PBB Double Up: The Magical Reveal

PBB na naman!!! Woohoo!

Magpupumilit na naman ako makauwi ng maaga sa bahay, para lang makapanood. Ewan ko ba, minsan nakaka-adik lang talaga manood. Siguro talagang sadyang may pagka-tsismoso o usisero ang mga Pinoy? O baka naman ang pagka-humaling sa mga ganitong klaseng programa ay nagpapakita lang ng genuine interest ng Pinoy sa iba’t-ibang mga tao, magaling tayo makisama e diba?

Sa ilang seasons na nakalipas ng Pinoy Big Brother, iba-ibang pakulo na ang ginawa ni Kuya at ng mga producers ng show para siguraduhin na laging may bagong kapananabikan. At sa season na ito doble doble ang bago, sa Pinoy Big Brother Double Up!

Bago natin malaman ang mga bagong hamon ni Kuya at kung anong doble, eto muna ang listahan ng mga bagong housemates na ating susubaybayan. 🙂

Princess, 22
Sexy Vamp ng Cebu

Tom, 22
Romantic Stud ng Samar

Delio, 26
Simpatikong Kusinero ng Batangas

Paul Jake, 24
Negosyo Prince ng Cebu

Jason, 21
Boy Astig ng Mindoro

Melissa,21
Inday Kenkay ng Gensan

Yuri, 25
Multilingual Hottie ng Japan

Carol, 22
Conservative Pharmacist ng Tondo

Mariel, 21
Struggling Mom ng Davao

Yhel, 26
Young Widow ng Pamapanga

Unang pasabog ng doble sa bahay: Double up housemates – TWINS!!! at hindi lang isa, dalawang pares ng kambal.

Toffi, 19
Basketbolero ng Rizal

Kenny, 19
Joker Jock ng Rizal

JM, 29
Delightful Dad ng QC

JP, 29
Jetsetter Dad ng QC

At doblehin pa natin ulit, dinalawa pa ni Kuya ang bahay nya! At ang ating mga kawawang kambal na sila Toff, Kenny, JM at JP ay may super challenging task na kaagad!

May dalawang grupo ng housemates na titira sa dalawang magkaibang bahay ni Kuya. Ang ating mga double up housemates ay maghihiwalay upang tumira sa magka-ibang bahay. At sa mga panahong itinakda ni Kuya ay kailangan nila magkipagpalit sa kanilang mga kanya-kanyang kakambal sa kabilang bahay. Sa pagpapalitan nila ay hindi pwedeng malaman ng housemates na may isa pang bahay si Kuya, at na sila’y may mga kakambal. Hala naman, ang hirap Kuya!

Kapag succesful ang mga double-up housemates sa kanilang ubod-ng-hirap na task kay Kuya, ay exempted sila sa unang round ng eliminations. Pero kapag fail, naku goodbye agad dahil forced eviction ang parusa ni Kuya (how harsh…hindi ba pwedeng automatic nomination na lang?) Hay, sige subabaybayan na lang natin kung paano ang diskarte ng mga kambal.

Unang pinapasok si JM sa “kaliwang bahay ni Kuya”, kung saan si Princess lang ang babaeng housemate. Samantalang si Toffi naman ang unang pumasok sa “kanang bahay ni Kuya” na kung saan sya lang ang lalaki. Nakakatuwa nga kasi hindi sya tumuloy pumasok sa kwarto dahil puro babae, hinahanap nya ang kanyang mga male housemates. Hehe. 🙂 Goodluck talaga sa kanila.

At mukhang may madadagdag pang housemates next week, as mainstay PBB hosts Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez and Bianca Gonzales said na may PBB Double Up: The Spooktacular Reveal next week.

Daming surprises ni Kuya. O ayan, kumakanta na ulit si Macoy ng Pinoy Ako, na-miss ko yan in fairness. 🙂

So see you guys sa next update. Sana makanood ako ng TV kahit busy. 🙂

15 thoughts on “PBB Double Up: The Magical Reveal”

  1. hello:) gabda talaga ng pbb!!! ask ko lang kung ano yung mga songs na nai-play habang pinapakilala isa-isa yung mga housemates nung magical reveal.. ang gaganda kasi..tingin ko mga bago ung mga songs 🙂 thanks!

  2. hello to all!!!hmmmp bakit ganon ang ugali ng hauz B or pangkat ni yorie at rob ang ssma ang ugali nila puro sila plastic at pala away gabi gabi kmi nanunuod ng pbb doble up d2 s kuwait pero lahat kami is naiinis s pangkat nina yorie at rob hnd sila 22ong tao kc mnga plastic sila at si patric lng ang 22o s pangkat nila lahat n nsa kanila eh.palaaway plastic at ipokrita silang lahat buti pa ang pangkat ni melay at jason kc 22o tlaga silang tao at 22o sila s mnga self nila hnd sila plastic

  3. hala!…….mas nicer ang house nila melissa and jason kakatuwa sila mawawala pagod ko sa katatawa…..keep it up…big bro wag mo silang pahiwalayin panget nang baby nila heheheh

  4. AAASAR TALAGA!!!! unti-unting ng lumalabas ang kasamaan ng housemate b especially yung mga lalaki ha…. d maganda yung attitude nila sa kagaya ni Rica….. I didnt expect na ganun ang ugali nila Rocky, Hermes and Patrick!!! Palibhasa may mga bad intension sila sa dating nilang kasama na girls kaya ganun nila i-compare yung nalipat sa kanila!

  5. sobrang kinikilig ako sa melason fan heheheh..sana limaki pah ang family nla..para masaya this christmas…

  6. ahmmmm,hi’s laht ng mga housemates, espiecally kna Jeson,Melai,Cathy,Jhoane,Pual Jake at Sam ang gaganda at gagwapo p nla……..
    “:ILOve it;”
    Hope n magwa n’yo yng mga task n big brother and Hope na hndi kyo mag-aaway jan mga house and smile alway’z<<>>
    <<<<<>>>>>>
    \\\Ingat’z guzzz///

  7. Pingback: website shares
  8. I see your site needs some unique & fresh content. Writing manually is time consuming, but there is solution for
    this. Just search for – Masquro’s strategies

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *