The Ethel-Will-Riza Love Triangle

Lately ay nagiging visible ang Will-Riza loveteam. Sa lahat nga naman ng season ng Pinoy Big Brother ay hindi nawawalan ng loveteam at sa season na ito ay mukhang pine-pair-up talaga ng ABS-CBN sina Will at Riza. Ngunit, this time hindi lang simpleng loveteam ang nagaganap. Love triangle ito, with the help of Ethel Booba.

Nang makuha ni Will ang titulo bilang Head of Household ngayong linggo ay pinili niya si Riza para mai-share ang kanyang pribelehiyo bilang HOH. Naglabas ng sama ng loob si Ethel kay Kuya at sinabing na-disappoint siya dahil inakala niyang siya ang pipiliin ni Will dahil in-encourage niya ito sa kanilang HOH challenge. Nabanggit niya rin na gusto niya rin daw kasing magpa-foot-spa.

Lalong naging broken-hearted si Ethel nang makita niya sa storage room na nagdidinner si Will at Riza. Tila inasar siya ni Kuya dahil pinapunta siya doon para ibalik ang mga pinggan na kanilang pinagkainan. Na-shocked si Ethel at talagang hindi naman alam ang gagawin. Nakipaglaro pa ata si Kuya nang i-locked ni Kuya ang pinto ng storage room na nasa loob silang tatlo.

Hindi kaya nadedevelop talaga si Ethel kay Will? Hindi naman siguro dahil mahal na mahal ni Ethel ang kanyang baby Janvier.

Ipagpatuloy pa sana ni Ethel ang kanyang kakulitan kila Will at Riza. Nakakatuwang panoorin ang love triangle na ito ng PBB Celebrity Season 2.

4 thoughts on “The Ethel-Will-Riza Love Triangle”

  1. Pingback: Escort

Leave a Reply

Your email address will not be published.