Second set of nominees

After mapaalis itong si Jimson, sino naman kaya ang susunod? Naging malapit ang mga puntos ng magkabilang bahay sa naganap a Second nomination night. In the end, ang mga nominado ay sina Delio at Tibo ng House A. At sina Yel, Mariel, at Carol ng House B. Sino sa palagay ko ang susunod na maalis? Mahirap hulaan pero feeling ko it’s someone from House B ulit. Hehe. Mas gusto ng mga tao ang House A e. Sa mga nominees sa House B, feeling ko si Yel or Mariel ang maalis. They have something kasi na hindi likable sa kanila. I’m not really sure what it is pero ayun basta. Hehe. Kayo? Sino sa palagay niyo?

Princess of PBB Double Up Nag-voluntary exit

After being saved sa 1st eviction night ng Pinoy Big Brother Double Up, lumabas na kagabi (Sunday) itong si Princess sa Bahay ni Kuya. Nag-voluntary exit siya matapos patawan ng automatic nomination dahil sa isang violation na kanyang nagawa. Ang violation na ito ay ang pagbangit niya kay Melay na sana ni-nominate niya na lang itong si Delio. Ang dahilan ni Princess sa paglabas ay ayaw niyang mag-alala ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Nominated na naman kasi siya for the second straight week. Isa pa sa kanyang dahilan ay hindi naman niya nakikita na makakatulo ng sa kanyang mga plano sa buhay ang pananatili pa sa loob ng big brother house. Nag-audition lang naman daw siya dahil sa udyok ng kanyang boss. Supportive din daw ang kanyang mga kasama sa trabaho. So ayun, kahit hindi niya naman masyadong nakikita ang point ng pagsali ay nakapasok siya sa Bahay ni Kuya. Sayang itong si Princess. I like her even if she’s a strong personality. Sometimes nga she seems so strong na parang nababastos niya na itong si Big Brother.
Anyway, mukha namang masaya itong si Princess sa kanyang naging desiyon. I wish her luck on her future. I hope she fixes whatever she has to fix outside.

Princess bumisita sa House B

Dahil sine-celebrate ang United Nations week, nagbigay ng misyon si Kuya sa mga nominado na maging ambassador ng kanilang bahay at bumisita sa kabila. Pinabunot sina Jason at Princess mula sa dalawang bola. Since si Princess ang nakakuha ng globe na bola, siya ang bibisita sa House B at tatayong ambassador ng House A.

Ano ang nangyari sa pagbisita ni Princess? Hmmm… Napatunayan na naman ang isa kong opinyon na merong hindi magandang pag-uugali o kung ano mang umiiral sa House B. Aside sa pagkikitang muli ni Tom at Princess, ano pa ba ang mapupulat ng manonood sa pagbisita ni Princess?

Ok fine, sige. Mukhang mataray si Princess with her kilay and all. Pero hello, even if she said something like Kumakain pa ba kayo? Princess is your guest. You housemates in House B, should not be offended by that. Or at least understand where she’s coming from and that she means no harm.

Anyway, uulitin ko. Ano ang mapupulot natin sa pagpunta ni Princess sa House B? The housemates of House B showed us all how to not treat a guest. Kung may bisita ka, itataboy mo lang ba siya dahil nag-iisip ka na ispiya siya? Aside from the very cold treatment and backbiting that the girl housemates of House B did to Princess, ang pinaka ayaw ko ay hindi man lang pinaramdam sa kanya na welcome siya. Ok fine, sabihin niyo na na nagpapakatotoo lang ang House B pero still. Ang kabutihang asal, mabuting pagtanggap sa bisita ay hind salungat sa pagpapakatotoo. Shame on you Housemates of House B! Imbis na ipakita niyo ang brand of Filipino hospitality na likas sa mga Pilipino, mas tinignan niyo na kalaban si Princess. Oo, kabilang siya sa kabilang bahay, pero sapat na ba yun upang ganun ang gawin niyo sa kanya?

Siguro ay hindi niyo naiintindihan na ambassador si Princess. Ni hindi niyo man lang paupuin si Princess. Kung hindi pa nagtanong si Princess kung pwede siyang maupo, e hahayaan niyo lang siya na ganun. Ok fine, you don’t like her. Pero she is still your guest. I was hoping for a better treatment from you guys. But you proved me correct with my gut feel about you guys. Ayoko talaga sa mga housemates sa house B of course with a few exceptions. Tonight’s episode just proves why.

Siguro hindi niyo lang alam ang ibig sabihin ng ambassador. O siguro totoo ang sinasabi ni Carol…. na sadyang makitid lamang ang mga utak niyo.

Shame on you House B.

Shame on you.

Jason nahihirapan makisama sa mga guy housemates

Buti na lang to the rescue itong si Melay. Tinanong ni Mekya itong si Jason kung ano ang nagyayari sa kanya at nakasagot naman ng maayos si Jason. HIndi lang sanay itong si Jason sa mga kilos, asal, at pag-uugali ng kanyang mga guy housemates. Hindi siya sanay na maging bastos ang mga guys kahit na nasa harap ng babae. I commend Melay for trying to help Jason. I respect Jason’s views and there are still a lot of Filipino guys like him. Buti na lang the guys in House A are not narrow minded. I hope maayos nila ang gusot na ito.

Napagusapan din nila Tom at Princess itong si Jason. Kuhang kuha nila ang pinagdadaanan nitong si Jason. Sabi kasi nitong si Princess na she feels na na out of place itong si Jason with the other guy housemates. She feels na Jason is of pure heart at misunderstood lang. Tom agrees na misunderstood itong si Jason. I also see Jason that way. There is something raw and pure in him. He’s just misunderstood.

Naisip ko din na Carol is like the Jason of House B pero magkaiba. You know what I mean?

Carol bumisita sa House A

Kung anung lamig ang naging pagtanggap ng House B kay Princess, naging kabaligtaran ang nangyari kay Carol. Very warm ang nakuhang reception ni Carol from House A. Buti pa ang mga taga House A, marunong tumanggap ng bisita.

Sinalubong ni Melissa itong si Carol at pinakilala sa kanyang mga housemates isa isa. At siyempre, pinakain din nila itong si Carol. Feeling ko sa pagbisita ni Carol na iyon, mas naging masya siya sa pag stay sa House A kaysa sa entire length niya ng pag stay sa House B. Meron pa nga siyang nakitang prospect e. Hehe. SI Paul Jake ang type ni Carol. At balak pa niyang magpaturo ng swimming.

Gusto ko ang sinabi ni Rica about Carol and House B. Sabi ni Rica na nice naman pala si Carol at nagtataka sila kung bakit siya ang nominated. They concluded na hindi nice ang mga girl housemates sa house B. Rica, ang galing mo. You nailed it. Hindi mo man nakita pa ang mga housemates sa house B, just assessing Carol’s situation gives you a good picture of how the housemates in house B are.

First nomination night: An analysis

Ang mga nominated for eviction ay sina Princess and Jason of House A at Jimson and Carol of House B.

Hindi ako nagugulat na mominated si Jimson. Kung ako rin kasi ang nasa loob I would have nominated him. I’m not really sure what about him isn’t likable. Pero he is. Diba? It’s really hard to judge a person who you don’t know pero sometimes there are people na you just don’t like. Jimson seems to be in that category. Hehe. May point din naman ang mga housemates na i-nominate siya since dalawa naman silang mag-asawa ang nasa loob. If may isang maalis, may matitira pa namang isa.

As for the other nominees. Nagulat ako. Carol seems to be a nice girl. I see her as very Bea like (I mean Bea Saw, the winner of PBB Season 2). I guess the housemates see in her na she doesn’t need to win or even stay since she has a good life outside. Tuloy super affected ang siya. Kawawa naman. Medyo naging emotional at hindi matigil sa pagluha itong si Carol dahil nominated siya. The nice ones don’t deserve to be voted out first. She doesn’t deserve to be nominated. I would have wanted Yuri to be nominated. There is something not likable about Yuri. I’m not really sure what it is pero basta. (Just like Jimson hehe.)

So ayun sila Jimson and Carol ang nominated sa House B. Naging madami ang points na nakuha ni Jimson. Si Carol naman not as much. At medyo ibang iba ang resulta na nangyari sa House A. Naging malapit ang bilang ng mga points since parang sabog ang boto ng mga housemates sa House A. May kanya-kanyang issue ang mga housemates sa isa’t-isa at in the end. One or two points lang ang naging difference para ma-nominate sila. If things were different baka nga si Rica pa ang na-nominate. Kapareho lang ng votes ni Rica si Carol of House B. Malas lang ni Carol na house B siya, I would think na she wouldn’t be nominated kung nasa House A siya. There’s really something about House B.

Medyo nagulat ako na nominated si Jason and Princess. Sa mga girl housemates, isa si Princess na gusto ko. Mas marami pang girls sa House B na mas gusto kong matangal kaysa sa kanya. Housemates find her to be a strong personality kaya na-nominate siya. Medyo ma-English din siya kaya ganun. Si Jason naman, na-nominate kasi he doesn’t seem to open himself to most housemates. As an individual, I think ok si Jason bilang housemate. Kaya lang parang feeling nila na hindi masyado nakikisama itong si Jason. May isang time nga na akala nitong sila Rica and Rob na against sa kanila itong si Jason. They thought na nagdududa sa kanila itong si Jason. Nun pala, Jason was thinking of their welfare. Jason wanted to help them with their shower cap punishment. Misunderstood lang siguro itong si Jason. I hope he stays. I’m thinking na siya ang pinaka-maraming text votes na makukuha.

Sa apat na nominado, si Jimson lang ang hindi ko gusto. I think siya ang pinaka-unang maalis. Kayo? Sino sa palagay niyo?

Jimson umayos ka

Hay naku….

Jimson… Umayos ka nga! Masyado kang affected. At baka magfail pa kayong tatlo dahil sa pagiging affected mo. If hindi mo kayang maging supportive sa task, at least intindihin mo rin ang wife mong si Kath. Nahihirapan din kaya siya. At mas lalo mo din siyang napapahirapan dahil nakikita ka niyang nagkakaganyan. Hindi mo kailangan mag-selos, ano ba. May asawa’t anak din kaya itong si Patrick. If hindi mo kayang maging supportive sa task, look away. Huwag tumingin para huwag mainggit. Do something else.

Abangan ang episode mamayang gabi sa PBB Double Up. Mukhang sasabog na itong si Jimson at hindi na talaga makayanan ang task na pinagagawa sa kanilang tatlo.

Is Rica taking advantage of Rob?

I’m not really sure. I don’t think Rica is making any advances against Rob. I think they’re doing their task quite well. Magaling mag-strategize si Rica and I think Rob is playing along well with this task. I haven’t seen anything wherein I think Rob felt taken advantage of. Pero mahaba pa ang linggo so pwede malay natin… hehe. Pero I don’t think may ganung mangayayari. I hope they succeed with the task.

As for the other ‘couple’, ewan ko lang. I mean if I compare the strategy used by Rica and Rob, I think they could do better. I hope maging ok din ang pagpapanggap nila. Kaya lang pinapahirap kasi ng fact na nandun si Jimson. I think Jimson could handle the situation better. Hay naku Jimson! Umayos ka. It’s just a task, ok?

Ang Secret Tasks ni Rob, Rica, Patrick at Kath

Kamustahin naman natin ang task na ibinigay ni Big Brother sa ibang bagong pasok na housemates.

Sila Rob ng Austria at Rica (na Richard pala in her past life :p) ng Iloilo ay nagpapanggap na “sila”. Aba, dahil na rin siguro sa magandang planning ng dalawa at sa game at professional attitude ay unti-unti nang naniniwala ang ibang housemates na meron ngang namamagitan sa dalawa. Mahuli ba naman sila palaging tila sweet na nag-uusap (di nila alam na nagco-connive lang ang dalawa). May kiss at mga yakap pa. Hindi lang yan, naligo pa sila nang sabay! Safe na kaya sila hanggang sa dulo ng linggo? Kailangan pa ba nila dagdagan ang strategy nila?

Samantala, kamustahin naman natin ang “mag-asawang” si Patrick at Kath. Sige lang din sa acting, at hindi pa naman sila nabubuking. Kilig na kilig pa nga ang ibang girls sa “love story” nila kuno. Yun nga lang si Jimson (ang tunay na asawa ni Kath) mukhang lalong hindi mapakali at tumitindi pa ang pagseselos sa “pseudo-husband” ng kanyang misis. Naku, pati singsing nya ay ipinahiram na ni Big Brother kay Patrick para mas convincing.

Sa loob ng confession room ay napa-confess itong si Jimson na nagseselos sya. Naikwento nya rin ang minsang panloloko nya sa misis na si Kath na noon ay buntis sa kanilang anak sa Spain. Si Kath din ay nahihirapan din, pero pinipilit na kayanin ang task para sa lahat ng kasamang housemates. Naisip nya, siguro matuto na rin si Jimson sa experience na yun kung gaano kasakit ang maloko. Naka-relate naman si Patrick na minsan na rin palang nagtaksil sa asawa. Naku naman, bakit ganon? Wag ganon, masama yun guys. Well, sana nga ay may matutunan silang tatlo sa task na ito.

Shifting Schedule sa Bahay ni Kuya

Kanina ay in-announce ni Kuya ang shifting schedules sa PBB house. O diba parang call-center lang? Ginawa nya ito para isipin ng mga housemates na iyon ang kanilang weekly task. Walang malay ang ibang housemates na ang kanilang weekly budget ay nakasalalay sa performances ng kanilang mga kasamahang sila Rob at Rica, na nagpapanggap na magkasintahan sa House A; at sila Patrick at Kath na napapanggap na mag-asawa (plus si Jimson na nagtitiis sa selos) sa House B.

Ang mga housemates sa House A ay naka-day shift muna, habang ang mga housemates sa House B ay night-shift muna.