Ang Birthday Kiss ng Boy Astig na si Jason

Ang sarap naman talaga mag-birthday sa loob ng Pinoy Big Brother house. Bukang-bibig ni Jason mula pa nang magsimula ang PBB na crush na crush nya ang dalagang artista na si Maja Salvador. Kaya naman sa kanyang birthday, morning greeting pa lang ang inulan na siya ng paulit-ulit na boses ni Maja na bumabati sa kanyang kaarawan.

“hello Jason, happy happy birthday sa’yo”

Sa sobrang paulit-ulit ng morning greeting nila ay lalo pa tuloy itong pinaulit-ulit ni Kenkay Melay sa kanya. Kulit!

Nang ipatawag ni Kuya si Jason sa confession room, ay bumungad sa kanila ang standee ng ini-idolong aktress. Hindi nya alam na habang inilalabas nya ang loob nya kung gaano nya kagusto si Maja, ay nakikinig pala ang dalaga sa kabilang kwarto.

gustong-gusto kita, crush kita, lahat ng pelikula mo, commercial mo, sayaw mo. Paglabas ko ng bahay liligawan kita…”

Sabay kabig na joke lang daw.

Maya-maya pa ay pinapasok na ni Kuya si Maja sa confession room. Halatang nagulat si Jason pero kasual lang naman na inaya papasok si Maja at nakipagusap kahit na kitang-kita na nahihiyang kinikilig ang binata. Sabi pa nya kay Kuya ay kung pwedeng titigan na lang ang crush. πŸ™‚

Nakakatuwa nga panoorin si Jason e, kasi kilig na kilig sya. Nang tanungin ni Maja kung anong gusto nyang birthday gift, nanghingi ng kiss si Jason (sabay sabi sa sarili na “kapal ui”). Habang nakapikit ay binigyan sya ni Maja ng kiss sa lips…joke lang. :p Hindi labi kundi mga daliri ni Maja ang humalik sa labi ni Jason, bineso na lang sya kapalit ng kiss. Pero ok lang kasi pinayagan naman siya ni Maja na humalik sa cheeks. πŸ™‚

Maya-maya pa ay natapos na ang limang minuto na ibinigay ni Kuya para sa pagdalaw ni Maja. Habang nagpapaalam na sila sa isa’t-isa, ay nagbilin si Jason kay Maja na wag syang masyadong magpapahalik sa mga leading man nya.

Ayun, pagbalik ni Jason sa loob ng bahay ay masayang-masaya syang nagkwento sa mga kasama. Inamoy-amoy pa ang kamay nyang amoy pabango ni Maja. Inilusot pa nila sa plastic para daw wag maubos ang amoy.

At para lalo pang maalala ang crush, pinagsaluhan nila para sa kanyang birthday ang Maja Blanca na gawa ng kasamang housemates.

Happy Birthday Jason! You’re one lucky man! πŸ™‚

Mga Pasaway na Housemates, Naparusahan

Dahil na rin siguro sa naninibago pa sa loob ng bahay ni Kuya, sunod-sunod ang paglabag ng ilang mga housemates sa mga patakaran sa loob ng PBB house. Dahil dito ay naparusahan sila ni Kuya.

Ang mga housemates na nakakalimot na mag-on ng lapel mic ay pinagsuot ng headset. Ang mga housemates namang sila Princess, Delio, Tom at Jason ay pinagsuot ng boots sa kamay dahil sa kumuha sila ng bigas sa storage room nang hindi sinasabi ni Kuya. At si Delio naman, pinagsuot ng kwintas ng bayabas dahil sa naligo sya sa hindi takdang shower time. Napagsabihan din sina Tom at Princess na gumamit ng Tagalog o Ingles kapag nag-uusap. Bisaya kasi madalas mag-usap ang dalawa.

Mabilis naman na tinanggal ni Kuya ang mga parusa. Pero dapat mag-ingat ang housemates dahil may katumbas na parusa ang lahat ng paglabag sa batas ng Pinoy Big Brother house.

Ang Surprise ni Jason from Kuya

Uy ang astiging si Jason may surprise kay Kuya for his birthday. Teaser kanina sa PBB ang kanyang surprise visit mula sa crush na si Maja Salvador. Obvious na kinikilig at masayang-masaya itong si Jason pagkakita sa magandang dalagita na si Maja. At ang wish nya daw para sa birthday nya? Kiss mula sa dalaga. Abangan natin bukas kung natupad ang brthday wish nya na ito. πŸ™‚

Bagong Hamon ni Kuya, may Romatic Flavor

Sa pagpasok ng pangalawang grupo ng housemates ni Kuya ay binigyan nya ng hamon ang apat sa mga ito.

Sa isang bahay, ay magpapanggap na mag-kasintahan sina Rob (Ladies’ Man ng Austria) at Rica (Math Goddess ng Bacolod). Todo kung magplano ang dalawa, pati terms of endearment napag-usapan na. Kanina sa garden habang nag-uusap tungkol sa gamplan nila ay inamin ni Rica kay Rob na sya ay isang transexual. Game namang tinanggap ito ni Rob. So ano kaya naramdaman nya sa suggestion ni Rica na magsama sila sa loob ng shower (kahit na hindi sila sabay maliligo) para lang ma-convince ang housemates na silang-sila talaga? Pero mukhang safe pa sila ngayon dahil nakita sila ni Melay na magkayakap kay naman ay nag-conclude ang Inday Kenkay na baka may relasyon sila.

On the other hand, ang banker from Baguio na si Patrick at ang La Senora ng Spain na si Kath, ay kinakailangan namang magpanggap na mag-asawa. Ok lang sana kung game ka, kaya lang kasama nila sa bahay ang tunay na asawa ni Kath na si Jimson, na obvious namang hindi mapakali sa hamong ibinigay ni Kuya. Si Patrick naman ay may-asawa rin na naiwan sa labas ng bahay ni Kuya. Sana ay maintindihan nya na task lang ang ito.

Kanya-kanyang challenge ang mga housemates. Pero buti naman at hindi na forced eviction ang parusa. Kung may mabuking, walang budget ang bahay na kinabibilangan ng mga “fail” na housemates. Pero kung magtagumpay naman ay 100% na ibibigay ang allowance ng bahay ng successful housemates.

Pero teka-teka…ang mga girl housemates na unang nagbuking sa double-up housemates, nag-uusi na naman. Ayan na’t pinag-uusapan na nila na baka pakulo na naman lahat ni kuya ang pagiging mag-asawa nila Patrick at Kath. Sabay tawa pa sila na “mamaya tayo na naman ang dahilan kung bakit ma-force evict sila.” Well, abangan na lang natin kung paano papanalunin ng ating couple housemates ang kanilang tasks.

Mga Kambal Lumabas na sa Bahay ni Kuya

Isang linggo pa lang ang lumipas mula nang nagbukas muli ang Pinoy Big Brother house pero ang dami nang nangyari.

Ang double-up twins na sila Kenny at Toffi, at JM at JP ay lumabas na sa bahay. Naunang umalis si JP, nang mag-voluntary exit dahil sa kinakailangan bumalik sa trabaho. At ang mga natirang kambal sa loob, pagkatapos mahirapan sa task ni Kuya na magpalipat-lipat sa dalawang bahay, ay tuluyan na ring lumabas nung Biyernes nang tuluyan nang mabuking ng iba pa nilang mga kasamang housemates. Nakakalungkot man, ok na rin dahil for sure nag-enjoy din naman sila sa loob ng bahay no matter how short their stay was.

Pero si Carol, napaiyak sa paglabas ng mga kambal. E paano, nahuhulog na pala ang loob nya kay Kenny.
Ang bilis ma-develop ha? Iba talaga epekto ng bahay ni Kuya. E pano na si Melissa? Wala na syang ka-I love you, dahil wala na syang babe? hehe πŸ™‚

So goodbye double-up housemates, sana magkaroon kayo ulit ng pagkakataon na makabalik sa loob ng PBB house para mai-pagpatuloy ang naudlot nyong pagtira dito.

Ang Babae Nga Naman

The past two days ay nakita natin ang unang mga araw ng ating mga bagong housemates sa bahay ni Kuya.

Kung hindi nyo pa alam, nahahati sa dalawa ang bahay ni Kuya this season (sa ngayon dahil hindi natin alam kung anong binabalak ni Kuya in the coming weeks).

Sa isang bahay
Princess and the boys (Tom, Delio, Paul Jake andΒ  Jason)

Sa kabilang bahay
The girls! (Melissa, Yuri, Carol, Mariel and Yhel)

Mga NPAs (No Permanent Address..hehe)
Double-up housemates Toffi & Kenny at JM & JP
Nahati sa dalawang set ang kambal at nagpapalitan sa 2 bahay ni Kuya

Ang task ng double-up housemates ay magpalipat-lipat sa dalawang bahay sa hudyat ni Kuya. Dapat ay hindi mabuking ng ibang housemates na may palitang nagaganap, na may kakambal sila, at na dalawa ang bahay ni Kuya.

Kaya nga lang…

Kahapon ay unang inutos ni Big Brother na magpalit na sila Kenny at JP (na nasa bahay kasama ng boys), at sila Toffi at JM (kasama ng girls). Pagpasok na pagpasok pa lang nila Kenny at JP para magpanggap na sina Toffi at JM ay nakahalata na kaagad ang girls. Hindi pa man nakalipas ang ilang minuto ay naisa-isa na ng mga girls ang mga pagbabagong napansin nila sa mga bagong pasok. Si Melissa nga, ultimo laki ng pwet, kulay ng brief at pagsintas sa sapatos ay pinansin. Ang mga babae nga naman, super keen sa details, at napaghahalatang magaling mag-observe (especially sa boys). Tuloy-tuloy pa sila sa panghuhula hanggang kinabukasan. Nahulaan pa nga ni Carol na dalawa ang bahay ni Big Brother nang hindi nya nalalaman e.

Buti na lang at binigyan ni Big Brother ng isa pang pagkakataon ang mga kambal. Tuloy ang kanilang task pero hindi dapat sila mabuking ni Princess at ng mga boys sa kabilang bahay.

Pero ano ito, may malaking problema si JP! Hindi pala inaprubahan ang kanyang leave application at kinakailangang mamili kung mananatili sa loob ng bahay ni Kuya o mage-exit para magreport sa trabaho. Naiyak na nga sya dahil alam nya na mahalaga ang experience sa loob ng bahay ni Kuya para sa kanila ng kambal na si JM, pero kailangan nya ang kanyang trabaho upang itaguyod ang kanyang pamilya. Paano na kaya? Kapag lumabas sya ay madadamay ba ang kapatid na si JM at mapapa-alis din ng di oras sa Pinoy Big Brother house? Abangan natin mamaya.

Pinoy Big Brother Double Up

It’s been quite a while since I last wrote an entry. But hey, PBB’s back and I hope I’m back writing entries again for good.

So after watching one episode in Primetime, what do I think of Pinoy Big Brother Double Up?
Ok naman so far. I mean na-entertain naman ako kagabi with how the girl housemates were observant enough to notice na nagpalit yung twin housemates na kasama nila. I would like to think the housemates are diverse enough to make this season interesting. I think hindi naman masyado naging looks based ang basehan for the newest set of housemates to get in the PBB house.

I’m thinking that one reason they made two houses is for the two houses to compete against each other. It’s just a theory but I think they did it to somehow be like Survivor. Sa Survivor kasi, may two tribes. So dito sa PBB Double why not make two houses at paglabanin ang dalawa? I may be wrong. I guess, we’ll know this in time.

For the housemates, I don’t have a favorite yet. Haven’t seen much from them so I can’t really assess who I think has enough skills inside the house to make it through. I’m also thinking about how they divided the housemates. It seems that one that has mostly boys and one house has mostly girls. I have a feeling that the predominantly male house will have more interesting life. I somehow get the impression that the other house, the one with moslty girls, is the more serious house. That’s the vibe that I got when I watched last night. Pero yun nga, their house become more interesting when they somehow doubted the twins. Magiging interesting din siguro yung house nila pag dumating na ang time na mag-away away ang mga girls. Feeling ko kasi mas pwedeng mangyari yun kaysa magaway-away yung mga guys.

One last note, I think ka-boses ni Tom si Will Devaughn. Tama ba ang speeling ko? When Tom speaks, I am somehow reminded of Will. Ewan, maybe it’s just me.

Anyway it’s great to have the show back. Something to watch and look forward to everyday.

Some Info about the New PBB Double Up Housemates

Some trivia about our PBB Double Up housemates from the show earlier:

Princess, 22
Sexy Vamp ng Cebu
– Si Princess ay laking Lola dahil iniwan ng kanyang nanay nang sya’y bata pa.
– Her mom is in Japan, disappointed
nasaktan na sa pag-ibig
fukuoka japan

Tom, 22
Romantic Stud ng Samar
– Certified pasaway turned good boy
– “Hilaw na kano.” He auditioned or PBB in San Francisco
– He’s the 3rd of 6 children and migrated in the US when he was 12 years old
– His first love is drawing, but learned the guitar and composing songs

Delio, 26
Simpatikong Kusinero ng Batangas
– Batanguenong “Wizard sa kusina.” Cook sa isang resto.
– Mahirap ang buhay at Grade 6 lang ang tinapos.
– Nainlove at nang mabuntis ang nobya ay pinaglayo sila.
– Reunited with partner at 2 year old, english-speaking son.
– Pangarap nyang mapakasalan na ang nanay ng kanyang anak.

Paul Jake, 24
Negosyo Prince ng Cebu
– May pharmaceutical business ang family.
– loves adventure and cars.
– He started his own business at age 21.
– Magaling makisama, kahit sa kanilang mga workers.

Jason, 21
Boy Astig ng Mindoro
– Lola’s boy na minsan ay may topak. Di umaatras sa mga laban
– Bad boy at astigin. Mala- jackass ang mga trip
– Malayo sa tatay at ‘di close sa ina, pero mahal na mahal ang mga kapatid

Melissa,21
Inday Kenkay ng Gensan
– English teacher na kalog.
*Um, naglipat kami ng channel kaya ito lang ang naabutan ko. :p

Yuri, 25
Multilingual Hottie ng Japan
– knows 5 languages: Portuguese, Spanish, English, Filipino and Japanese
– Nag-asawa ng hapon ang nanay sa Osaka, at inampon ng stepdad na hapon.
– Nagkaroon ng karelasyong taga-Portugal na dumurog ng puso nya.

Carol, 22
Conservative Pharmacist ng Tondo
– Pharmacy graduate at professor ng Industrial Pharmacy sa UP Manila
– Nanggaling sa isang conservative Chinese family at NBSB.
– isang achiever at born again christian

Mariel, 21
Struggling Mom ng Davao
– Has a strict and unreasonable mom, kaya nagrebelde
– Gimikera at sosyalerang may angking tapang.
– Natigil mag-aral nang mabuntis.

Yhel, 26
Young Widow ng Pamapanga
– Maagang nabuntis at age 14. (Toni: real-life katorse!)
– Sa edad na 20 ay nabiyuda nang nasaksak ang asawa
– May 2 anak. Ang isa ay special child

Toffi, 19
Basketbolero ng Rizal
– Basketball player at college scholar
– pangarap maging professional basketball player
– certified chickboy (dati raw). May girlfriend na sya ngayon.
– mas matangkad sa kambal na si Kenny.

Kenny, 19
Joker Jock ng Rizal
– Identical twin ni Toffi.
– Varsity player din ng basketball. Magka-team sila ng kanyang kambal.
– Certified torpe, kabilagtaran ni Toffi.

JM, 29
Delightful Dad ng QC
– IT Practitioner
– Married with 1 kid
– May dimple, ang kambal na si JP wala

JP, 29
Jetsetter Dad ng QC
– Identical twin ni JM
– Flight attendant
– Married with 2 kids and one more on the way
– Sunday school teacher**

**dahil nakakaliko ang kambal, hindi ko sigurado kung si JM o JP ang nagtuturo ng Sunday school. Will verify kung kaya. πŸ™‚

Ejay Falcon wins PPB Teen Edition Plus!

Ejay Falcon

Yes, the young poor boy from Mindoro wins this season’s Pinoy Big brother Teen Edition!

Not surprising since he has been one of the top favorites since the season began. Robi gets second place followed by Nicole and Beauty rounds up the teen big four.

Mabuti naman at totoong pinoy yung nanalo and not one of the fil–ams who have been too common since the franchise began airing locally.

Teen Big Four: Robi, Beauty, Nikki, Ejay

Agree ba kayo sa composition ng Teen Big Four? Ako ok lang. I think ok naman yung apat. Pero siyempre nasasayangan din ako kay Valerie, Rona, at Alex. Konting araw na lang at magkakaroon na ulit ng bagong Teen Big Winner. I’m not so sure ung si Robi yung mananalo. Malakas siya e pero does he still have enough support to get him through this final hump? Ewan natin. Kung ako ang papipiliin, I think Robi and Beauty would be good Big Winners. Si Ejay ok lang din. Nakakatwa kasi ang pagkaprobinsyano niya e. Kahit wala sa itsura promding promdi. Si Nikki naman maswerte siya na she made it this far. I think nakatulong na umalis sa bahay si Josef. Kasi kung hindi puro Josef and Nikki stuff lang ang makikita natin mula kay Nikki. Go Beauty!. Ok fine kahit sino na lang. Kayo sino ang gusto niyong maging Big Winner?