Home     Survivor Pilipinas     OPM Lyrics     rebelpixel.com
Survivor Philippines

Rocky is the new Wendy

November 30th, 2009 by mike | 3 Comments | Filed in Daily Update

I’ve been quite busy and I have written a Pinoy Big Brother Double Up blog entry for quite a while. However with the treatment that Rica gets from the guy housemates of House B, I have to write a new entry expressing how I am disappointed with the guys of House B. Rica doesn’t deserve that kind of treatment. What did she ever do to you? You don’t even know her. Shame on you guys of House B. I thought it was only the girls of House B who make House B very unlikable. It’s a given that Mariel and Yuri are the characters that people love to hate. Thanks to your treatment of Rica, you guys of House B will be getting the same hate of PBB fans. Patrick, I thought you were ok before but now I know better.

Whatever Rocky! You are the new Wendy. I don’t think I’m the only one who doesn’t like you. You were not even apologetic. You even have the nerve to say na nagpapakatotoo ka lang. Wendy Wendy ka nga!

I just hope people who don;t vote go out of their way to text and vote for you Rocky since this time people will vote for they want to be evicted.

See you at the outside world this Saturday Rocky!

Feeling na mga Boys ng House B

November 26th, 2009 by hana | 2 Comments | Filed in Opinion

Hay naku, kagabi pa ako di mapakali. Matagal-tagal na rin akong di nakapagsulat dito sa PBB Updates pero mula nang mapanood ko yung episode kagabi e alam kong dapat kong isulat ang opinyon ko, kung hindi…baka sumabog pa ako :p

Sa simula ng linggo ay pinadalhan ni Big Brother ng bagyo ang mga housemates, ang Bagyong Walay. Hango sa salitang “Hiwalay”, nawalay ang mga magkakalapit na housemates ng dalawang bahay nang pinagpalit ni Big Brother ang mga girl housemates sa magkabilang bahay. Dahil dito, sila Rica, Melay, Cathy at Carol ay lumipat sa House B, habang sina Mariel, Yuri, Kath at Sam naman sa House A.

Syempre nagulat ang lahat sa bagyong dumating. Unang pinarating ni Kuya ang balita sa boys ng House A. Kitang-kitang nabigla ang mga boys, lalong-lalo na si Jason na napatungo sa narinig (dahil siguro natakot syang mahiwalay kay Melay). Dahil dito ay gumawa ng paraan sina Tibo, Paul Jake, Johan at Jason upang mapasaya ang kanilang girl housemates sa mga huling sandali na sila’y magkakasama. Super sweet nga nakakatuwa. :)

Sa kabilang bahay naman ay unang pina-alam ni Kuya sa mga girls ang mangyayaring palitan. Hindi na rin ako nagulat sa medyo-OA na reaksyon ng mga girls. Eto pang si Yuri e may pasaring pa na kung may choice daw sya ay hindi naman sya aalis talaga (E girl, wala ka ngang choice, sorry). Mukhang kinakabahan dahil sabi nila ang boys sa House B ay  submissive sa kanila, so baka hindi sila maka-ubra sa kanilang pagiging bossing sa mga boys ng House A. At nangyari na nga ang palitan at nawindang ang mga housemates. Nandyan ang mga iyakan at pagka-miss sa mga nawalay na housemates, at ganon din ang ilangan at paninibago sa mga bagong pakikisamahan.

At ayun na nga, habang karamihan sa mga housemates ay nangungulila sa mga nakagisnang mga kasama, E etong mga boys ng House B na sina Patrick, Rob, Rocky, at Hermes ay pinili pang mag-self pity. Kesyo lugi sila dahil mas hot ang girls nila dati. Inis na inis nga ako kay Patrick dahil dati pa man ay nakikitaan ko na ito ng pagka-plastic. Kahit ako si Jimson ay magagalit din ako, dahil obviously may gusto sya kay Mommy Kath at lagi na lang nya gusto maka-score. Lalo pang lumabas ang mga tunay na kulay ng mga boys ng House B nang mag-prepare sila na gumamit ng jacuzzi with their new girl housemates. Akalain nyong i-judge pa si Rica dahil sa kanyang pagiging transgender. Foul talaga ang iba nilang comments. Sana lang ay ma-realize nila na more than physical looks, ang personality at attitude ay sobrang mahalaga. Sana matuto silang makibagay ng maayos, lalo na kapag nakilala pa nilang mabuti ang mga girl housemates ng House A. Ma-realize nila na sa lahat ng palitan, hindi sila ang tunay na lugi kung hindi ang girls talaga ng House A. Dahil ang mga boys ng House B ay losers in attitude.

Opinyon ko lang ha…kayo ba?

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Delio is becoming more difficult

November 5th, 2009 by mike | No Comments | Filed in Daily Update

I’m starting to think na si Delio na nga ang maalis sa eviction night. That is if hindi matuloy ang pag voluntary exit niya. Sa pakita kasi kagabi bago matapos ang PBB sa primetime, pinakita na nung nalasing si Delio na gusto na niyang lumabas. Ok lang naman kung lumabas na siya since medyo nagiging mahirap na siyang pakisamahan. He seems to take it against the others pag hindi siya ang nasusunod. Good luck na lang kay Delio. I hope he finds his peace.

Rob at Mariel nalasing

November 3rd, 2009 by mike | 3 Comments | Filed in Daily Update

Dahil nagkaroon ng isang welcome party sa pagpasok nitong Big Brother Swap housemate na si Kaitlin, maraming food and drinks ang mga housemates. At siyempre dahil sabik sa food and drinks ang mga housemates ng House B (House B pa rin ang tawag ko sa kanila kahit nasa House A na sila nakatira) medyo nasobrahan yata itong sina Mariel at Rob. Medyo grabe pala malasing itong si Rob. Parang hindi siya. I would like to think he is a gentle guy pero nung nalasing siya…. Hmmm…. Parang naging iba siya. Foul mouthed and something else. Nakakatawa nga na Hapon ang tawag niya kay Yuri e. Si Mariel naman ayun, hindi nakayanan at kailangan pang buhatin. Nagkatask pa tuloy itong si Hermes to look after her. At siyempre si Mariel nung binubuhat na siya ni Hermes said something like she ’s liking her situation. Hehe. I guess they had too much to drink. Buti na lang ok lang kay Kaitlin kahit nagkakaganun ang mga housemates niya.

Cathy enters Big Brother House in Finland

November 3rd, 2009 by mike | 4 Comments | Filed in Daily Update

Ang swerte naman nitong si Cathy. Nakarating na siya ng Europe salamat sa Big Brother Swap. At sityempre napapanood pa siya ng mga taga-Finland sa tv. I think ok lang naman na siya ang pinadala. Typical Filipina kasi ang beauty niya. Minalas lang pala siya ng konti dahil naiwan ang baggage niya sa Kuala Lumpur Airport. Mukhang ok naman ang pagtanggap sa kanya ng mga housemates sa Finland. Pero siyempre not as well as how the Pinoy housemates welcomed Katlin. Hopefully makatulog naman siya kahit na sa isang malaking kama lang silang lahat hihiga. Mukha ngang merong Finish housemate na may crush sa kanya. Tignan na lang natin kung ano mangyayari. I think ok naman so far ang pag-re-represent niya sa Philippines. Ako lang ba ito o feeling niyo din ba na para siyang beauty pageant contestant pag nagsasalita ng English?

Tags: , , ,

Housemates undergo mock interview

October 29th, 2009 by mike | 2 Comments | Filed in Daily Update

As part of the Big Swap, Big Brother told the housemates that they will undergo an interview to be conducted by Big Brother producers from the around the world. The housemates didn’t really know that the ones they were talking to were just hired by Big Brother and were not actual producers. This was a good exercise for the housemates and a good way for us viewers to see them in a different light.
Melay was at her usual funny self. Bentang-benta pa rin si Melay pero mukhang hindi natuwa ang interviewer. Pero I’m sure ang mga viewers natuwa. Ang kulit kasi ng mga sagot nitong si Melay.
Yung ibang housemates kinailanagn may kasama pang translator. Si Delio at Kath may translator. Medyo nagulat ako na nangailangan itong si Kath ng translator. Hindi masyadong pinakita yung interview kay Kath so hindi ko rin masabi. Si Delio naman nakakaintindi naman. At nakakasagot nga e.
Ang kulit rin pala nung nagyari dito kay Tibo. Tinatanong siya what his best physical asset was pero hindi siya makasagot ng matino. Palagi kasi ugali yung sagot niya. Siguro hindi niya masyado naintindihan yung question. Or baka nagpanic lang siya. Hndi lang siya siguro sanay ma-interview ng ganun. Medyo uminit na nga siguro yung ulo ng interviewer dahil ang daming beses na paulit-ulit niyang tinanong ang tanong na iyon upang makakuha lamang ng matinong sagot from Tibo.
Yung mga ibang housemates naman nagpakita ng kanilang talent. Si Cathy nagsayaw at yung iba naman kumanta. Sabihan kaya ni Big Brother na joke time lang yung interview. Sana ipapanood sa kanila yung mga interview para mapagtawanan nila ang isa’t-isa.

Tags: , , , , , , ,

Yhel to face forced eviction

October 29th, 2009 by mike | 2 Comments | Filed in Daily Update

Voting has officially closed for the second eviction night. The nominated housemates (except for Yhel) can now breathe since they will be staying longer inside the Pino Big Brother House. Thanks to Yhel’s violation she will be the next housemate to leave the PBB House.

Kasi naman, itong si Yhel nag-suggest ba naman na iboto nilang lahat itong si Hermes para magka-chance pa na magmeet ulit sila ni Carol. Si Carol kasi lumipat na sa kabilang house. So ayun, after a string of earlier viplations, Big Brother has had enough of Yhel. As a consequence of this last violation, she will face forced eviction. I think wala namang nagbago dahil sa kaganapang iyon. Feeling ko kasi, siya rin naman ang matatanggal if ever natuloy ang second eviction night.

I may not like Yhel but I wish her well and I wish her good luck in her life outside Pinoy Big Brother Double Up.

Tags: , , , , ,

Pictures of PBB Double Up’s Princess

October 28th, 2009 by mike | 14 Comments | Filed in Daily Update

I saw a link in PBB Double Up’s site in Multiply pointing to the Friendster pictures of Pinoy Big Brother Double Up’s Housemate named Princess.

If you haven’t seen it yet. Here are a few of the pics I saved from there.

Sayang talaga, mas gusto ko pa rin siya kaysa sa karamihan ng girl housemates ng House B. Please feel free to comment.

Tags: , , , ,

Mga housemates nagpalitan ng bahay

October 28th, 2009 by mike | 1 Comment | Filed in Daily Update

Kagabi sa Pinoy Big Brother Double Up…

Isa na namang twist ang ginawa ni Kuya. Pinagpalit ng bahay ang mga housemates. Ang mga housemates ng house A titira muna sa House B. At ang mga housemates naman ng house B titira sa House A. At para mas maging magulo ng kaunti, toiletries at underwear lang ang puwede dalin ng housemates sa kabilang bahay.

So ayun, the housemates will have to use other people’s clothes. Si Mariel nga ginamit ang damit ni Jason. Hindi tuloy siya masyado halata. Hehe. Kawawa naman itong si Melay pag nagkataon.

Si Carol naman ginamit ang damit ni Cathy. Inasar tuloy siya na she want to be Cathy para magustuhan din siya ni Hermes. Hehe.

Natawa pala ako sa reaction ng House B sa dumi ng bahay ng House A. Hehe. Sa bagay, mas marami kasing lalake sa house A. At mas maraming babae sa House B. So naturally, ganun naman talaga ang mangyayari. Yung mga girls nga ng house B pinuna rin na mgulo ang gamit ng mga boys ng House A e. Kitang kita naman ang difference sa reaction ng magkabilang bahay. Yung mga taga House A sinabi nila na malinis sa House B. Natuwa ang mga taga house A dahil mas cozy ang house B. Mas normal na bahay kasi ang ayos ng house B unlike sa House A na medyo modern at kakaiba.

Isa pa palang naganap kagabi ang pag-announce ni Kuya of the upcoming Big Brother Swap. At first nalito ang iba dahil hindi pa lahat ng detalye sinabi ni Kuya. Pero in the end nalinawan naman sila. Part nga ng weekly task nila yun e. I think they have to do a cross stitch piece. Tapos yung Big Brother from the other country ang pipili ng mas maganda. If yung piece nila ang mapili, they win the task at sa kanila din magmumula yung ipapadala para sa Big Brother Swap. I’m not really sure if tama yung intindi ko pero parang ganun. Feel free to correct me.

Tags: , , ,

Second set of nominees

October 26th, 2009 by mike | 2 Comments | Filed in Daily Update

After mapaalis itong si Jimson, sino naman kaya ang susunod? Naging malapit ang mga puntos ng magkabilang bahay sa naganap a Second nomination night. In the end, ang mga nominado ay sina Delio at Tibo ng House A. At sina Yel, Mariel, at Carol ng House B. Sino sa palagay ko ang susunod na maalis? Mahirap hulaan pero feeling ko it’s someone from House B ulit. Hehe. Mas gusto ng mga tao ang House A e. Sa mga nominees sa House B, feeling ko si Yel or Mariel ang maalis. They have something kasi na hindi likable sa kanila. I’m not really sure what it is pero ayun basta. Hehe. Kayo? Sino sa palagay niyo?

Tags: , , , , , , ,