Matinding intriga laban sa Pinoy Big Brother

Sa mga susunod na araw, inaasahan kong mababasa ng mga fans ng Pinoy Big Brother ang isang e-mail mula sa isang grupong nagngangalang: ‘YOUTH ALLIANCE of the PHILIPPINES’. Tungkol ito sa pagiging fixed ng Pinoy Big Brother dahil pinapaboran daw ng ABS at ng producers ng show ang housemates na sila Cass, Uma, at Sam. Meron daw silang kauukulang ebidensya para dito. Since uso ang CD bilang ebidensya, may audio recording daw sila ng scam na ito. Maganda ito, nagiging parang Garci tapes na ang labanan kung ganun. Hehe.

Pero seriously, ang e-mail na ito ay isang seryosong bagay na sana ay mabigyan ng linaw sa lalong madaling panahon. Bilang fan, nakakabahala ang ganitong pangyayari. Sa ngayon, tinitignan ko ito bilang isang paninira lamang. Malakas nga kasi ang PBB. Halos araw-araw ay napapag-usapan ang kaganapan dito. Abanagan na lang natin kung ano ang gagawin ng ABS laban sa paninirang ito.

For the latest happenings, updates, and opinion on Pinoy Big Brother. Continue to visit pbb.rebelpixel.com.

Pinoy Big Brother fixed?

Totoo ba ito? Read on.
Eto yung laman ng e-mail na kumakalat na nagsasabing fixed ang Pinoy Big Brother.

Sa lahat ng mga kapwa naming kabataan na tumatangkilik sa PINOY BIG BROTHER, isa sa pinakamagandang programa ng ABS-CBN,

Did you know that?

Na hindi po nag-audtion sina UMA, CASS at SAM. Sila po ay kilala ng mga malalaking tao sa ABS-CBN at mga pulitiko.

July 14, 2005 (CAFÉ MILANO, Malate Manila)

Ipinatawag ni Ms. Linggit Tan sina UMA at CASS together with Ms. Carol E., Mr. Pablito B. and Director Lawrence Dyogi (The Voice Behind BIG BROTHER).

Ms. Linggit Tan – Are ready Cass? Uma? Handa na ba kayo?

Uma – Yes, Mam,

Cass – Hindi po ba talaga kami matatangal kahit ma nominate kami?

Director Dyogi – As what Ms. Tan said a while ago, If ever na ma nominate kayo, kami na ang bahala. Pero sure na hindi kayo matatangal, kayong dalawa ang maiiwan sa bahay and after that kayo rin ang maghahati sa money, ang risk lang you need to give that 40% of the Total Cash Prize. Yung house and Lot and Car sa inyo na rin yun, who know’s baka madagdagan pa ang prize diba linggit.

Ms. Liggit Tan – Yes we are working for that. Basta do your best, UMA and CASS. Tapos if ever my na force evict sa mga housemate, papasukin naming si SAM. Ok?

UMA and CASS – Yes Mam!!

Ms. Linggit Tan – OK na? here’s the money 10,000.00 para makabalik ka sa Davao, inform your parent about this ok?

CASS – Thank you po!!!

Director Dyogi – CASS, UMA, basta pag nomination na pagpasok niyo sa confession room, nakalista sa likod ng camera kung sino ang i-vo-vote out niyo, kayo na lang ang magbibigay ng rason

——- That is the First Part of the 28 scripted files na na record namin ——-

Know The Fact!!!

Cassandra Ponti – The Former Girlfriend and Lover who use to be the Escort of Congressman F.B. of Iloilo

UMA – Is a model and talent of ABS-CBN and MS. Charo Santos Concio’s Personal Favorite

SAM – is the “pamangkin” of Director Lawrence Dyogi (The Voice Behing BIG BROTHER)

—– SO si BOB, RAQUEL, JB, RICO, NENE, FRANZEN, CHX, SAY at si JAYSON ay pawang mga BIKTIMA ng PINOY BIG BROTHER!!! —-

Tunghayan ang mga susunod na pangyayari sa bahay ni kuya.

Ang lahat na ito ay nai-record naming sa isang CD, na may kasamang larawan (picture) na nagpapatunay na niloloko lang tayo ng ABS-CBN at pamunuan ng BIG BROTHER. Ito po ay ilalabas namin, pagkatapos ng PINOY BIG BROTHER o sa kaukulang panahon.

Paalala – Sa hirap ng BUHAY ngayon, hwag natin sayangin ang 2.50 para lang magpaloko, hwag na po tayong mag-txt o tumawag para bomoto, dahil alam na natin ang katotohanan. Salamat Po!!!

YOUTH ALLIANCE of the PHILIPPINES

Sources (MS. Carol E, Mr. Pablito B and MAY)

Jenny back in the house

It’s nice to have Jenny back inside the house. I guess yung awa factor made her through doon sa voting. It’s not surprising though. She was never voted out before. At choice niya dati to leave the house for noble reasons.

About sa voting, akala ko ang magiging top two was Racquel and Jenny. Siguro nga Racquel had the most time inside the house so others wanted the other three former housemates to be given a chance. Racquel already had hers. I was surprised by JB’s votes. Akala ko siya yung pinakakonti pero malayo yung agwat nila ni Mam Racquel. For Rico naman, ang argument nga for him to get back is that siya yung pinakakaunting time yung na-spend sa loob ng bahay. It’s but proper for others to want him to be given another chance to show his wares inside the house once again. Siyempre in the end, Jenny got her chance to get back and continue the fight she left for her father.

Nagustuhan ko yung pagpasok ni Jenny also because of the backstabbing that happened right after makapasok siya. Say and Chx would have wanted their ‘love interests’ to get back so they were disappointed with Jenny’s comeback. I would want to see more of those reactions in the coming days. Wala lang, para naman may drama. Not in the sense na may iyakan. But in the sense na may bida at may kontra bida. Sino sa palagay niyo ang deserving maging bida? Sino yung kontrabida? Hintayin na lang natin if this develops to be like a telenovela where there’s good versus bad.

Five nominees? What?

Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang sadya ng ABS na gawing lima ang nominado for this coming Saturday’s eviction night. Siyempre the more nominees the more I have to vote lalo na kung nasa limang iyun yung mga housemates na gusto kong iligtas. More nominees, more votes, more money for ABS! In my case, I would have to vote for Franzen and Jason since I want them to stay. At least may pagagamitan na ang load ko kaysa mag-expire ng hindi ko nagagamit. Pero wait lang…. what? Five nominees? Mahahati talaga ang boto ng tao. And with this kind of scenario sa palagay ko mas unpredictable ang puwedeng mangyari. Magback fire kaya ang ploy na ito ng ABS (if this is indeed a ploy)?

Rememberthe first eviction night? Rico had 10% of the votes while Racquel had 11%. At tatlo pa lang silang nominated noon. Ngayon na lima na ang puwedeng mapaalis, I guess the more na magiging closefight ang magaganap sa mga housemates na may pinakakaunting votes.

With Franzen, Sam, Cass, Jason, and Chx slugging it out to reamin inside the house, I guess ang pinaka-safe sa lahat ay si Franzen. He showed before na he could get 70+% of the votes. Though ang kalaban niya kasi noon ay hindi kasing bigatin nila Cass at Jason. Kaya mahirap pa rin talagang hulaan. Ewan ko kung tama ako pero ang feeling ko lang na weakest of all five candidates for eviction is Chx. I don’t know. What do you think?

It’s Jason

At last nalaman na rin nating lahat na si Jason pala ang dadalwin ng surprise visitor. Hindi lang pala si Say ang may kapamilya na nagbirthday last week. Pati pala yung anak ni Jason magce-celebrate din ng birthday. I didn’t know that. Marami na naman ang naiyak dahil sa episode na yun. The best part that I liked about that episode is yung nakaw na halik nung wife ni Jason sa kanyang pinakamamahal na asawa.

Pero sobrang natuwa ako dun sa reaction ni Franzen paglabas ni Jason. Siyempre, best actor si Jason na tungkol lang daw sa lapel kung bakit siya tinawag ni Big Brother. Nakakatawa si Franzen kasi parang alam niya yung nangyari sa loob ng confession room. In his amusing way, hinuhuli niya si Jason kung ano ba talaga yung nangyari. Franzen pointed out na kagagaling pa lang sa pag-iyak ni Jason. Bilib din ako kay Jason, kahit hinuhuli siya ni Franzen he just smiled his way out of the situation. It helped na rin siguro na pinagluto niya yung mga housemates kinabukasan. Buti na lang hindi ako yung nasa kalagayan ni Jason. Mahirap kasi talagang magsinungaling.

Ano naman kaya ang maga mangyayari this week? To date, parang yung last week yung pinaka-eventful na week sa loob ng Big Brother House so far. Opinion ko lang yun. Maybe others would disagree. Tignan natin kung ano pa ang mga mangyayari in the next few days kung magiging kasing kulay, entertaining, at dramatic ang linggong ito sa Bahay ni Kuya.

Entertaining ‘Bahay Militar’ task

I found last night’s episode of PBB very much entertaining. Siyempre from the viewpoint of us viewers, tasks and challenges such as that make an entertaining treat. Pero from the housemates point of view, nakakapagod din yung ganung task. Di rin madali para sa mga hindi sanay sa displina at rigors ng military training ang mga activities like carrying a rifle, standing straight without moving etc. Kaya nga entertaining yung ganitong tasks kasi we get to see the housemates not in their usual ways.

The most entertaining of those tasks are those that test the courage of the housemates. Siyempre, anything that involved the housmates being blindfolded was a joy to watch. This is especially true when the squeamish housemates get their turn in whatever task they have to do. Special mention si Say at si Uma.

I find it amusing na sobrang OA yung reaction ni Uma sa kahit anong task. Tawang-tawa ako sa paghuli niya ng palaka at dun din sa paghampas niya sa board na may pako. Kahit dun sa pag-inom ng ‘laway’ (na eggwhite naman talaga) ang OA pa rin ng reaction ni Uma. Dahil tuloy sa ganitong behavior ni Uma, kahit ayaw ko siyang manalo I think I’d like to see him stay para I could see how he would fare inside the house given other challenges.

Si Say naman nakakatawa kasi kikay talaga at hindi niya gagawin yung mga ganung bagay if given a choice. Gusto ko yung special task ni Say na kukuha siya ng papel sa bowl filled with liquid. Nakatulong sa ang kakulitan gn mag housemates sa pananakot kay Say gamit ang feathers. At least rewarded naman si Say for her efforts dahil mapapadalhan niya yung mom niya ng gift for her birthday. This leas me to think tuloy na puwedeng yung mom ni Say yung dumalaw mamaya for 100 seconds. Pero I guess people would find it unfair kung siya ulit yung tatanggap ng bisita. Abangan na lang natin lahat mamaya.

Housemate na may ex na young actor / tv host

Two weeks ago pa yata nun pinakita sa showbiz talkshow na ETK (Entertainment Konek) yung isang blind item. Actually hindi ko nakita yung feature na iyon. Nakita ko lang yung teaser. Pero since mahilig akong manghula, sa palagay ko ay nahulaan ko nga kung sino ba ang tinutukoy ng blind item na yun.

Ang premise lang nung blind item na yun is that may isang young actor / tv host na naging karelasyon ng isa sa mga housemates sa Pinoy Big Brother. Hindi naman nakakagulat ang ganitong blind item sapagkat may mga itsura naman ang mga housemates sa loob ng Big Brother House kaya hindi malayo na magkaroon sila ng mga boyfriend o grilfriend na artista. Ang twist lang sa blind item na ito ay pareho kasing lalake ang magkarelasyon na tinutukoy sa balitang ito.

Nakakatuwa ang teaser ng blind item. It goes like: Young actor / tv host na may initials na PB may naging karelasyon sa mga taga-PBB.

Nahulaan niyo na ba si young actor / tv host? Kilala niyo ba ang nakarelasyon niyang taga-PBB? Kung may hula kayo, i-post niyo na dito.

Another 100 second encounter

Mukhang magkakatotoo yata yung isa sa mga na-post ko kahapon na babalik si Bob to meet Nene for 100 seconds. Nakita ko kasi yung teaser kagabi at this Friday mauulit yung 100 second visit. Ang tanong, sino ba ang bibisita at sino ang dadalawin?

As I said, I’d like to see Bob and Nene together again kahit 100 seconds lang. I think Nene deserves such thing din naman. Hindi pa naman siya naging sakit sa ulo ni Big Brother o kahit ng iba pang housemates. Isa pang posibleng dumalaw si Jenny. Siyempre, if that happens dadalawin niya si Jason. I think Jason would very much appreciate if that happens since he needs much comforting after Bob left the house. Puwede rin si JB ulit para kumustahin si Say. Pero pag ganun yung nangyari parang may favoritism na yata si Big Brother kasi second time na nila to do that. Kayo? Do you have any other theories kung sino ang dadalaw sa Friday?

I also don’t know kung may rule ba kung sino lang ba ang puwede dumalaw. Former housemates lang ba o puwede ring kapamilya, kaibigan, o di kaya’y kasintahan? Kung wala namang rule tungkol dito, puwedeng dalawin ng isang kapamilya ang isang housemate. Sino naman kaya sa mga housemates yung deserving makatanggap ng isang dalaw mula sa isang outsider? Kung outsider nga ang dadalaw, I would think na sina Jason or Franzen yung dadalawin since sila pa lang sa mga housemates yung may pamilya na. It’s been 50 plus days since they last saw their families so I guess ok lang kay Big Brother to allow them that privilege. Masyado yata akong maraming tanong sa post kong ito. Basta sana Friday na para malaman ko na kung sino ba talaga ang bibisita at sino ang dadalawin.

Post kayo ng ideas niyo kung sino sa palagay niyo yung makikinabang sa 100 second visit. Malay niyo magkatotoo yung hula niyo. =)

Bob’s farewell night

Ang drama ng Bob farewell episode. I’m not saying that in a bad way. Ma-drama yung episode in a good way. Nakakiyak nga eh. For sure, marami ang napaiyak sa episode na yun. And kasama ako sa mga taong iyon.

One of the things I waited for was the last moments of Bob and Nene together. I would have wanted to see a kiss pero their long embrace and hugs sufficed. I didn’t need to see a kiss to see how they’ll miss each other and how sad they’ll be without each other’s company. Ganoon din with the other housemates, through their reactions and emotions last night, you would feel na mangungulila sila with another housemate gone . Special mention sa mga housemates na umiiyak si Jason. The last time I heard somebody cry like that was in a funeral. At pag ganung klaseng pag-iyak yung naririnig ko, di ko rin mapigilan yung sarili kong lumuha.

Maulit kaya ang ganitong klaseng episode (na puno ng kalungkutan at emosyon) sa loob ng mga susunod na araw? Sana hindi. I hope bumalik ulit ang saya at sigla sa loob ng bahay in the coming days ahead.

Commander Nene

I’m kinda scared for Nene‘s task for being the commander of the Big Brother Camp. Siyempre, baka kasi magalit sa kanya yung mga housemates with this new task. Iba rin kasi pag leader ka ng isang ‘military organization’. Ako I hated our CAT and ROTC officers while I was in school. Baka ganun di kasi yung makita nila sa kanya. I hope not. Mukahang very patient and considerate naman siya while doing her task.

Ang task kaya na ito ay ploy ng ABS para ma-nominate si Nene? Sana hindi. If yes, I’ll understand kasi I think marami namang boboto for Nene to stay if and when she gets nominated. Abangan na lang natin what happens next.