Goodbye Baron o Goodbye Donnie?

Noong Linggo nang gabi ay natunghayan natin ang isang “mock nomination” kung saan sila Jon Avila, Riza Santos at ang 2-in-1 housemates na sina Baron at Donnie Geisler ang napili ni Big Brother bilang mga”mock nominees”. Ang mock nomination raw na ito ay susukat sa katatagan ng mga housemates.  At kagabi isang “mock eviction” naman ang naganap.

Akala ko noong una ay si Riza ang kunwaring papalabasin  sa bahay ni Kuya. Pero ang 2-in-1 housemates pala, ang magkapatid na Geisler ang pinalabas ng bahay ni Kuya. Sa kanilang kunwariang paglabas, tanging ang host ng PBB na si Toni lamang ang sumalubong sa magkapatid. Kinausap kaagad ni Big Brother ang magkapatid at sinabing mock eviction lamang ang naganap. Binalita rin ni Kuya na kanya nang inaalis ang pagiging 2-in-1 housemates nila Baron at Donnie at magiging hiwalay na housemates sila. Dahil doon, ibig sabihin na may pag-asa pa silang bumalik sa bahay ni Kuya pero dahil sa hindi na sila 2-in-1 housemates, sinabi ni Big Brother na isa lamang ang maaaring makabalik sa kanyang bahay. Binigyan niya ng 24 oras ang magkapatid upang magdesisyon kung sino ang tuluyang lalabas at mananatili sa loob ng bahay ni Kuya .

Ngayong gabi ay matutunghayan natin kung sino sa dalawa ang tuluyang magpapaalam sa mga housemates. Sa tingin ko, magpapaubaya si Donnie at si Baron ang babalik sa bahay ni Kuya. Isa siguro sa irarason ni Donnie ay marami pang kailangang matutunan si Baron at kailangan niya ring may mapatunayan. Pero kung si Baron nga ang babalik sa bahay ni Kuya, siguro ay sandali lang ang kanyang ilalagi dito. For sure, hindi siya makakasama sa Big Four.

Abangan ang desisyon ng magkapatid mamayang gabi.

Mariel’s Mysterious ‘Friend’ Visit

Dahil sa successful na task na ginawa ni Mariel sa pagtuto ng iba’t-ibang uri ng pag-ibig sa mga housemates, binigyan ni Kuya si Mariel ng isang reward. Nagkaroon si Mariel ng 100 seconds moment sa kanyang special someone aka her mysterious ‘friend’.

Parang batang tuwang-tuwa sa kanyang bagong laruan ang itsura ni Mariel nang masilayan ang kanyang ‘friend’. Ayaw pa ngang umalis ni Mariel nang sabihin ni Kuya na tapos na ang kanyang 100 seconds. Ayon sa aking research, pagkatapos ng ilang minuto pagkalabas ni Mariel sa confession room para sa kanyang 100 seconds ay pinatawag daw siya ulit ni Kuya. Pagkalabas niya daw sa confession room sa pangalawang pagkakataon ay tuwag-tuwa daw ang dalaga. Hindi kaya pinagbigyan ulit ni Kuya si Mariel na makapiling ang kanyang special ‘friend’? Hmmmm.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring misteryo ang ‘friend’ na ito ni Mariel. Katulad nga nang una kong sinabi, minsan nang nabanggit ni Mariel na ang ‘friend’ na ito ay si Zanjoe Marudo. Sa aking panoood kagabi, napansin kong matangkad ang mysterious ‘friend’ na ito ni Mariel. Di hamak naman na matangkad si Zanjoe hindi ba? 😛

Bye Megan!

Pagkatapos mailigtas ng dalawang beses, lumabas na rin ng bahay si Megan Young noong Sabado mula sa bahay ni kuya.

Sa huling pagkakataon, nakasama ni Megan si Ethel at Ruben sa listahan ng mga nominado. Si Ruben ang nakakuha ng pinakamalaking porsyento ng mga boto, kasunod si Ethel, at ni Megan, na sya ngang na-evict.

Nagkaroon kasi ng “negative image” si Megan sa mga housemates dahil sa kanyang pagiging “maarte” at “iyakin” sa loob ng bahay ni Kuya. Ito ang naging rason kung bakit paulit-ulit syang binoto ng iba’t-ibang housemates na maalis sa loob ng bahay ni kuya.

Kung may mga kaartehan man sya, hindi naman siguro nya sinasadya. Iba lang talaga ang nakasanayan nyang buhay. It looked like she really tried naman e. Yung pagkain nya ng isaw, yung pagharap nya ng takot nya sa heights (na nauwi naman sa paghampas ng mukha nya sa giant bowling ball), yung pag-aaral ng mga gawaing bahay. Indeed, PBB was a great learning experience for her.

Kung iisipin, 17 years old lang si Megan. With each nomination na nalagpasan nya, makikita nyo yung growth, kahit paunti-unti. Tumatapang, lumalaban, parang batang na may gustong patunayan. (ui, rhyme yun! …parang si Baron?) Hindi man ako fan ni Megan (I know she has a lot of fans out there), I saw how beautiful she was especially when she faced the nominations.

Kung umiyak man si Megan sa paglabas nya, ok lang…sino bang hindi umiyak diba? =) Naisip ko lang, sana pala sa PBB Teen edition na lang sya isinali ni kuya. 😉

The Ethel-Will-Riza Love Triangle

Lately ay nagiging visible ang Will-Riza loveteam. Sa lahat nga naman ng season ng Pinoy Big Brother ay hindi nawawalan ng loveteam at sa season na ito ay mukhang pine-pair-up talaga ng ABS-CBN sina Will at Riza. Ngunit, this time hindi lang simpleng loveteam ang nagaganap. Love triangle ito, with the help of Ethel Booba.

Nang makuha ni Will ang titulo bilang Head of Household ngayong linggo ay pinili niya si Riza para mai-share ang kanyang pribelehiyo bilang HOH. Naglabas ng sama ng loob si Ethel kay Kuya at sinabing na-disappoint siya dahil inakala niyang siya ang pipiliin ni Will dahil in-encourage niya ito sa kanilang HOH challenge. Nabanggit niya rin na gusto niya rin daw kasing magpa-foot-spa.

Lalong naging broken-hearted si Ethel nang makita niya sa storage room na nagdidinner si Will at Riza. Tila inasar siya ni Kuya dahil pinapunta siya doon para ibalik ang mga pinggan na kanilang pinagkainan. Na-shocked si Ethel at talagang hindi naman alam ang gagawin. Nakipaglaro pa ata si Kuya nang i-locked ni Kuya ang pinto ng storage room na nasa loob silang tatlo.

Hindi kaya nadedevelop talaga si Ethel kay Will? Hindi naman siguro dahil mahal na mahal ni Ethel ang kanyang baby Janvier.

Ipagpatuloy pa sana ni Ethel ang kanyang kakulitan kila Will at Riza. Nakakatuwang panoorin ang love triangle na ito ng PBB Celebrity Season 2.

Mariel, handa na nga bang lumabas sa bahay ni Kuya?

Nang pumasok si Mariel Rodriguez bilang unang special celebrity houseguest ay talaga namang hindi handa ang dalaga. Wala siyang kaide-idea na ikukulong na siya doon ni Kuya. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay. Nagulat at nasorpresa man ang TV host ay natuto ring siyang makisama sa iba pang mga housemates.

Sa kanyang pamamalagi sa loob ng buhay ni Kuya ay nakita ng buong sambayanang Pilipino kung sino talaga ang totoong Mariel Rodriguez – makulit, nakakatuwa ang personalidad, fashionista at masasabi na ring parang ordinaryong Pilipino rin na tulad natin. Maraming tao ang natuwa sa kanya kaya naman ay nakatulong ang dalaga sa pagtaas ng ratings ng naturang show. Ngunit, may mga tao rin namang naiinis sa nasabing special celebrity houseguest. Marami ang naiirita sa kaartehan, pagco-conio at pagkaiyakin ni Mariel. May mga nababasa ako na sinasabi nilang pag-arte lang ang pag-iyak ni Mariel sa iilang insidente sa loob ng bahay. Ang iba ay na-o-OA-an sa kanyang mga reaction. Pero ang pinakamatindi sa lahat ay ang pagsasabi ni Mariel ng ibang mga bagay-bagay na maaring makapagpakasakit sa ibang mga tao.

Sabi nga ng ilan, nauuna pang magsalita si Mariel bago mag-isip. Taklesa nga sabi ng iba. Andyan ang kanyang komento kay Bea Alonzo na sinabi niyang nagpa-lipo, na sinagot naman ng aktres ng “Talagang exercise and South Beach diet ang reason kung bakit ako pumayat. I don’t know where Mariel got the idea na nagpa-lipo ako.” Nariyan rin ang pagsabi ni Mariel na “kadiri ang showbiz” sa isang pag-uusap nila ni Jon Avila na ihiningi naman ng pagpapaumanhin ng kanyang manager na si Boy Abunda.

Naging mainit din si Mariel Rodriguez sa paningin ng mga tao ng kanyang laging nababanggit ang kanyang “friend” sa loob ng bahay ni Kuya. Ito pa ay lalong lumiyab ng tawagan ni Mariel ang kanyang naturang “friend” at humagulgol habang sila ay magkausap. Nang minsang iharap ni Ethel Booba ang tarpaulin na mayroong imahe ni Zanjoe Marudo kay Mariel ay sinabi ni Mariel sa ilang housemates na “meet my friend”. Si Zanjoe nga ba ang tinawagang “friend” ni Mariel? Na-interview si Zanjoe sa Entertainment Live noong nakaraang Sabado ngunit ang kanyang sagot lamang ay “hindi ko aamin at hindi ko idedeny. hayaan nating maging misteryo ang friend na un na ginawa ng show.”

Sa nalalapit na paglabas ni Mariel sa bahay ni Kuya, handa na nga ba talaga ang TV host/actress sa mga issue na sasalubong sa kanya? Aaminin kaya ng dalaga kung sino si “Friend”? Anong depensa ang gagawin nya sa nabitawan niyang “kadiri ang showbiz”? Anong damage control ang gagawin ni Boy Abunda para sa kanyang alaga?

Abangan.

Pictures of Celebrity Housemate Riza Santos

I asked a friend of mine to look for pictures of one of the more popular and hot Celebrity housemate, Riza Santos. Fortunately he was able to find some over the net. I hope you like them. I like Riza very much, I hope she stays for a long time inside the house. Thanks to the website http://regiefernando.com for these pictures. I hope you like the pics.

Picture 1 of PBB Celebrity Housemate Riza Santos

Picture 2 of Celebrity Housemate Riza

Picture 3 of Celebrity Housemate Riza

Ngayong Gabi sa PBB Celebrity Edition 2

Anu-ano nga ba ang nangyari ngayong gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2?
Marami…

  1. Naglaro ang mga housemates ng isang relay game sa pool. Boy versus Girls. Kailangang magcross dress ng mga housemates, lumoblob sa pool, tumawid, at bumalik sa pinaggalingan, at hubarin ang cross dress na damit at ibigay sa susunod na housemate. Ang unang team na matapos ay magkakamit ng isang Night Out. Nanalo ang mga babae. Siguro dahil gentleman lang talaga ang mga housemates.
  2. Bilang premyo, binigyan ni Kuya ng Girl’s Night Out ang mga babae. Pinagsilihan ng mga guy housemates ang mga girls sa pamamagitan ng isang presentation, at masahe. Tuwang-tuwa ang mga girl housemates sa presentation ng mga guy housemates na parang nag- the Full Monty sa kanilang ginawa. Hindi ko lang alam kung ano ang mas ikinatuwa ng mga girl housemates kung yung presentation ba o yung attire ng mga guy housemates na naka boxers lamang at nakatakip na tuwalya.
  3. Nagkaroon din ng audition para sa magiging newscaster ng Pinoy Big Brother Balita. Ang Pinoy Big Brother Balita ay ginawa upang mabigayan naman ng ideya ang mga housemates kung ano na ang nagyayari sa labas ng bahay. Pero siyempre since game pa rin ito, ang ilan sa mga balita ay kathang isip lamang. Nabahala ang mga housemates sa audition piece na ipinabasa sa kanila dahil tungkol ito sa pagsabog sa Glorietta. Sa audition naman ay nakakatawa talaga ang ilan sa mga housemates tulad nila Riza at lalo na si Will.
  4. Napili para magbalita sina Ethel at Ruben. Ang ilan sa mga binalita nila ay ang pagpasok umano ni Akon sa bahay ni Kuya, ang pag-extend daw ng Big Brother ng 2 linggo which means doon sila magpa-Pasko at Bagong taon sa bahay, ang pagsabi ng isang housemate na user daw ang isang guy housemate dahil lang gusto nitong makahanap ng loveteam, at ang pakikipag-date sa iba ng isang special friend ng isang celebrity housemate (imbento lamang ito pero mukhang super affected itong si Mariel, baka bukas makita natin kung affected nga ba itong si Mariel, Hmmm…. abangan!!! susunod!!!).Nakakatuwa sila Ethel at Ruben dahil meron din silang komentaryo at dialogue pagkatapos nilang basahin ang balita.

May nakalimutan pa ba ako? Comment lang kayo.

Ang nakaraan sa PBB Celebrity Edition 2

Kagabi ay pinalabas sa PBB Primetime ang pagpasok ni Kris Aquino sa Bahay ni Kuya. Pinagluto ni Kris ang mga housemates. Nagustuhan naman ng mga housemates ang hinanda ni Kris para sa kanila. Nakipagkuwentuhan si Kris sa mga housemates at siyempre Kris was at her usual self. Tinanong nga ni Kris kung ganun ba talaga palagi si Celebrity housemate/beauty queen Riza since napansin niya ang poise nito.

Ibinalita din ni Kris sa mga housemates na may mga regalong naghihintay sa mga celebrity housemates na kanila namang kinuha. Nakakuha naman halos lahat ng housemates ng mga regalo puwera lang si English outcast Jon Avila. Hindi rin naman pinakita lahat ng housemates habang binuksan nila isa-isa ang kanilang mga natanggap. Pili lamang ang pinakita kagabi malamang dahil sa time constraints. Ang mga naalala ko lang ay ang gift kay Yayo na face powder na galing sa kanyang derma, ang sulat para kay Ruben, isang sulat din para kay Ethel, at isang kopya ng magazine na cover ang ex-girlfriend ni Will Devaughn. Pagkatapos nito ay iniwan na ni Kris ang mga housemates upang pumunta sa confession room.

Pinakaba ni Kuya si Kris dahil na rin sa nakalagay na maleta sa loob ng confession room. Inaasar din kasi ng mga housemates si Kris na hindi na ito makakalabas. Tinanong si Kris kung Deal or No deal at ang sagot niya ay No deal. Buti na lang joke joke lang yun. Kasi malamang na magalit yun pag hindi na siya pinalabas sa bahay. Si Kris Aquino yata yun, she could easily pull a lot of strings or just by her sheer will lagot si Kuya pag nagalit si Kris.

Leaving Kuya’s house with a heavy heart

Gaby de la Merced (Photo courtesy of obphoto)
Photo courtesy of obphoto.us

I’m not quite sure if I would go to the Jedi position or the dark position regarding where this article would go. This is about a girl named Gaby de la Merced. We all know her from her driving stint, wow-ed us with her daring FHM issue, and woke us up from her opinionated tit-tats at Kuya’s house.

Her passion for the said racing game is quite amazing. She cried and talked about her racing stint. She told everyone that all her funds came from her own pocket. Up until now she might be looking for a very generous person that would help her achieve her goals.

But the stars weren’t there to help her with her destiny. It was a big slap when she found out that she’s being considered for a racing scholarship abroad. Twenty-four hours were given and finally she bowed out of the “reality” game.

Personally, she might not make the final four. Why? Simple. She won’t get the class C/class D crowd vote. Her crying over her passion would be “a babaw cry” for some. And her opinions could’ve made her “mayabang” for some.

I’m just playing the devil here. I, for one, like her in Kuya’s house. But would you really vote for her every time she gets nominated? I believe only the hungry-male crowd would do such things and they’d rather save Riza than her IMHO.

So, I guess Gaby made the right choice after all. Good luck with your endeavors.

Gaby de la Merced (Photo courtesy of fhm.com.ph)
Photo courtesy of fhm.com.ph

Sino yung Mariel’s friend? Zanjoe ikaw ba yun?

Kagabi ay pinakita ang special task ni Mariel na magpicture ng mga housemates sa kanilang pinaka hindi glamorosang look at ng housemate na may pinakamaduming paa. Ang mahirap lang sa task na ito ay secret ito at hindi dapat malaman ng mga housemates na kumukuha siya ng litrato. Naging matagumpay naman si Mariel kahit na nung una ay natakot siya na baka makita siya ni Megan. Buti na lang hindi.

At dahil successful siya sa kanyang task binigyan siya ng proze ni Kuya. Ano yung prize? Binigyan siya ng chance to call two people. Ang una niyang tinawagan ay ang kanyang lolo. Binati lang naman ito ni Mariel ng Happy Birthday dahil hindi niya ito nabati noon dahil nga nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.

Ang panagalawang tawag naman ay hindi ipinaalam kung sino. Nag-beep kasi nung binati ni Mariel yung kanyang friend. Parang “Hello, hi habang sinasabi ni Mariel ang panagalan ng kanyang kaibigan.” Ang nasabi lang naman ni Mariel ay namimiss na niya ang kanyang kaibigang ito at palagai niya itong naiisip. Dahil madumi ang aking isip, inisip ko agad na itong Mariel’s friend na ito ay si Zanjoe. Yup, nung isang time na inasar si Mariel ni Kuya bye playing a tape of Zanjoe’s voice saying: Hi, housemates, keep on shining!’ ang sinabi lang naman ni Mariel ay close sila ni Zanjoe at friends sila. So papasa naman si Zanjoe sa description na Mariel’s friend diba? Tapos after ng conversation ay siyempre naiyak at naluha itong si Mariel. It was something like she hasn’t talked to her significant other for quite sometime and tapos nakausap na niya ito ulit.

Siyempre natuwa si Mariel at parang nalungkot din since na-miss niya talaga yung ‘friend’ niyang ito. Kung friend lang ba ito? Bakit ganun ang naging reaction ni Mariel? Ok fine, maybe may super close friend lang si Mariel na ayaw ng publicity. Or maybe since ayaw pang umamin ng dalawa e hindi muna pinangungunahan ng PBB crew kung ano nga ang meron ang dalawa. Tama kaya ako? Sino sa palagay niyo yung tinawagan ni Mariel? Si Zanjoe nga ba ito?