PBB The Spooktacular Reveal: More New Housemates!

Noong nakaraang Sabado ay ipinakilala ang 14 na bagong housemates sa Pinoy Big Brother House.

Yun nga lang maagang nagpaalam ang mga double-up housemates na sila Toffi & Kenny at JM & JP.

Pero wag mag-alala, dahil may mga dinagdag ulit si Kuya na bagong housemates para sumaya ulit sa loob ng bahay nya.

Johan, 22
Cutie Server ng QC

Cathy, 22
Charming Babe ng Bohol

Steve, 33
Dad of Steel ng Cagayan de Oro

Hermes, 23
Reluctant Amboy ng Pampanga

Patria, 23
Bibang Probinsyana ng Siquijor

Kath & Jimson,
La Senora at Houseband ng Spain

Rob, 24
Ladies Man ng Austria

Patrick, 32
Charming Banker ng Baguio

Rica, 26
Math Goddess ng Bacolod

Ang unang may mga task ay sina Cathy, Patrick, Rob at Rica. Sina Cathy at Patrick ay magpapanggap na mag-asawa, samantalang si Rob at Rica naman ay magkukunwaring magkasintahan. E dahil itong si Rica ay isang transgender, abangan natin kung mahihirapan sila ni Rob na panindigan ang pag-acting. ๐Ÿ™‚

Mga Kambal Lumabas na sa Bahay ni Kuya

Isang linggo pa lang ang lumipas mula nang nagbukas muli ang Pinoy Big Brother house pero ang dami nang nangyari.

Ang double-up twins na sila Kenny at Toffi, at JM at JP ay lumabas na sa bahay. Naunang umalis si JP, nang mag-voluntary exit dahil sa kinakailangan bumalik sa trabaho. At ang mga natirang kambal sa loob, pagkatapos mahirapan sa task ni Kuya na magpalipat-lipat sa dalawang bahay, ay tuluyan na ring lumabas nung Biyernes nang tuluyan nang mabuking ng iba pa nilang mga kasamang housemates. Nakakalungkot man, ok na rin dahil for sure nag-enjoy din naman sila sa loob ng bahay no matter how short their stay was.

Pero si Carol, napaiyak sa paglabas ng mga kambal. E paano, nahuhulog na pala ang loob nya kay Kenny.
Ang bilis ma-develop ha? Iba talaga epekto ng bahay ni Kuya. E pano na si Melissa? Wala na syang ka-I love you, dahil wala na syang babe? hehe ๐Ÿ™‚

So goodbye double-up housemates, sana magkaroon kayo ulit ng pagkakataon na makabalik sa loob ng PBB house para mai-pagpatuloy ang naudlot nyong pagtira dito.

Ang Babae Nga Naman

The past two days ay nakita natin ang unang mga araw ng ating mga bagong housemates sa bahay ni Kuya.

Kung hindi nyo pa alam, nahahati sa dalawa ang bahay ni Kuya this season (sa ngayon dahil hindi natin alam kung anong binabalak ni Kuya in the coming weeks).

Sa isang bahay
Princess and the boys (Tom, Delio, Paul Jake andย  Jason)

Sa kabilang bahay
The girls! (Melissa, Yuri, Carol, Mariel and Yhel)

Mga NPAs (No Permanent Address..hehe)
Double-up housemates Toffi & Kenny at JM & JP
Nahati sa dalawang set ang kambal at nagpapalitan sa 2 bahay ni Kuya

Ang task ng double-up housemates ay magpalipat-lipat sa dalawang bahay sa hudyat ni Kuya. Dapat ay hindi mabuking ng ibang housemates na may palitang nagaganap, na may kakambal sila, at na dalawa ang bahay ni Kuya.

Kaya nga lang…

Kahapon ay unang inutos ni Big Brother na magpalit na sila Kenny at JP (na nasa bahay kasama ng boys), at sila Toffi at JM (kasama ng girls). Pagpasok na pagpasok pa lang nila Kenny at JP para magpanggap na sina Toffi at JM ay nakahalata na kaagad ang girls. Hindi pa man nakalipas ang ilang minuto ay naisa-isa na ng mga girls ang mga pagbabagong napansin nila sa mga bagong pasok. Si Melissa nga, ultimo laki ng pwet, kulay ng brief at pagsintas sa sapatos ay pinansin. Ang mga babae nga naman, super keen sa details, at napaghahalatang magaling mag-observe (especially sa boys). Tuloy-tuloy pa sila sa panghuhula hanggang kinabukasan. Nahulaan pa nga ni Carol na dalawa ang bahay ni Big Brother nang hindi nya nalalaman e.

Buti na lang at binigyan ni Big Brother ng isa pang pagkakataon ang mga kambal. Tuloy ang kanilang task pero hindi dapat sila mabuking ni Princess at ng mga boys sa kabilang bahay.

Pero ano ito, may malaking problema si JP! Hindi pala inaprubahan ang kanyang leave application at kinakailangang mamili kung mananatili sa loob ng bahay ni Kuya o mage-exit para magreport sa trabaho. Naiyak na nga sya dahil alam nya na mahalaga ang experience sa loob ng bahay ni Kuya para sa kanila ng kambal na si JM, pero kailangan nya ang kanyang trabaho upang itaguyod ang kanyang pamilya. Paano na kaya? Kapag lumabas sya ay madadamay ba ang kapatid na si JM at mapapa-alis din ng di oras sa Pinoy Big Brother house? Abangan natin mamaya.