Mga Pasaway na Housemates, Naparusahan

Dahil na rin siguro sa naninibago pa sa loob ng bahay ni Kuya, sunod-sunod ang paglabag ng ilang mga housemates sa mga patakaran sa loob ng PBB house. Dahil dito ay naparusahan sila ni Kuya.

Ang mga housemates na nakakalimot na mag-on ng lapel mic ay pinagsuot ng headset. Ang mga housemates namang sila Princess, Delio, Tom at Jason ay pinagsuot ng boots sa kamay dahil sa kumuha sila ng bigas sa storage room nang hindi sinasabi ni Kuya. At si Delio naman, pinagsuot ng kwintas ng bayabas dahil sa naligo sya sa hindi takdang shower time. Napagsabihan din sina Tom at Princess na gumamit ng Tagalog o Ingles kapag nag-uusap. Bisaya kasi madalas mag-usap ang dalawa.

Mabilis naman na tinanggal ni Kuya ang mga parusa. Pero dapat mag-ingat ang housemates dahil may katumbas na parusa ang lahat ng paglabag sa batas ng Pinoy Big Brother house.

2 thoughts on “Mga Pasaway na Housemates, Naparusahan”

  1. Pingback: High Class Escorts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *