine, Kigoy at Kevin nang hindi nila namamalayan (agad). Kanina rin ay ipinakitang tinatapon ni Carlo ang tubig na inigib ng housemates para sa 1 araw. Ilang beses na syang nahuling gising ng ilang housemates, ngunit nagpatay malisya lang at umistyle si Carlo para ‘di mahuli. Ang hindi na lang natin alam ay kung nakakita na ba sya ng mga “marks” sa kanyang kapwa housemates at kung walang nagsususpetsya na may ginagawa syang secret tasks para kay Kuya.

Abangan na lang natin kung magtatagumpay ang housemates sa kanilang unang weekly task at kung tuluyan nga bang maging successful si Carlo at manatili sa bahay ng mas matagal bilang official housemate.

Tin to Kigoy: “Di Naman Pala Sya Nakakatakot”

Sanay na tayo na madalas puro mestizo’t mestiza o ‘di kaya’y magaganda’t gwapo ang napapasok sa PBB house. Karamihan nga sa mga ex-housemates ng Pinoy Big Brother ay sumabak sa pag-aartista, tulad na lang nila Kim Chiu, Gerald Anderson at Sam Milby. Ang iba naman tulad ni Saicy Aguila at Gretchen Malalad ay naging professional dancer at reporter, respectively.

Pero may mga panahon din na personality at kwento sa labas ng bahay ang puhunan para mapiling housemate sa bahay ni Kuya. Kung may maibabahagi kang importante sa mga manonood sa pamamagitan ng buhay mo. Sa tingin ko isa na nga rito si Kigoy Abarico, ang Bay Diskarte ng Ormoc.

Ano ba kamong diskarte? Inamin ni Kigoy kay Kuya at sa ibang housemates na minsan na syang nagsisisid ng piso sa dagat, nag-takatak boy at naging snatcher pa. Sa galing nyang dumiskarte, hindi pa sya nakulong kahit minsan. Dala na rin siguro ng hirap at pangangailangan kaya naligaw ng landas si Kigoy. Inamin nya rin sa kasamang si Biggel, na minsan ginagawa nya ang mga ito para magka-pera at nang mapunan ang mga pagkukulang ng kanyang mga magulang. Pero ilang beses nya ring sinusubukan na magbagong buhay at ngayon nga’y nasa loob ng bahay dahil naghahangad syang magbago at makita ang ibang mga kapatid sa ina na nawalay sa kanya.

Nasabi nga ni housemate Tin Patrimonio, nang tanungin sya ni Kuya sa kanyang opinyon kay Kigoy, “‘di naman pala sya nakakatakot”.

Marahil marami din tayong mga kababayan na kapos sa buhay na madalas nating i-judge sa kung ano ang itsura nila or kung saan sila nakatira. Pero kung mabibigyan lang siguro lahat ng pagkakataon magbago at ipakita ang tunay nilang mga sarili, ay malamang masasabi rin natin, “‘di naman pala sila nakakatakot”


Ano pa ba ang ibang lessons at realizations na nakukuha nyo from watching Pinoy Big Brother Unlimited?

Housemate Paco Interesado kay Divine?

Kagabi may clip na pinalabas sa Big Brother kung saan kinakausap ni Paco Evangelista (Ang Hopeless Romantic ng Gensan) si Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland-Smith.

Alam naman nating lahat na tibo si Divine. Pero in fairness, malakas ang dating ng half-British lesbian. Tinanong  ni Paco kagabi si Divine kung anong klaseng lesbian sya. (May iba-ibang klase ba?) Natanong din ni Paco kung may chance ba ever si Divine na maging “girl” ulit in the future. Sa confession room, nagsabi si Paco kay Big Brother na “interesting” si Divine. Ehem, ehem, ehem, ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Paco? Hindi ba nya alam na medyo near “hopeless” ang pagporma kay Divine? Si Divine na rin kasi ang nagsabi kay Kuya na mga 7 years old pa lang sya nang maramdaman nyang she’s “different”. Isa pa, nagkarelasyon na sya dati sa isang lalaki that lasted 8 months. Ito ang nagbigay ng affirmation sa kanya na hindi boys ang gusto nya. :p May girlfriend din ang tattoo artist na si Divine sa labas ng bahay.


Let’s see if Paco will continue to show interest in Divine. Or baka curious lang talaga sya diba? Ganyan naman talaga pag nagsisimula ang Big Brother. Nakikiramdam pa ang mga housemates, at hindi naiiwasan na maging interested sa isa’t-isa lalo’t nagkakakilanlan pa lang sila. 🙂

PBB Unlimited Housemate: Kim de Guzman

Noong Pinoy Big Brother Big Fiesta, ipinakilala ang mga bagong housemates ng PBB House. Isa sa mga nag-standout sa ganda ay ang Stunning Sweetheart ng Olongapo na si Kim de Guzman.

True to her description, stunning talaga si Kim, na katulad ng katokayong PBB alumna na si Kim Chiu ay may cute dimples. Mukha rin talagang sweet at girl-next-door type ang housemate from Olongapo. I’m sure maraming susubaybay sa PBB Unlimited to watch Kim. Pero watch out lang ang male housemates dahil may boyfriend na ang 19 year old stunner sa labas ng bahay. Kasama nya ang boyfriend na si Mark Luz na sumali sa Mossimo Bikini Summit 2011.

Good luck Kim! 🙂

Language Barriers sa Loob ng PBB House

Sanay na tayo sa mga PBB housemates na may foreign blood, sa katunayan, ang isa sa mga sikat na PBB alumnus ngayon na si Ryan Bang, ay purong Koryano at walang halong Pinoy blood. Sabagay, sanay naman tayong mga Pinoy sa mga foreigners at sa mga kababayang may foreigner na magulang.

Ang Pinoy Anime ng Japan na si Seichang Ushimi, ay housemate na tubong Japan. Bagamat ilang beses na siyang nagbakasyon dito sa Pilipinas dahil sa inang taga-Davao, hindi pa rin bihasa si Seichang sa Tagalog at ganon din sa Ingles. Sa iilang araw pa lang na itinatakbo ng Pinoy Big Brother Unlimited, makikita nating minsang tahimik si Seichang. Marahil na nga ay dahil sa hirap itong umintindi at hirap din na magsimula ng conversation sa ibang housemates, lalo sa ilang hindi rin marunong mag-ingles. Isa pang housemate, Ang Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland, ay hindi rin magaling mag-Tagalog. Pero dahil magaling naman sya mag-ingles at may mga iba pang Bisaya na kasama sa bahay, ay mas madadalian syang mag-adjust kaysa kay Seichang.

Hindi naman ito bago. Katunayan, isa ring half-pinoy, half-japanese ang minsan nang pumasok sa parehong bahay. Si Jun Hirano ay naging contestant sa Pinoy Dream Academy Season 1. Napilitan mag-drop out si Jun sa PDA dahil sa nahirapan itong mag-adjust dahil sa language barrier, na naging dahilan ng kanyang pagiging homesick at malungkot sa loob ng Academy.

Sabagay, kahit naman limitasyon ang language barriers na ito, maparaan naman ang tao. I’m sure kahit papaano ay makakahanap sila ng paraan para makapag-usap usap gamit ang ibang paraan tulad ng sign language. Or anong malay natin, magbigay ulit si Big Brother ng task para turuan kahit kaunti si Seichang ng Tagalog. Kaya abangan na lang natin ang updates kay Seichang, na kitang-kita sa isang video na excited at masayang-masaya nang malamang isa sya sa official housemates ng Pinoy Big Brother Unlimited. Sabagay, mukha naman syang masayahin at game na game. Ang strategy nya? Just smile and make chika chika! 🙂

Good luck Seichang, sana hindi ka naman ma-lost in translation at magtagal sa bahay ni Kuya. Banzai! 🙂

PBB Unlimited: Ang Bagong Bahay

Kasisimula lang ng Season 4 ng Pinoy Big Brother noong Sabado, per tuloy-tuloy ang unlimited na pakulo ni Kuya. Isa sa kitang-kitang pagbabago ay ang kakaibang anyo ng Pinoy Big Brother house. Mala-squatter o slums ang itsura ng bagong bahay na talaga namang nag-transform at ibang-iba sa mga naunang ayos ng Big Brother House.

Ang galing ng pagkakagawa ng bahay this season. Sobrang realistic ang ayos, malayong-malayo sa usual Big Brother House na ating kinagisnan. Ang natatanging pareho ay ang mga one way mirrors kung saan nakatago ang mga camerang nagbabantay 24/7 sa ating mga housemates. Wala rin ang pool, bagkus ay may canal na pinagawa para maging mas makatotohanan ang mala-“squatters” na house theme.

Pero hindi biru-biro ang concept ngayong taon. Sa likod ng kakaibang itsura ng bahay ay ang mas malalim na rason ni Kuya. Nais ni Big Brother na maranasan ng mga housemates ang nararanasan ng halos 15 milyong Pinoy na salat sa buhay. Kung iisipin, kahit na hindi totoong realidad ang pagdaraanan ng mga housemates sa loob ng bahay, ay mararamdaman pa rin nila kahit papano ang hirap ng ating ibang kababayan. Lalo pa sa bago at kakaibang twist na kasunod na isinambulat ni Big Brother.

Binigyan ang housemates ng desisyon na mamili sa tatlong UNLI: Tubig, Damit at Pagkain, tatlo sa mga basic needs ng mga tao sa pangaraw-araw na pamumuhay.

Unlimited Water
Unlimited ang supply ng tubig ng mga housemates sa buong araw. Ngunit magiging limitado ang pagkain at pananamit nila. Ang limitadong pagkain na kailangan pagkasyahin sa loob ng isang araw ay 9 lata ng sardinas, 2 kilong bigas, 6 na instant noodles, at 7 itlog. Bibigyan din sila ng isa lamang na damit na kapalitan ng damit sa suot nila noong Big Night.

Unlimited Clothes
Makukuha nila at maaaring gamitin ang lahat ng damit na inimpake, kapalit ng limitadong pagkain at tubig. Siyam na balde lamang ng tubig ang maaari nilang gamitin (liban dito ang tubig pang-inom) kung ito ang piliin nila.

Unlimited Food
Walang magiging problema ang housemates sa pagkain, ngunit kailangan nila tipirin ang kanilang tubig, at hindi rin sila makakapagpalit basta-basta ng damit.

Kakapasok pa lang ng mga housemates ay bumulaga na sa kanila ang mahirap na desisyon sa pagpili ng kanilang UNLI supply. Parang pagpili lang ng kung anong cell network ang magbibigay ng mas magandang unlimited deal. 🙂 Sa huli pinili ng mga housemates ang unlimited na pagkain.

Sa tingin nyo ba tama ang desisyon nila? Kung ako kasi yun, pipiliin ko siguro ang unlimited na tubig, mainly for hygienic purposes. Diba, kung hindi man makakapagpalit ng damit, at least makakapag-laba sila.Tsaka may pagkain naman sila, kaunti nga lang. Sa tingin ko naman kasi hindi rin naman pababayaan ng PBB management na magutom ang mga housemates  up to the point na delikado na. Pero mahirap din magutom, kaya naiintindihan ko rin ang desisyon ng mga housemates.

Nakakatuwa lang na sa simpleng task ng pagpili ay instant karamay agad ang mga housemates ng maraming mahirap nating kababayan. Buti nga sa loob ng bahay ni Kuya, may unlimited supply ng isang basic need, samantalang para sa karamihan, wala lahat, pati bahay na titirhan.

Let’s see kung tama ang desisyon nila, or kung paano paninindigan ng ating bagong housemates ang pinili nilang unlimited need supply.

 

 

 

Pinoy Big Brother Unlimited, Nagsimula Na!

Pagkatapos ng halos isang taon na pahinga, muli na namang binuksan ang paboritong bahay ni Kuya — ang Pinoy Big Brother house. Malamang ang matagal na pagtigil sa ere ng PBB ay tama rin para hindi naman magsawa masyado ang mga tao. At tama naman ang move, dahil sa tagal ng paghihintay ay excited na muli ang mga Pinoy na subaybayan ulit ang kanilang favorite reality show sa ABS-CBN.

Nagsimula ang PBB  Season 4 noong Sabado, October 29, 2011 sa Pinoy Big Brother Big Fiesta.  Tulad ng ibang season, isa-isang pinakilala ang mga bagong housemates bago sila pinapasok sa bahay. Ito ang unang 13 na official housemates na pumasok sa bahay ni Kuya:

Jahziel ‘Jaz’ Mangabat, 24 (Ang Sensual Siren ng QC)
Jan ‘Slater‘ Young, 23 (Ang Hotshot Engineer ng Cebu)
Marnill ‘Kigoy‘ Abarico, 32 (Ang Bay Diskarte ng Ormoc)
Anna Christine ‘Tin’ Patrimonio, 19 (Ang Captain’s Daughter ng QC)
‘Roy‘ Marcelo Gamboa, 32 (Ang Sales Lakay ng Pangasinan)
‘Kevin’ Andrew Fowler, 18 (Ang Dreamboy ng California)
Luzviminda ‘Luz’ McClinton, 33 (Ang Mom of Steel ng Muntinlupa)
Annielie ‘Pamu’ Pamorada, 19 (Ang Kitikiti Kid ng Batangas)
Philip Joel ‘Paco’ Evangelista, 26 (Ang Hopeless Romantic ng Gensan)’
‘Kim’ de Guzman, 19 (Ang Stunning Sweetheart ng Olongapo)
Joseph Emil ‘Biggel’, 19 (Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque)
Seiichi ‘Seichang’ Ushimi, 22 (Ang Pinoy Anime ng Japan)
‘Divine’ Maitland-Smith, 20 (Ang Darling Dude ng Cebu)

Dubbed as Pinoy Big Brother Unlimited, this PBB is one of the biggest seasons. Sa nag-audition palang na-break na nila ng record with 30,000 hopefuls na gustong makapasok sa bahay ni Kuya. Unlimited din ang twists na hinanda para sa season na ito. Una na nga rito ay ang pasabog na bukod sa 13 official housemates, ay may 30 reserved housemates na maaring magkaroon ng pagkakataon na pumasok at maging official housemate ni Kuya! Ngunit hindi ito magiging madali dahil para na rin silang susuot sa butas ng karayom sa  mga task na kailangan nilang ipasa para maging official housemate.

Ipinakita na rin ang 30 reserved housemates noong Sabado at binunot sa tambyolo ang number ng lucky housemate na unang papasok at susubukin sa loob PBB house. Ito ay si Carlo Romero, 25, from Chicago. Magiging mole sya ni Kuya sa loob ng isang linggo at bibigyan ng 4 na imposibleng task. Kapag successful sya ay pwede na syang maiwan sa loob ng bahay bilang official housemate. 🙂

So nagsimula na ang buhay ng ating 14 housemates sa loob ng bahay. Subaybayan na lang natin kung paano ang magiging takbo ng buhay nila sa loob. May early favorites na ba kayo? Exciting! 🙂

Cathy enters Big Brother House in Finland

Ang swerte naman nitong si Cathy. Nakarating na siya ng Europe salamat sa Big Brother Swap. At sityempre napapanood pa siya ng mga taga-Finland sa tv. I think ok lang naman na siya ang pinadala. Typical Filipina kasi ang beauty niya. Minalas lang pala siya ng konti dahil naiwan ang baggage niya sa Kuala Lumpur Airport. Mukhang ok naman ang pagtanggap sa kanya ng mga housemates sa Finland. Pero siyempre not as well as how the Pinoy housemates welcomed Katlin. Hopefully makatulog naman siya kahit na sa isang malaking kama lang silang lahat hihiga. Mukha ngang merong Finish housemate na may crush sa kanya. Tignan na lang natin kung ano mangyayari. I think ok naman so far ang pag-re-represent niya sa Philippines. Ako lang ba ito o feeling niyo din ba na para siyang beauty pageant contestant pag nagsasalita ng English?

Housemates undergo mock interview

As part of the Big Swap, Big Brother told the housemates that they will undergo an interview to be conducted by Big Brother producers from the around the world. The housemates didn’t really know that the ones they were talking to were just hired by Big Brother and were not actual producers. This was a good exercise for the housemates and a good way for us viewers to see them in a different light.
Melay was at her usual funny self. Bentang-benta pa rin si Melay pero mukhang hindi natuwa ang interviewer. Pero I’m sure ang mga viewers natuwa. Ang kulit kasi ng mga sagot nitong si Melay.
Yung ibang housemates kinailanagn may kasama pang translator. Si Delio at Kath may translator. Medyo nagulat ako na nangailangan itong si Kath ng translator. Hindi masyadong pinakita yung interview kay Kath so hindi ko rin masabi. Si Delio naman nakakaintindi naman. At nakakasagot nga e.
Ang kulit rin pala nung nagyari dito kay Tibo. Tinatanong siya what his best physical asset was pero hindi siya makasagot ng matino. Palagi kasi ugali yung sagot niya. Siguro hindi niya masyado naintindihan yung question. Or baka nagpanic lang siya. Hndi lang siya siguro sanay ma-interview ng ganun. Medyo uminit na nga siguro yung ulo ng interviewer dahil ang daming beses na paulit-ulit niyang tinanong ang tanong na iyon upang makakuha lamang ng matinong sagot from Tibo.
Yung mga ibang housemates naman nagpakita ng kanilang talent. Si Cathy nagsayaw at yung iba naman kumanta. Sabihan kaya ni Big Brother na joke time lang yung interview. Sana ipapanood sa kanila yung mga interview para mapagtawanan nila ang isa’t-isa.