Another 100 second encounter

Mukhang magkakatotoo yata yung isa sa mga na-post ko kahapon na babalik si Bob to meet Nene for 100 seconds. Nakita ko kasi yung teaser kagabi at this Friday mauulit yung 100 second visit. Ang tanong, sino ba ang bibisita at sino ang dadalawin?

As I said, I’d like to see Bob and Nene together again kahit 100 seconds lang. I think Nene deserves such thing din naman. Hindi pa naman siya naging sakit sa ulo ni Big Brother o kahit ng iba pang housemates. Isa pang posibleng dumalaw si Jenny. Siyempre, if that happens dadalawin niya si Jason. I think Jason would very much appreciate if that happens since he needs much comforting after Bob left the house. Puwede rin si JB ulit para kumustahin si Say. Pero pag ganun yung nangyari parang may favoritism na yata si Big Brother kasi second time na nila to do that. Kayo? Do you have any other theories kung sino ang dadalaw sa Friday?

I also don’t know kung may rule ba kung sino lang ba ang puwede dumalaw. Former housemates lang ba o puwede ring kapamilya, kaibigan, o di kaya’y kasintahan? Kung wala namang rule tungkol dito, puwedeng dalawin ng isang kapamilya ang isang housemate. Sino naman kaya sa mga housemates yung deserving makatanggap ng isang dalaw mula sa isang outsider? Kung outsider nga ang dadalaw, I would think na sina Jason or Franzen yung dadalawin since sila pa lang sa mga housemates yung may pamilya na. It’s been 50 plus days since they last saw their families so I guess ok lang kay Big Brother to allow them that privilege. Masyado yata akong maraming tanong sa post kong ito. Basta sana Friday na para malaman ko na kung sino ba talaga ang bibisita at sino ang dadalawin.

Post kayo ng ideas niyo kung sino sa palagay niyo yung makikinabang sa 100 second visit. Malay niyo magkatotoo yung hula niyo. =)

11 thoughts on “Another 100 second encounter”

  1. Feeling ko baka of a much bigger twist yung pagdalaw na to, baka tipong sobrang unrelated personality? Wild guess ko lang. 🙂

  2. walang dalaw dalaw dpat! dba sabi ‘there would be no contact from the outside world’.
    haler! pang pataas lang ng rating… ehehhe

    eniweys… i don’t watch the show naman..minsan lang pag nadadaanan.

    mas maganda siguro kung.. dalawin sila.. pero bawal magsalita… kc puedeng magbigay ng leakage ung dalaw eh.. lalong magiging scripted ang kanilang mga actions sa loob ng haws.

  3. Kung dating housemate yung dadalaw for 100 seconds, I think si Rico yun to visit not Chix, but FRANZEN…

    It’s too early para dumalaw si Bob, Si Raquel walang dadalawin, si JB nakadalaw na.

  4. Pingback: Escort

Leave a Reply

Your email address will not be published.