Housemate Paco Interesado kay Divine?

Kagabi may clip na pinalabas sa Big Brother kung saan kinakausap ni Paco Evangelista (Ang Hopeless Romantic ng Gensan) si Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland-Smith.

Alam naman nating lahat na tibo si Divine. Pero in fairness, malakas ang dating ng half-British lesbian. Tinanong  ni Paco kagabi si Divine kung anong klaseng lesbian sya. (May iba-ibang klase ba?) Natanong din ni Paco kung may chance ba ever si Divine na maging “girl” ulit in the future. Sa confession room, nagsabi si Paco kay Big Brother na “interesting” si Divine. Ehem, ehem, ehem, ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Paco? Hindi ba nya alam na medyo near “hopeless” ang pagporma kay Divine? Si Divine na rin kasi ang nagsabi kay Kuya na mga 7 years old pa lang sya nang maramdaman nyang she’s “different”. Isa pa, nagkarelasyon na sya dati sa isang lalaki that lasted 8 months. Ito ang nagbigay ng affirmation sa kanya na hindi boys ang gusto nya. :p May girlfriend din ang tattoo artist na si Divine sa labas ng bahay.


Let’s see if Paco will continue to show interest in Divine. Or baka curious lang talaga sya diba? Ganyan naman talaga pag nagsisimula ang Big Brother. Nakikiramdam pa ang mga housemates, at hindi naiiwasan na maging interested sa isa’t-isa lalo’t nagkakakilanlan pa lang sila. 🙂

Feeling na mga Boys ng House B

Hay naku, kagabi pa ako di mapakali. Matagal-tagal na rin akong di nakapagsulat dito sa PBB Updates pero mula nang mapanood ko yung episode kagabi e alam kong dapat kong isulat ang opinyon ko, kung hindi…baka sumabog pa ako :p

Sa simula ng linggo ay pinadalhan ni Big Brother ng bagyo ang mga housemates, ang Bagyong Walay. Hango sa salitang “Hiwalay”, nawalay ang mga magkakalapit na housemates ng dalawang bahay nang pinagpalit ni Big Brother ang mga girl housemates sa magkabilang bahay. Dahil dito, sila Rica, Melay, Cathy at Carol ay lumipat sa House B, habang sina Mariel, Yuri, Kath at Sam naman sa House A.

Syempre nagulat ang lahat sa bagyong dumating. Unang pinarating ni Kuya ang balita sa boys ng House A. Kitang-kitang nabigla ang mga boys, lalong-lalo na si Jason na napatungo sa narinig (dahil siguro natakot syang mahiwalay kay Melay). Dahil dito ay gumawa ng paraan sina Tibo, Paul Jake, Johan at Jason upang mapasaya ang kanilang girl housemates sa mga huling sandali na sila’y magkakasama. Super sweet nga nakakatuwa. 🙂

Sa kabilang bahay naman ay unang pina-alam ni Kuya sa mga girls ang mangyayaring palitan. Hindi na rin ako nagulat sa medyo-OA na reaksyon ng mga girls. Eto pang si Yuri e may pasaring pa na kung may choice daw sya ay hindi naman sya aalis talaga (E girl, wala ka ngang choice, sorry). Mukhang kinakabahan dahil sabi nila ang boys sa House B ay  submissive sa kanila, so baka hindi sila maka-ubra sa kanilang pagiging bossing sa mga boys ng House A. At nangyari na nga ang palitan at nawindang ang mga housemates. Nandyan ang mga iyakan at pagka-miss sa mga nawalay na housemates, at ganon din ang ilangan at paninibago sa mga bagong pakikisamahan.

At ayun na nga, habang karamihan sa mga housemates ay nangungulila sa mga nakagisnang mga kasama, E etong mga boys ng House B na sina Patrick, Rob, Rocky, at Hermes ay pinili pang mag-self pity. Kesyo lugi sila dahil mas hot ang girls nila dati. Inis na inis nga ako kay Patrick dahil dati pa man ay nakikitaan ko na ito ng pagka-plastic. Kahit ako si Jimson ay magagalit din ako, dahil obviously may gusto sya kay Mommy Kath at lagi na lang nya gusto maka-score. Lalo pang lumabas ang mga tunay na kulay ng mga boys ng House B nang mag-prepare sila na gumamit ng jacuzzi with their new girl housemates. Akalain nyong i-judge pa si Rica dahil sa kanyang pagiging transgender. Foul talaga ang iba nilang comments. Sana lang ay ma-realize nila na more than physical looks, ang personality at attitude ay sobrang mahalaga. Sana matuto silang makibagay ng maayos, lalo na kapag nakilala pa nilang mabuti ang mga girl housemates ng House A. Ma-realize nila na sa lahat ng palitan, hindi sila ang tunay na lugi kung hindi ang girls talaga ng House A. Dahil ang mga boys ng House B ay losers in attitude.

Opinyon ko lang ha…kayo ba?

Shifting Schedule sa Bahay ni Kuya

Kanina ay in-announce ni Kuya ang shifting schedules sa PBB house. O diba parang call-center lang? Ginawa nya ito para isipin ng mga housemates na iyon ang kanilang weekly task. Walang malay ang ibang housemates na ang kanilang weekly budget ay nakasalalay sa performances ng kanilang mga kasamahang sila Rob at Rica, na nagpapanggap na magkasintahan sa House A; at sila Patrick at Kath na napapanggap na mag-asawa (plus si Jimson na nagtitiis sa selos) sa House B.

Ang mga housemates sa House A ay naka-day shift muna, habang ang mga housemates sa House B ay night-shift muna.

PBB The Spooktacular Reveal: More New Housemates!

Noong nakaraang Sabado ay ipinakilala ang 14 na bagong housemates sa Pinoy Big Brother House.

Yun nga lang maagang nagpaalam ang mga double-up housemates na sila Toffi & Kenny at JM & JP.

Pero wag mag-alala, dahil may mga dinagdag ulit si Kuya na bagong housemates para sumaya ulit sa loob ng bahay nya.

Johan, 22
Cutie Server ng QC

Cathy, 22
Charming Babe ng Bohol

Steve, 33
Dad of Steel ng Cagayan de Oro

Hermes, 23
Reluctant Amboy ng Pampanga

Patria, 23
Bibang Probinsyana ng Siquijor

Kath & Jimson,
La Senora at Houseband ng Spain

Rob, 24
Ladies Man ng Austria

Patrick, 32
Charming Banker ng Baguio

Rica, 26
Math Goddess ng Bacolod

Ang unang may mga task ay sina Cathy, Patrick, Rob at Rica. Sina Cathy at Patrick ay magpapanggap na mag-asawa, samantalang si Rob at Rica naman ay magkukunwaring magkasintahan. E dahil itong si Rica ay isang transgender, abangan natin kung mahihirapan sila ni Rob na panindigan ang pag-acting. 🙂

Some Info about the New PBB Double Up Housemates

Some trivia about our PBB Double Up housemates from the show earlier:

Princess, 22
Sexy Vamp ng Cebu
– Si Princess ay laking Lola dahil iniwan ng kanyang nanay nang sya’y bata pa.
– Her mom is in Japan, disappointed
nasaktan na sa pag-ibig
fukuoka japan

Tom, 22
Romantic Stud ng Samar
– Certified pasaway turned good boy
– “Hilaw na kano.” He auditioned or PBB in San Francisco
– He’s the 3rd of 6 children and migrated in the US when he was 12 years old
– His first love is drawing, but learned the guitar and composing songs

Delio, 26
Simpatikong Kusinero ng Batangas
– Batanguenong “Wizard sa kusina.” Cook sa isang resto.
– Mahirap ang buhay at Grade 6 lang ang tinapos.
– Nainlove at nang mabuntis ang nobya ay pinaglayo sila.
– Reunited with partner at 2 year old, english-speaking son.
– Pangarap nyang mapakasalan na ang nanay ng kanyang anak.

Paul Jake, 24
Negosyo Prince ng Cebu
– May pharmaceutical business ang family.
– loves adventure and cars.
– He started his own business at age 21.
– Magaling makisama, kahit sa kanilang mga workers.

Jason, 21
Boy Astig ng Mindoro
– Lola’s boy na minsan ay may topak. Di umaatras sa mga laban
– Bad boy at astigin. Mala- jackass ang mga trip
– Malayo sa tatay at ‘di close sa ina, pero mahal na mahal ang mga kapatid

Melissa,21
Inday Kenkay ng Gensan
– English teacher na kalog.
*Um, naglipat kami ng channel kaya ito lang ang naabutan ko. :p

Yuri, 25
Multilingual Hottie ng Japan
– knows 5 languages: Portuguese, Spanish, English, Filipino and Japanese
– Nag-asawa ng hapon ang nanay sa Osaka, at inampon ng stepdad na hapon.
– Nagkaroon ng karelasyong taga-Portugal na dumurog ng puso nya.

Carol, 22
Conservative Pharmacist ng Tondo
– Pharmacy graduate at professor ng Industrial Pharmacy sa UP Manila
– Nanggaling sa isang conservative Chinese family at NBSB.
– isang achiever at born again christian

Mariel, 21
Struggling Mom ng Davao
– Has a strict and unreasonable mom, kaya nagrebelde
– Gimikera at sosyalerang may angking tapang.
– Natigil mag-aral nang mabuntis.

Yhel, 26
Young Widow ng Pamapanga
– Maagang nabuntis at age 14. (Toni: real-life katorse!)
– Sa edad na 20 ay nabiyuda nang nasaksak ang asawa
– May 2 anak. Ang isa ay special child

Toffi, 19
Basketbolero ng Rizal
– Basketball player at college scholar
– pangarap maging professional basketball player
– certified chickboy (dati raw). May girlfriend na sya ngayon.
– mas matangkad sa kambal na si Kenny.

Kenny, 19
Joker Jock ng Rizal
– Identical twin ni Toffi.
– Varsity player din ng basketball. Magka-team sila ng kanyang kambal.
– Certified torpe, kabilagtaran ni Toffi.

JM, 29
Delightful Dad ng QC
– IT Practitioner
– Married with 1 kid
– May dimple, ang kambal na si JP wala

JP, 29
Jetsetter Dad ng QC
– Identical twin ni JM
– Flight attendant
– Married with 2 kids and one more on the way
– Sunday school teacher**

**dahil nakakaliko ang kambal, hindi ko sigurado kung si JM o JP ang nagtuturo ng Sunday school. Will verify kung kaya. 🙂