Housemate Paco Interesado kay Divine?

Kagabi may clip na pinalabas sa Big Brother kung saan kinakausap ni Paco Evangelista (Ang Hopeless Romantic ng Gensan) si Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland-Smith.

Alam naman nating lahat na tibo si Divine. Pero in fairness, malakas ang dating ng half-British lesbian. Tinanong  ni Paco kagabi si Divine kung anong klaseng lesbian sya. (May iba-ibang klase ba?) Natanong din ni Paco kung may chance ba ever si Divine na maging “girl” ulit in the future. Sa confession room, nagsabi si Paco kay Big Brother na “interesting” si Divine. Ehem, ehem, ehem, ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Paco? Hindi ba nya alam na medyo near “hopeless” ang pagporma kay Divine? Si Divine na rin kasi ang nagsabi kay Kuya na mga 7 years old pa lang sya nang maramdaman nyang she’s “different”. Isa pa, nagkarelasyon na sya dati sa isang lalaki that lasted 8 months. Ito ang nagbigay ng affirmation sa kanya na hindi boys ang gusto nya. :p May girlfriend din ang tattoo artist na si Divine sa labas ng bahay.


Let’s see if Paco will continue to show interest in Divine. Or baka curious lang talaga sya diba? Ganyan naman talaga pag nagsisimula ang Big Brother. Nakikiramdam pa ang mga housemates, at hindi naiiwasan na maging interested sa isa’t-isa lalo’t nagkakakilanlan pa lang sila. 🙂

PBB Unlimited: Ang Bagong Bahay

Kasisimula lang ng Season 4 ng Pinoy Big Brother noong Sabado, per tuloy-tuloy ang unlimited na pakulo ni Kuya. Isa sa kitang-kitang pagbabago ay ang kakaibang anyo ng Pinoy Big Brother house. Mala-squatter o slums ang itsura ng bagong bahay na talaga namang nag-transform at ibang-iba sa mga naunang ayos ng Big Brother House.

Ang galing ng pagkakagawa ng bahay this season. Sobrang realistic ang ayos, malayong-malayo sa usual Big Brother House na ating kinagisnan. Ang natatanging pareho ay ang mga one way mirrors kung saan nakatago ang mga camerang nagbabantay 24/7 sa ating mga housemates. Wala rin ang pool, bagkus ay may canal na pinagawa para maging mas makatotohanan ang mala-“squatters” na house theme.

Pero hindi biru-biro ang concept ngayong taon. Sa likod ng kakaibang itsura ng bahay ay ang mas malalim na rason ni Kuya. Nais ni Big Brother na maranasan ng mga housemates ang nararanasan ng halos 15 milyong Pinoy na salat sa buhay. Kung iisipin, kahit na hindi totoong realidad ang pagdaraanan ng mga housemates sa loob ng bahay, ay mararamdaman pa rin nila kahit papano ang hirap ng ating ibang kababayan. Lalo pa sa bago at kakaibang twist na kasunod na isinambulat ni Big Brother.

Binigyan ang housemates ng desisyon na mamili sa tatlong UNLI: Tubig, Damit at Pagkain, tatlo sa mga basic needs ng mga tao sa pangaraw-araw na pamumuhay.

Unlimited Water
Unlimited ang supply ng tubig ng mga housemates sa buong araw. Ngunit magiging limitado ang pagkain at pananamit nila. Ang limitadong pagkain na kailangan pagkasyahin sa loob ng isang araw ay 9 lata ng sardinas, 2 kilong bigas, 6 na instant noodles, at 7 itlog. Bibigyan din sila ng isa lamang na damit na kapalitan ng damit sa suot nila noong Big Night.

Unlimited Clothes
Makukuha nila at maaaring gamitin ang lahat ng damit na inimpake, kapalit ng limitadong pagkain at tubig. Siyam na balde lamang ng tubig ang maaari nilang gamitin (liban dito ang tubig pang-inom) kung ito ang piliin nila.

Unlimited Food
Walang magiging problema ang housemates sa pagkain, ngunit kailangan nila tipirin ang kanilang tubig, at hindi rin sila makakapagpalit basta-basta ng damit.

Kakapasok pa lang ng mga housemates ay bumulaga na sa kanila ang mahirap na desisyon sa pagpili ng kanilang UNLI supply. Parang pagpili lang ng kung anong cell network ang magbibigay ng mas magandang unlimited deal. 🙂 Sa huli pinili ng mga housemates ang unlimited na pagkain.

Sa tingin nyo ba tama ang desisyon nila? Kung ako kasi yun, pipiliin ko siguro ang unlimited na tubig, mainly for hygienic purposes. Diba, kung hindi man makakapagpalit ng damit, at least makakapag-laba sila.Tsaka may pagkain naman sila, kaunti nga lang. Sa tingin ko naman kasi hindi rin naman pababayaan ng PBB management na magutom ang mga housemates  up to the point na delikado na. Pero mahirap din magutom, kaya naiintindihan ko rin ang desisyon ng mga housemates.

Nakakatuwa lang na sa simpleng task ng pagpili ay instant karamay agad ang mga housemates ng maraming mahirap nating kababayan. Buti nga sa loob ng bahay ni Kuya, may unlimited supply ng isang basic need, samantalang para sa karamihan, wala lahat, pati bahay na titirhan.

Let’s see kung tama ang desisyon nila, or kung paano paninindigan ng ating bagong housemates ang pinili nilang unlimited need supply.

 

 

 

Rocky is the new Wendy

I’ve been quite busy and I have written a Pinoy Big Brother Double Up blog entry for quite a while. However with the treatment that Rica gets from the guy housemates of House B, I have to write a new entry expressing how I am disappointed with the guys of House B. Rica doesn’t deserve that kind of treatment. What did she ever do to you? You don’t even know her. Shame on you guys of House B. I thought it was only the girls of House B who make House B very unlikable. It’s a given that Mariel and Yuri are the characters that people love to hate. Thanks to your treatment of Rica, you guys of House B will be getting the same hate of PBB fans. Patrick, I thought you were ok before but now I know better.

Whatever Rocky! You are the new Wendy. I don’t think I’m the only one who doesn’t like you. You were not even apologetic. You even have the nerve to say na nagpapakatotoo ka lang. Wendy Wendy ka nga!

I just hope people who don;t vote go out of their way to text and vote for you Rocky since this time people will vote for they want to be evicted.

See you at the outside world this Saturday Rocky!

Delio is becoming more difficult

I’m starting to think na si Delio na nga ang maalis sa eviction night. That is if hindi matuloy ang pag voluntary exit niya. Sa pakita kasi kagabi bago matapos ang PBB sa primetime, pinakita na nung nalasing si Delio na gusto na niyang lumabas. Ok lang naman kung lumabas na siya since medyo nagiging mahirap na siyang pakisamahan. He seems to take it against the others pag hindi siya ang nasusunod. Good luck na lang kay Delio. I hope he finds his peace.

Rob at Mariel nalasing

Dahil nagkaroon ng isang welcome party sa pagpasok nitong Big Brother Swap housemate na si Kaitlin, maraming food and drinks ang mga housemates. At siyempre dahil sabik sa food and drinks ang mga housemates ng House B (House B pa rin ang tawag ko sa kanila kahit nasa House A na sila nakatira) medyo nasobrahan yata itong sina Mariel at Rob. Medyo grabe pala malasing itong si Rob. Parang hindi siya. I would like to think he is a gentle guy pero nung nalasing siya…. Hmmm…. Parang naging iba siya. Foul mouthed and something else. Nakakatawa nga na Hapon ang tawag niya kay Yuri e. Si Mariel naman ayun, hindi nakayanan at kailangan pang buhatin. Nagkatask pa tuloy itong si Hermes to look after her. At siyempre si Mariel nung binubuhat na siya ni Hermes said something like she ‘s liking her situation. Hehe. I guess they had too much to drink. Buti na lang ok lang kay Kaitlin kahit nagkakaganun ang mga housemates niya.

Cathy enters Big Brother House in Finland

Ang swerte naman nitong si Cathy. Nakarating na siya ng Europe salamat sa Big Brother Swap. At sityempre napapanood pa siya ng mga taga-Finland sa tv. I think ok lang naman na siya ang pinadala. Typical Filipina kasi ang beauty niya. Minalas lang pala siya ng konti dahil naiwan ang baggage niya sa Kuala Lumpur Airport. Mukhang ok naman ang pagtanggap sa kanya ng mga housemates sa Finland. Pero siyempre not as well as how the Pinoy housemates welcomed Katlin. Hopefully makatulog naman siya kahit na sa isang malaking kama lang silang lahat hihiga. Mukha ngang merong Finish housemate na may crush sa kanya. Tignan na lang natin kung ano mangyayari. I think ok naman so far ang pag-re-represent niya sa Philippines. Ako lang ba ito o feeling niyo din ba na para siyang beauty pageant contestant pag nagsasalita ng English?

Housemates undergo mock interview

As part of the Big Swap, Big Brother told the housemates that they will undergo an interview to be conducted by Big Brother producers from the around the world. The housemates didn’t really know that the ones they were talking to were just hired by Big Brother and were not actual producers. This was a good exercise for the housemates and a good way for us viewers to see them in a different light.
Melay was at her usual funny self. Bentang-benta pa rin si Melay pero mukhang hindi natuwa ang interviewer. Pero I’m sure ang mga viewers natuwa. Ang kulit kasi ng mga sagot nitong si Melay.
Yung ibang housemates kinailanagn may kasama pang translator. Si Delio at Kath may translator. Medyo nagulat ako na nangailangan itong si Kath ng translator. Hindi masyadong pinakita yung interview kay Kath so hindi ko rin masabi. Si Delio naman nakakaintindi naman. At nakakasagot nga e.
Ang kulit rin pala nung nagyari dito kay Tibo. Tinatanong siya what his best physical asset was pero hindi siya makasagot ng matino. Palagi kasi ugali yung sagot niya. Siguro hindi niya masyado naintindihan yung question. Or baka nagpanic lang siya. Hndi lang siya siguro sanay ma-interview ng ganun. Medyo uminit na nga siguro yung ulo ng interviewer dahil ang daming beses na paulit-ulit niyang tinanong ang tanong na iyon upang makakuha lamang ng matinong sagot from Tibo.
Yung mga ibang housemates naman nagpakita ng kanilang talent. Si Cathy nagsayaw at yung iba naman kumanta. Sabihan kaya ni Big Brother na joke time lang yung interview. Sana ipapanood sa kanila yung mga interview para mapagtawanan nila ang isa’t-isa.

Yhel to face forced eviction

Voting has officially closed for the second eviction night. The nominated housemates (except for Yhel) can now breathe since they will be staying longer inside the Pino Big Brother House. Thanks to Yhel’s violation she will be the next housemate to leave the PBB House.

Kasi naman, itong si Yhel nag-suggest ba naman na iboto nilang lahat itong si Hermes para magka-chance pa na magmeet ulit sila ni Carol. Si Carol kasi lumipat na sa kabilang house. So ayun, after a string of earlier viplations, Big Brother has had enough of Yhel. As a consequence of this last violation, she will face forced eviction. I think wala namang nagbago dahil sa kaganapang iyon. Feeling ko kasi, siya rin naman ang matatanggal if ever natuloy ang second eviction night.

I may not like Yhel but I wish her well and I wish her good luck in her life outside Pinoy Big Brother Double Up.

Pictures of PBB Double Up’s Princess

I saw a link in PBB Double Up’s site in Multiply pointing to the Friendster pictures of Pinoy Big Brother Double Up’s Housemate named Princess.

If you haven’t seen it yet. Here are a few of the pics I saved from there.

Sayang talaga, mas gusto ko pa rin siya kaysa sa karamihan ng girl housemates ng House B. Please feel free to comment.

Mga housemates nagpalitan ng bahay

Kagabi sa Pinoy Big Brother Double Up…

Isa na namang twist ang ginawa ni Kuya. Pinagpalit ng bahay ang mga housemates. Ang mga housemates ng house A titira muna sa House B. At ang mga housemates naman ng house B titira sa House A. At para mas maging magulo ng kaunti, toiletries at underwear lang ang puwede dalin ng housemates sa kabilang bahay.

So ayun, the housemates will have to use other people’s clothes. Si Mariel nga ginamit ang damit ni Jason. Hindi tuloy siya masyado halata. Hehe. Kawawa naman itong si Melay pag nagkataon.

Si Carol naman ginamit ang damit ni Cathy. Inasar tuloy siya na she want to be Cathy para magustuhan din siya ni Hermes. Hehe.

Natawa pala ako sa reaction ng House B sa dumi ng bahay ng House A. Hehe. Sa bagay, mas marami kasing lalake sa house A. At mas maraming babae sa House B. So naturally, ganun naman talaga ang mangyayari. Yung mga girls nga ng house B pinuna rin na mgulo ang gamit ng mga boys ng House A e. Kitang kita naman ang difference sa reaction ng magkabilang bahay. Yung mga taga House A sinabi nila na malinis sa House B. Natuwa ang mga taga house A dahil mas cozy ang house B. Mas normal na bahay kasi ang ayos ng house B unlike sa House A na medyo modern at kakaiba.

Isa pa palang naganap kagabi ang pag-announce ni Kuya of the upcoming Big Brother Swap. At first nalito ang iba dahil hindi pa lahat ng detalye sinabi ni Kuya. Pero in the end nalinawan naman sila. Part nga ng weekly task nila yun e. I think they have to do a cross stitch piece. Tapos yung Big Brother from the other country ang pipili ng mas maganda. If yung piece nila ang mapili, they win the task at sa kanila din magmumula yung ipapadala para sa Big Brother Swap. I’m not really sure if tama yung intindi ko pero parang ganun. Feel free to correct me.