Tin to Kigoy: “Di Naman Pala Sya Nakakatakot”

Sanay na tayo na madalas puro mestizo’t mestiza o ‘di kaya’y magaganda’t gwapo ang napapasok sa PBB house. Karamihan nga sa mga ex-housemates ng Pinoy Big Brother ay sumabak sa pag-aartista, tulad na lang nila Kim Chiu, Gerald Anderson at Sam Milby. Ang iba naman tulad ni Saicy Aguila at Gretchen Malalad ay naging professional dancer at reporter, respectively.

Pero may mga panahon din na personality at kwento sa labas ng bahay ang puhunan para mapiling housemate sa bahay ni Kuya. Kung may maibabahagi kang importante sa mga manonood sa pamamagitan ng buhay mo. Sa tingin ko isa na nga rito si Kigoy Abarico, ang Bay Diskarte ng Ormoc.

Ano ba kamong diskarte? Inamin ni Kigoy kay Kuya at sa ibang housemates na minsan na syang nagsisisid ng piso sa dagat, nag-takatak boy at naging snatcher pa. Sa galing nyang dumiskarte, hindi pa sya nakulong kahit minsan. Dala na rin siguro ng hirap at pangangailangan kaya naligaw ng landas si Kigoy. Inamin nya rin sa kasamang si Biggel, na minsan ginagawa nya ang mga ito para magka-pera at nang mapunan ang mga pagkukulang ng kanyang mga magulang. Pero ilang beses nya ring sinusubukan na magbagong buhay at ngayon nga’y nasa loob ng bahay dahil naghahangad syang magbago at makita ang ibang mga kapatid sa ina na nawalay sa kanya.

Nasabi nga ni housemate Tin Patrimonio, nang tanungin sya ni Kuya sa kanyang opinyon kay Kigoy, “‘di naman pala sya nakakatakot”.

Marahil marami din tayong mga kababayan na kapos sa buhay na madalas nating i-judge sa kung ano ang itsura nila or kung saan sila nakatira. Pero kung mabibigyan lang siguro lahat ng pagkakataon magbago at ipakita ang tunay nilang mga sarili, ay malamang masasabi rin natin, “‘di naman pala sila nakakatakot”


Ano pa ba ang ibang lessons at realizations na nakukuha nyo from watching Pinoy Big Brother Unlimited?

Housemate Paco Interesado kay Divine?

Kagabi may clip na pinalabas sa Big Brother kung saan kinakausap ni Paco Evangelista (Ang Hopeless Romantic ng Gensan) si Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland-Smith.

Alam naman nating lahat na tibo si Divine. Pero in fairness, malakas ang dating ng half-British lesbian. Tinanong  ni Paco kagabi si Divine kung anong klaseng lesbian sya. (May iba-ibang klase ba?) Natanong din ni Paco kung may chance ba ever si Divine na maging “girl” ulit in the future. Sa confession room, nagsabi si Paco kay Big Brother na “interesting” si Divine. Ehem, ehem, ehem, ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Paco? Hindi ba nya alam na medyo near “hopeless” ang pagporma kay Divine? Si Divine na rin kasi ang nagsabi kay Kuya na mga 7 years old pa lang sya nang maramdaman nyang she’s “different”. Isa pa, nagkarelasyon na sya dati sa isang lalaki that lasted 8 months. Ito ang nagbigay ng affirmation sa kanya na hindi boys ang gusto nya. :p May girlfriend din ang tattoo artist na si Divine sa labas ng bahay.


Let’s see if Paco will continue to show interest in Divine. Or baka curious lang talaga sya diba? Ganyan naman talaga pag nagsisimula ang Big Brother. Nakikiramdam pa ang mga housemates, at hindi naiiwasan na maging interested sa isa’t-isa lalo’t nagkakakilanlan pa lang sila. 🙂

PBB Unlimited Housemate: Kim de Guzman

Noong Pinoy Big Brother Big Fiesta, ipinakilala ang mga bagong housemates ng PBB House. Isa sa mga nag-standout sa ganda ay ang Stunning Sweetheart ng Olongapo na si Kim de Guzman.

True to her description, stunning talaga si Kim, na katulad ng katokayong PBB alumna na si Kim Chiu ay may cute dimples. Mukha rin talagang sweet at girl-next-door type ang housemate from Olongapo. I’m sure maraming susubaybay sa PBB Unlimited to watch Kim. Pero watch out lang ang male housemates dahil may boyfriend na ang 19 year old stunner sa labas ng bahay. Kasama nya ang boyfriend na si Mark Luz na sumali sa Mossimo Bikini Summit 2011.

Good luck Kim! 🙂

Language Barriers sa Loob ng PBB House

Sanay na tayo sa mga PBB housemates na may foreign blood, sa katunayan, ang isa sa mga sikat na PBB alumnus ngayon na si Ryan Bang, ay purong Koryano at walang halong Pinoy blood. Sabagay, sanay naman tayong mga Pinoy sa mga foreigners at sa mga kababayang may foreigner na magulang.

Ang Pinoy Anime ng Japan na si Seichang Ushimi, ay housemate na tubong Japan. Bagamat ilang beses na siyang nagbakasyon dito sa Pilipinas dahil sa inang taga-Davao, hindi pa rin bihasa si Seichang sa Tagalog at ganon din sa Ingles. Sa iilang araw pa lang na itinatakbo ng Pinoy Big Brother Unlimited, makikita nating minsang tahimik si Seichang. Marahil na nga ay dahil sa hirap itong umintindi at hirap din na magsimula ng conversation sa ibang housemates, lalo sa ilang hindi rin marunong mag-ingles. Isa pang housemate, Ang Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland, ay hindi rin magaling mag-Tagalog. Pero dahil magaling naman sya mag-ingles at may mga iba pang Bisaya na kasama sa bahay, ay mas madadalian syang mag-adjust kaysa kay Seichang.

Hindi naman ito bago. Katunayan, isa ring half-pinoy, half-japanese ang minsan nang pumasok sa parehong bahay. Si Jun Hirano ay naging contestant sa Pinoy Dream Academy Season 1. Napilitan mag-drop out si Jun sa PDA dahil sa nahirapan itong mag-adjust dahil sa language barrier, na naging dahilan ng kanyang pagiging homesick at malungkot sa loob ng Academy.

Sabagay, kahit naman limitasyon ang language barriers na ito, maparaan naman ang tao. I’m sure kahit papaano ay makakahanap sila ng paraan para makapag-usap usap gamit ang ibang paraan tulad ng sign language. Or anong malay natin, magbigay ulit si Big Brother ng task para turuan kahit kaunti si Seichang ng Tagalog. Kaya abangan na lang natin ang updates kay Seichang, na kitang-kita sa isang video na excited at masayang-masaya nang malamang isa sya sa official housemates ng Pinoy Big Brother Unlimited. Sabagay, mukha naman syang masayahin at game na game. Ang strategy nya? Just smile and make chika chika! 🙂

Good luck Seichang, sana hindi ka naman ma-lost in translation at magtagal sa bahay ni Kuya. Banzai! 🙂

PBB Unlimited: Ang Bagong Bahay

Kasisimula lang ng Season 4 ng Pinoy Big Brother noong Sabado, per tuloy-tuloy ang unlimited na pakulo ni Kuya. Isa sa kitang-kitang pagbabago ay ang kakaibang anyo ng Pinoy Big Brother house. Mala-squatter o slums ang itsura ng bagong bahay na talaga namang nag-transform at ibang-iba sa mga naunang ayos ng Big Brother House.

Ang galing ng pagkakagawa ng bahay this season. Sobrang realistic ang ayos, malayong-malayo sa usual Big Brother House na ating kinagisnan. Ang natatanging pareho ay ang mga one way mirrors kung saan nakatago ang mga camerang nagbabantay 24/7 sa ating mga housemates. Wala rin ang pool, bagkus ay may canal na pinagawa para maging mas makatotohanan ang mala-“squatters” na house theme.

Pero hindi biru-biro ang concept ngayong taon. Sa likod ng kakaibang itsura ng bahay ay ang mas malalim na rason ni Kuya. Nais ni Big Brother na maranasan ng mga housemates ang nararanasan ng halos 15 milyong Pinoy na salat sa buhay. Kung iisipin, kahit na hindi totoong realidad ang pagdaraanan ng mga housemates sa loob ng bahay, ay mararamdaman pa rin nila kahit papano ang hirap ng ating ibang kababayan. Lalo pa sa bago at kakaibang twist na kasunod na isinambulat ni Big Brother.

Binigyan ang housemates ng desisyon na mamili sa tatlong UNLI: Tubig, Damit at Pagkain, tatlo sa mga basic needs ng mga tao sa pangaraw-araw na pamumuhay.

Unlimited Water
Unlimited ang supply ng tubig ng mga housemates sa buong araw. Ngunit magiging limitado ang pagkain at pananamit nila. Ang limitadong pagkain na kailangan pagkasyahin sa loob ng isang araw ay 9 lata ng sardinas, 2 kilong bigas, 6 na instant noodles, at 7 itlog. Bibigyan din sila ng isa lamang na damit na kapalitan ng damit sa suot nila noong Big Night.

Unlimited Clothes
Makukuha nila at maaaring gamitin ang lahat ng damit na inimpake, kapalit ng limitadong pagkain at tubig. Siyam na balde lamang ng tubig ang maaari nilang gamitin (liban dito ang tubig pang-inom) kung ito ang piliin nila.

Unlimited Food
Walang magiging problema ang housemates sa pagkain, ngunit kailangan nila tipirin ang kanilang tubig, at hindi rin sila makakapagpalit basta-basta ng damit.

Kakapasok pa lang ng mga housemates ay bumulaga na sa kanila ang mahirap na desisyon sa pagpili ng kanilang UNLI supply. Parang pagpili lang ng kung anong cell network ang magbibigay ng mas magandang unlimited deal. 🙂 Sa huli pinili ng mga housemates ang unlimited na pagkain.

Sa tingin nyo ba tama ang desisyon nila? Kung ako kasi yun, pipiliin ko siguro ang unlimited na tubig, mainly for hygienic purposes. Diba, kung hindi man makakapagpalit ng damit, at least makakapag-laba sila.Tsaka may pagkain naman sila, kaunti nga lang. Sa tingin ko naman kasi hindi rin naman pababayaan ng PBB management na magutom ang mga housemates  up to the point na delikado na. Pero mahirap din magutom, kaya naiintindihan ko rin ang desisyon ng mga housemates.

Nakakatuwa lang na sa simpleng task ng pagpili ay instant karamay agad ang mga housemates ng maraming mahirap nating kababayan. Buti nga sa loob ng bahay ni Kuya, may unlimited supply ng isang basic need, samantalang para sa karamihan, wala lahat, pati bahay na titirhan.

Let’s see kung tama ang desisyon nila, or kung paano paninindigan ng ating bagong housemates ang pinili nilang unlimited need supply.

 

 

 

Feeling na mga Boys ng House B

Hay naku, kagabi pa ako di mapakali. Matagal-tagal na rin akong di nakapagsulat dito sa PBB Updates pero mula nang mapanood ko yung episode kagabi e alam kong dapat kong isulat ang opinyon ko, kung hindi…baka sumabog pa ako :p

Sa simula ng linggo ay pinadalhan ni Big Brother ng bagyo ang mga housemates, ang Bagyong Walay. Hango sa salitang “Hiwalay”, nawalay ang mga magkakalapit na housemates ng dalawang bahay nang pinagpalit ni Big Brother ang mga girl housemates sa magkabilang bahay. Dahil dito, sila Rica, Melay, Cathy at Carol ay lumipat sa House B, habang sina Mariel, Yuri, Kath at Sam naman sa House A.

Syempre nagulat ang lahat sa bagyong dumating. Unang pinarating ni Kuya ang balita sa boys ng House A. Kitang-kitang nabigla ang mga boys, lalong-lalo na si Jason na napatungo sa narinig (dahil siguro natakot syang mahiwalay kay Melay). Dahil dito ay gumawa ng paraan sina Tibo, Paul Jake, Johan at Jason upang mapasaya ang kanilang girl housemates sa mga huling sandali na sila’y magkakasama. Super sweet nga nakakatuwa. 🙂

Sa kabilang bahay naman ay unang pina-alam ni Kuya sa mga girls ang mangyayaring palitan. Hindi na rin ako nagulat sa medyo-OA na reaksyon ng mga girls. Eto pang si Yuri e may pasaring pa na kung may choice daw sya ay hindi naman sya aalis talaga (E girl, wala ka ngang choice, sorry). Mukhang kinakabahan dahil sabi nila ang boys sa House B ay  submissive sa kanila, so baka hindi sila maka-ubra sa kanilang pagiging bossing sa mga boys ng House A. At nangyari na nga ang palitan at nawindang ang mga housemates. Nandyan ang mga iyakan at pagka-miss sa mga nawalay na housemates, at ganon din ang ilangan at paninibago sa mga bagong pakikisamahan.

At ayun na nga, habang karamihan sa mga housemates ay nangungulila sa mga nakagisnang mga kasama, E etong mga boys ng House B na sina Patrick, Rob, Rocky, at Hermes ay pinili pang mag-self pity. Kesyo lugi sila dahil mas hot ang girls nila dati. Inis na inis nga ako kay Patrick dahil dati pa man ay nakikitaan ko na ito ng pagka-plastic. Kahit ako si Jimson ay magagalit din ako, dahil obviously may gusto sya kay Mommy Kath at lagi na lang nya gusto maka-score. Lalo pang lumabas ang mga tunay na kulay ng mga boys ng House B nang mag-prepare sila na gumamit ng jacuzzi with their new girl housemates. Akalain nyong i-judge pa si Rica dahil sa kanyang pagiging transgender. Foul talaga ang iba nilang comments. Sana lang ay ma-realize nila na more than physical looks, ang personality at attitude ay sobrang mahalaga. Sana matuto silang makibagay ng maayos, lalo na kapag nakilala pa nilang mabuti ang mga girl housemates ng House A. Ma-realize nila na sa lahat ng palitan, hindi sila ang tunay na lugi kung hindi ang girls talaga ng House A. Dahil ang mga boys ng House B ay losers in attitude.

Opinyon ko lang ha…kayo ba?

Josef, muntik nang lumabas ng bahay dahil sa Tita

Pagkatapos magvoluntary exit ni Linda, muntik na ring lumabas ng PBB house si Josef Elizalde dahil sa kanyang Tita Anna na hindi na makayanan ang pamamalagi sa bahay ni Kuya.

Ayon sa Tita ni Josef nagkakaroon na raw sya ng health problems at nahihirapan na sya sa loob ng bahay. Ang catch, malinaw ang intindi nga mga inimbitahang guardians na ang kanilang pagpasok sa bahay ay may mga kaukulang responsibilidad na kasama. Tulad na lang sa mga kaso ng voluntary exits, and sinumang guardian ang gustong umalis ng bahay ay isasama sa paglabas ang kanyang binabantayang housemate.

Awang-awa naman ako kay Josef nang malaman nya na gusto nang lumabas ng kanyang tita at masasama sya sa paglabas kung sakali. Pero dahil wala rin syang choice, maririnig na lang kay Josef na wala na syang magagawa kung health ng tita nya ang paguusapan. Although, pinasuri naman na ni Kuya si Anna sa doctor, at UTI lang naman ang findings (at medyo kulang sa tulog), na kaya namang pagalingin sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa totoo lang, medyo nakakainis ang tita ni Josef (medyo lang ba talaga???). She should have known better dahil bago pa lang pumasok sa bahay ni Kuya ay malinaw na ang rule na ito. To think na ang daming pinagdaanang hirap ni Josef sa auditions ng PBB Teen Edition Plus tapos mag-iinarte lang sya sa loob ng bahay. Oooops, pagpaumanhin po Tita Anna, medyo unfair kasi talaga sa pamangkin nyo kung lumabas sya dahil sa inyo. Umabot pa sa punto na nalungkot si Josef at na-compare kung paanong nagresign ang ama ni Jolas sa trabaho para pumasok at suportahan ang anak sa bahay, samantalang hindi naman nagawa ng parents ni Josef na gawin ang sakripisyong ito para sa kanya.

Ngunit, subalit, datapwat, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang akala mong ‘firm decision’ ng tita ni Josef na umalis ng bahay, ay bigla namang nagbago nang sabihin ni Kuya na pati ang final four guardians ay may prize money na makukuha sa show. Aba, napatigil si Tita Anna, bigla yatang nakalimutan ang mga health problems nya at sinabing, magi-stay sya para sa pamangkin. In fairness, inamin naman nya na iba na nga ang usapan dahil may pera nang involved. Hay, medyo nakakainis diba?

In the end, happy (na sana) ang lahat. Hindi na lalabas si Josef at ang kanyang Tita. Yung nga lang, nominated naman si Josef sa next eviction night. Hala! Sige, tignan na lang natin kung anong mangyayari.

Pong Pong Galapong Alex

I like Alex!

Even if he is part-Italian who was raised in Italy, it is evident that Alex Anselmuccio is proud of his Filipino roots. I’m not just talking about him being circumsized while inside the PBB house just to feel that he is a “Filipino binata”, but the way he embraces his identity and certain cultures that come with being Filipino is truly remarkable.

Kudos to his parents who made him value his identity. It was so heartwarming to see him so ecstatic when his mom, Minda, went to their room the other day to give him a “pong pong galapong”. Apparently, his mom does this with him every night before he goes to sleep in Italy. And until now, he misses and enjoys it like a little boy would. And, not to mention, all the other housemates enjoyed it too!

He was certainly raised well. I hope he stays long in the house to show people more of what he really is.

Baron, Riza, and Victor are nominated

So sino sa palagay ko ang lalabas this coming weekend? Hmmm…. Mahirap sabihin. Ang konti na lang kasi nila sa loob? Kung ako masusunod si Baron na lang. May hindi kasi ako makakalimutang ginawa/hindi ginawa ni Baron at one point. Naalala ko lang yung task na kailangan magbalance ng apat na male housemates. Yung dalawa nagbabalance habang nasa parang seesaw tapos yung dalawa naman magaayos ng baso sa ‘seesaw’ habang may nakasuot ng salbabida. Sila Baron at Ruben yung nakasuot ng salbabida tapos sila Will at Donnie naman yung nagbabalance sa ‘seesaw’. Okay mahirap nga yung task Baron pero naman kahit na nauubos yung oras, huwag ka maging pessimist at humiga. Nung time na pinanood ko yung episode na yun gusto kong batukan itong si Baron at sabihin ‘Ano ba? Nauubos na nga yung oras tapos hihiga ka lang diyan dahil matatalo na kayo? E, kung tinulungan mo kaya si Ruben?’ After nun, medyo convinced na ko na kung may mae-evict dapat si Baron yun.

Kaya lang sabi nga ng sister ko, baka mas makabuti na nandun si Baron sa loob. At bakit? Kung hindi si Baron ma-control ng kanyang pamilya, baka ma-control siya ni Big Brother. Sa otuside world, Baron can have all the alcohol and yosi he can take. Sa bahay ni Kuya wala siyang control over that. Kung sa paglabas ni Baron ay magbi-bisyo lang siya e di mas mabuti na nasa loob na lang siya. I get my sister’s point. Nag-iimporve na naman si Baron pero is it enough?

As for Riza and Victor, hmm… Just because of numbers I think hindi pwedeng maalis si Riza. Ang dami pang male housemates tapos kapag umalis si Riza, si Yayo na lang at si Mariel yung female housemates. Mariel is just a guest housemate. So si Yayo na lang talaga. Matagal-tagal pa yung season ng Big Borhter at si Yayo na lang ang only female housemate? Pwedeng mangyari pero parang hindi dapat. Mas maganda if Riza stays. At least the Will and Riza loveteam will still be there. Kay Victor naman, ewan ko lang. Kung hindi siya nakakatulong as other housemates see him, at least hindi din naman siya nakakabigat. Para sa kin Baron versus Victor ang labanan. Ako kahit sino sa kanila ang umalis ok lang, kasi feeling ko hindi naman sila aabot ng big four. Feeling ko lang naman yun. Any vilent reactions to that? Kayo sino ang gusto niyong maalis na?

Si Kuya, dependent nga ba kay Mariel?

Nakita natin nung nakaraang linggo na ‘napikon’ si Kuya. Kahit hindi pa sila tapos ni Macoy mag-usap. Pinalabas niya ito sa confession room. At siyempre nagalit na rin din itong si Macoy. Kaya ayun, sabay na sila ni Ethel na lumabas ng bahay. Sa lahat ng seasons ng PBB parang ngayon ko pa lang nakita o narinig na ganun si Big Brother. Na-‘pikon’ si Kuya. Ganun din siguro yung pananaw ng karamihan ng viewers. So kagabi, Saturday, kung kailan dapat lalabas na si Mariel. Sinabi sa kanya ni Kuya na hindi muna. Bilang isa sa mga host ng PBB, siyempre may malaksakit itong si Mariel kay Kuya whoever Kuya is. So Mariel in her own little way did what she could to ‘save’ the relationship of Kuya with the rest of the housemates. So it’s really good for Big Brother to have Mariel inside the house. Pero dun lang ba yun? I would like to think with Ethel out Mariel has her share of followers who watch PBB because of her. The ratings may suffer. And the house gets even more boring without her. So in many ways, dependent nga siguro itong si Kuya kay Mariel.