Josef, muntik nang lumabas ng bahay dahil sa Tita
Pagkatapos magvoluntary exit ni Linda, muntik na ring lumabas ng PBB house si Josef Elizalde dahil sa kanyang Tita Anna na hindi na makayanan ang pamamalagi sa bahay ni Kuya.
Ayon sa Tita ni Josef nagkakaroon na raw sya ng health problems at nahihirapan na sya sa loob ng bahay. Ang catch, malinaw ang intindi nga mga inimbitahang guardians na ang kanilang pagpasok sa bahay ay may mga kaukulang responsibilidad na kasama. Tulad na lang sa mga kaso ng voluntary exits, and sinumang guardian ang gustong umalis ng bahay ay isasama sa paglabas ang kanyang binabantayang housemate.
Awang-awa naman ako kay Josef nang malaman nya na gusto nang lumabas ng kanyang tita at masasama sya sa paglabas kung sakali. Pero dahil wala rin syang choice, maririnig na lang kay Josef na wala na syang magagawa kung health ng tita nya ang paguusapan. Although, pinasuri naman na ni Kuya si Anna sa doctor, at UTI lang naman ang findings (at medyo kulang sa tulog), na kaya namang pagalingin sa loob ng bahay ni Kuya.
Sa totoo lang, medyo nakakainis ang tita ni Josef (medyo lang ba talaga???). She should have known better dahil bago pa lang pumasok sa bahay ni Kuya ay malinaw na ang rule na ito. To think na ang daming pinagdaanang hirap ni Josef sa auditions ng PBB Teen Edition Plus tapos mag-iinarte lang sya sa loob ng bahay. Oooops, pagpaumanhin po Tita Anna, medyo unfair kasi talaga sa pamangkin nyo kung lumabas sya dahil sa inyo. Umabot pa sa punto na nalungkot si Josef at na-compare kung paanong nagresign ang ama ni Jolas sa trabaho para pumasok at suportahan ang anak sa bahay, samantalang hindi naman nagawa ng parents ni Josef na gawin ang sakripisyong ito para sa kanya.
Ngunit, subalit, datapwat, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang akala mong ‘firm decision’ ng tita ni Josef na umalis ng bahay, ay bigla namang nagbago nang sabihin ni Kuya na pati ang final four guardians ay may prize money na makukuha sa show. Aba, napatigil si Tita Anna, bigla yatang nakalimutan ang mga health problems nya at sinabing, magi-stay sya para sa pamangkin. In fairness, inamin naman nya na iba na nga ang usapan dahil may pera nang involved. Hay, medyo nakakainis diba?
In the end, happy (na sana) ang lahat. Hindi na lalabas si Josef at ang kanyang Tita. Yung nga lang, nominated naman si Josef sa next eviction night. Hala! Sige, tignan na lang natin kung anong mangyayari.
Second week of nominations in the PBB house
After Jieriel Papa leaves, it’s now a toss between Linda Backlund and Kevin Garcia as the next evictees of the Pinoy Big Brother house.
It’s Linda’s second time to be nominated. She has a certain attitude that the housemate’s don’t like. Maybe part of the reason is her family that was broken when her father left for Norway because of misunderstandings with her mom. Will the viewers give her another chance to change and show her better side?
Kevin, the Spanish Stallion of Madrid, got the highest number of votes since PBB started in the Philippines. He seems masungit and unapproachable to some housemates. Maybe because his poor Tagalog prevents him from communicating as much as he wants with the others. Will he be the next evictee? Will the viewers save him because of his looks? Or because of his jolly dad, who’s enjoying his stay in the PBB house.
We’ll find out this weekend.
Jieriel and guardians out of the house
After a week of voting, it was teen housemate Jieriel who was the first to go from the PBB house.
Others included in the first batch of nominees were Linda, Josef, Priscilla and Valerie. In the end, the televiewers decided to evict Jieriel. Maybe most people weren’t too pleased with Jieriel’s frankness and being loud. Josef, on the other hand, got the highest number of votes.
Together with Jieriel, stepdad Gerry, had to leave the house as well. The rule is that when a housemate gets evicted, their guardians get evicted too.
Another one to leave the house is Robi’s dad, Doc Boy. Among the teen council, it was Robi who lead the housemates into voting his dad off the PBB house as he believes his dad would be able to help more people outside. Doc Boy is a laparoscopic surgeon, which is a highly skilled profession. It was sad, but it was a wise decision. After all, Doc Boy already enjoyed 2 weeks of vacation, performed the first circumcision inside the PBB house, and proved to his son Robi that family is still more important than work.
Who’s going next? See the next batch of nominees here.
Prisicilla pinayagang makita ang labi ni Kuya
Una ay mag-isa itong si Priscilla sa loob ng confession room. Dahil nahirapan itong kausapin itong si Big Brother dahil wala siyang marinig, pinapasok ni Big Brother itong si Beauty sa confession room. Doon ay sinabi ni Priscilla kay Beauty na sabihin sa kanya kung ano man ang sinasabi nitong si Big Brother. Ang point naman ng usapan nila ay para masabi ni Priscilla kung paano sila makakapag-usap ni Big Brother. Pagkatapos ng paguusap ay pinalabas na itong si Beauty. Nagkaroon naman ng magandang compromise. Pinayagan ni Kuya itong si Priscilla na makapag-usap sila through lip reading. Since Big Brother does not allow others to see any part of him, siyempre kailangan secret lang din ni Priscilla kung ano man ang makikita niya. She couldn’t say to the other housemates what Big Brother’s lips look like. At least nakapag-usap din sila finally.
Nakakabilib nga din itong si Priscilla, mahirap mga lip reading lalo na kung pa-iba iba ang language na gamit. English, Tagalog, Tag-lish, Bisaya at iba pa pero nagagawa naman niyang makipagcommunicate sa kanyang ibang mga housemates. Pero nakakatakot din pala yung lagay ni Priscilla in a way. Kagabi kasi pinakita na kinakausap siya pero since hindi niya marinig ang kausap hindi siya nakakapagrespond. Una ay nung pinapa-pasa sa kanya yung kanin sa kanya. To the rescue naman sa pagpasa ng kanin itong si Jieriel. Sana hindi naman nila naisip na suplada itong si Priscilla or anything. Another instance was when, Jolas was calling for Priscilla. Sabi nga ni Jolas na hindi siya pinansin. Buti na lang nung lumingon na itong si Priscilla, nakipag usap na siya kay Jolas.
I just hope she lasts long enough for us to see how she really is. I think ok naman siya. Sana hindi siya ma-misinterpret ng mga housemates. I hope they understand her and know kung paano ba maki-relate at makipag-usap sa kanya.
Ang unang gabi ng mga teen housemates
First episode kagabi ng PBB Teen Edition Plus. Siyempre bilang isang die hard PBB fan pinilit kong makauwi agad para mapanood ito. Buti na lang hindi traffic kagabi, siguro dahil tapos na rin ang pasukan sa karamihan ng mga estudyante. O baka maagang umuwi ang mga tao para mapanood ang PBB.
Pinakita kagabi ang isa isang pagpasok ng mga housemates sa loob ng bahay. Ang unang pumasok ay si Ejay. Sumunod sa kanya si Kevin. Nagpakilala si Kevin kay Ejay at tinanong ni Kevin where are you from? Nagtanong din si Ejay kay Kevin kung nakakaintindi ito ng Tagalog. Siguro dahil mas komportable itong makipag-usap sa Tagalog kaya niya ito na bring up. Tapos sinabi niya na rin na nakakaintindi siya ng English at tinapos ni Kevin yung sinasabi ni Ejay by saying na he can’t speak it. (Not exactly like that pero ganun.) At least hindi pretending itong si Ejay at hindi trying hard. Buti naman. Sumunod na pumasok si Nicole. Ma-English din itong si Nicole. Siguro kasi akala niya mga English speaking yung dalawang nauna sa kanya. Malakas din kasi maka-peke itong si Ejay, mukha kasing half something. Nung napansin ni Nicole na hindi masyadong nagsasalita itong si Ejay, nagsabi si Kevin na hindi comfortable si Ejay with English kaya ganun. Nakakatawa yung sagot ni Nicole dito na marunong siyang mag-Tagalog. Parang ang taray. Siguro ganun lang talaga siya.
Pumasok na rin yung ibang mga housemates isa isa. Isa sa mga natuwa ako sa pagpasok ay si Jieriel. Parang tuwang-tuwa kasi nung makita yung mga fellow housemates. Talon ng talon parang jumping beans. Kaya nga siguro Bubbly girl from Davao ang tawag sa kanya. Parang nagkaisa ang mga lalaking housemates nung pumasok naman si Valerie ang Dazzling Doll from Germany. From the reaction ng mga male teen housemates nung pagpasok ni Valerie, mukhang siya ang pinakamabenta sa mga girls. Para sa akin kapansin-pansin din naman itong si Linda, ang Bikini babe ng Iriga. Parang may kamukha kasi siyang artista or model. Hindi ko lang ma-pin point exactly kung sino. When I see her I’m reminded of Jocelyn Oxalde of the Kitty Girls. Parang ganun kasi yung dating niya. Agree ba kayo?
Ano pa ba ang pinakita kagabi? Ang kakulitan nitong si Kevin at Alex, ang compromise nitong si Big Brother kay Priscilla, at ang task nitong sina Robi at Josef. Sa ibang entry ko na lang i-eexplain ang mga ito.
Sa mga pinakita kagabi, may paborito na ba kayong housemate?
PBB Teen Edition Plus nagsimula na
Nagsimula na kagabi ang latest edition ng Pinoy Big Brother, ang Pinoy Big Brother Teen edition plus. Naging maganda naman ang opening number. Summer ang theme at parang may beach party sa harap ng Pinoy Big Brother House. Nakigulo sa opening number ang ex-teen housemates na sina Mikey, Gerald at Kim. Represented din ang Celebrity edition 2 dahil nagsayaw din sina Riza at Will. Kasama rin sa production number ang mga taga Pinoy Big Brother 2 na sina Gee-ann at Mickey. Mukhang malaki na naman ang budget na ginastos para sa event na ito with the costumes, set, dancers, and everything. May fireworks din pala pagkatapos ng production number. Simulang simula na talaga ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.
Alam na naman siguro nating lahat na apat na ang hosts ng Pinoy Big Brother ngayon. Nadagdag si Luis Manzano. Ok naman siyang host, funny at times at composed naman siya. Sinamahan niya ang mga dati ng hosts ng show na sila Toni, Mariel, at Bianca. Plus one new host. Isa ito sa mga dahilan daw kung bakit PBB Teen Edition Plus ang tawag. Kaya lang, I didn’t think they needed another new host. I mean ok na naman yung trio ng tatlong babaeng host. Why fix it when it ain’t broke? O well, tignan na lang natin kung ano ang maidadagdag ni Luis sa PBB.
Pumasok na rin kagabi isa-isa ang mga bagong teen housemates. Summer din ang theme ng kanilang pagpasok. Nakacostume pa nga ang mga bagong teen housemates na sinundo nila Bianca at Mariel na naki-costume din. Tiliin na naman ang mga tao sa paglabas ng mga bagong housemates. I guess, excited na rin silang makita ang mga bagong mukha at mga bagong buhay na kanilang papanoorin araw-araw.
Eto na pala ang listahan ng bagong teen housemtes:
Ejay “Ang Promdi Hottie ng Mindoro”
Kevin “Spanish Stallion ng Madrid”
Nicole “In Chic ng Cebu”
Linda “Bikini Babe ng Iriga”
Nan “Junior Kenkoy from Davao”
Alex “Italian Valentino ng Milan”
Rona “Prisoner’s Daughter from Dumaguete”
Jieriel “Bubbly girl from Davao”
Jolas “Gentle Giant from Bulacan”
Beauty “Rebellious Beauty of Dumaguete”
Valerie “Dazzling Doll of Germany”
Priscilla “Deaf Dreamer ng Davao”
Nang makumpleto na ang 12 new teen housemates, nag-aanounce si Big Brother ng kanyang welcome remarks para sa mga bagong housemates. Ang outline ng speech ni Big Bro any ang Four F’s - fun, friends, family, at find yourself.
Sa labas naman ng bahay ay nag-announce na rin ang mhag hosts kung bakit Teen edition Plus ang tawag. Plus two housemates kasi dahil magdadagdag sila ng isang Atenista at isang Lasalita. Ang dalawang hosuemates na ito ay sina Robi “True Blue Atenean ng QC” at Josef “Lethal Lasalite ng Mandaluyong.”
Fourteen new housemates. Hmm…. Sino kaya ang tatagal? Sino ang bagong panonoorin at sino ang bagong kaiinisan? Abangan na lang natin. Sa next post ko na lang yung comments ko per housemate. Dali! Dali! Comment na!
PBB Teen Edition 2! Malapit na….
Malapit na namang magsimula ang Pinoy Big Brother Teen Edition 2. By end of March, magbubukas muli ang bahay ni Kuya para sa mapipiling 12 teen housemates. Sana maging ok naman, yung celebrity edition 2 kasi feeling ko ok naman. Sana maging maganda naman para panoorin ko ito gabi gabi. Fan naman ako ng PBB pero hindi na kasing die hard di tulad nung una. Dati kasi halos araw araw nanonood ako or at least pag may na-miss akong episode alam ko pa rin yung mga nangyayari. Sana maging exciting naman yung Teen edition 2 para mapilitan akong manood.
May bago pala silang pakulo. Kapag napili kang housemate, kailangan mong gawing secret ito hanggang papasukin ka sa bahay ni Kuya. Mahirap pero puwede. I guess reaction nila ito sa nangyaring leak sa listahan ng housemates na papasok for PBB Celebrity Edition 2. Maitago kaya nila this time ang listahan ng housemates na ito? Abangan…
Baron, Riza, and Victor are nominated
So sino sa palagay ko ang lalabas this coming weekend? Hmmm…. Mahirap sabihin. Ang konti na lang kasi nila sa loob? Kung ako masusunod si Baron na lang. May hindi kasi ako makakalimutang ginawa/hindi ginawa ni Baron at one point. Naalala ko lang yung task na kailangan magbalance ng apat na male housemates. Yung dalawa nagbabalance habang nasa parang seesaw tapos yung dalawa naman magaayos ng baso sa ’seesaw’ habang may nakasuot ng salbabida. Sila Baron at Ruben yung nakasuot ng salbabida tapos sila Will at Donnie naman yung nagbabalance sa ’seesaw’. Okay mahirap nga yung task Baron pero naman kahit na nauubos yung oras, huwag ka maging pessimist at humiga. Nung time na pinanood ko yung episode na yun gusto kong batukan itong si Baron at sabihin ‘Ano ba? Nauubos na nga yung oras tapos hihiga ka lang diyan dahil matatalo na kayo? E, kung tinulungan mo kaya si Ruben?’ After nun, medyo convinced na ko na kung may mae-evict dapat si Baron yun.
Kaya lang sabi nga ng sister ko, baka mas makabuti na nandun si Baron sa loob. At bakit? Kung hindi si Baron ma-control ng kanyang pamilya, baka ma-control siya ni Big Brother. Sa otuside world, Baron can have all the alcohol and yosi he can take. Sa bahay ni Kuya wala siyang control over that. Kung sa paglabas ni Baron ay magbi-bisyo lang siya e di mas mabuti na nasa loob na lang siya. I get my sister’s point. Nag-iimporve na naman si Baron pero is it enough?
As for Riza and Victor, hmm… Just because of numbers I think hindi pwedeng maalis si Riza. Ang dami pang male housemates tapos kapag umalis si Riza, si Yayo na lang at si Mariel yung female housemates. Mariel is just a guest housemate. So si Yayo na lang talaga. Matagal-tagal pa yung season ng Big Borhter at si Yayo na lang ang only female housemate? Pwedeng mangyari pero parang hindi dapat. Mas maganda if Riza stays. At least the Will and Riza loveteam will still be there. Kay Victor naman, ewan ko lang. Kung hindi siya nakakatulong as other housemates see him, at least hindi din naman siya nakakabigat. Para sa kin Baron versus Victor ang labanan. Ako kahit sino sa kanila ang umalis ok lang, kasi feeling ko hindi naman sila aabot ng big four. Feeling ko lang naman yun. Any vilent reactions to that? Kayo sino ang gusto niyong maalis na?
Si Kuya, dependent nga ba kay Mariel?
Nakita natin nung nakaraang linggo na ‘napikon’ si Kuya. Kahit hindi pa sila tapos ni Macoy mag-usap. Pinalabas niya ito sa confession room. At siyempre nagalit na rin din itong si Macoy. Kaya ayun, sabay na sila ni Ethel na lumabas ng bahay. Sa lahat ng seasons ng PBB parang ngayon ko pa lang nakita o narinig na ganun si Big Brother. Na-’pikon’ si Kuya. Ganun din siguro yung pananaw ng karamihan ng viewers. So kagabi, Saturday, kung kailan dapat lalabas na si Mariel. Sinabi sa kanya ni Kuya na hindi muna. Bilang isa sa mga host ng PBB, siyempre may malaksakit itong si Mariel kay Kuya whoever Kuya is. So Mariel in her own little way did what she could to ’save’ the relationship of Kuya with the rest of the housemates. So it’s really good for Big Brother to have Mariel inside the house. Pero dun lang ba yun? I would like to think with Ethel out Mariel has her share of followers who watch PBB because of her. The ratings may suffer. And the house gets even more boring without her. So in many ways, dependent nga siguro itong si Kuya kay Mariel.
Bye Megan!
Pagkatapos mailigtas ng dalawang beses, lumabas na rin ng bahay si Megan Young noong Sabado mula sa bahay ni kuya.
Sa huling pagkakataon, nakasama ni Megan si Ethel at Ruben sa listahan ng mga nominado. Si Ruben ang nakakuha ng pinakamalaking porsyento ng mga boto, kasunod si Ethel, at ni Megan, na sya ngang na-evict.
Nagkaroon kasi ng “negative image” si Megan sa mga housemates dahil sa kanyang pagiging “maarte” at “iyakin” sa loob ng bahay ni Kuya. Ito ang naging rason kung bakit paulit-ulit syang binoto ng iba’t-ibang housemates na maalis sa loob ng bahay ni kuya.
Kung may mga kaartehan man sya, hindi naman siguro nya sinasadya. Iba lang talaga ang nakasanayan nyang buhay. It looked like she really tried naman e. Yung pagkain nya ng isaw, yung pagharap nya ng takot nya sa heights (na nauwi naman sa paghampas ng mukha nya sa giant bowling ball), yung pag-aaral ng mga gawaing bahay. Indeed, PBB was a great learning experience for her.
Kung iisipin, 17 years old lang si Megan. With each nomination na nalagpasan nya, makikita nyo yung growth, kahit paunti-unti. Tumatapang, lumalaban, parang batang na may gustong patunayan. (ui, rhyme yun! …parang si Baron?) Hindi man ako fan ni Megan (I know she has a lot of fans out there), I saw how beautiful she was especially when she faced the nominations.
Kung umiyak man si Megan sa paglabas nya, ok lang…sino bang hindi umiyak diba? =) Naisip ko lang, sana pala sa PBB Teen edition na lang sya isinali ni kuya. ![]()