Feeling na mga Boys ng House B

Hay naku, kagabi pa ako di mapakali. Matagal-tagal na rin akong di nakapagsulat dito sa PBB Updates pero mula nang mapanood ko yung episode kagabi e alam kong dapat kong isulat ang opinyon ko, kung hindi…baka sumabog pa ako :p

Sa simula ng linggo ay pinadalhan ni Big Brother ng bagyo ang mga housemates, ang Bagyong Walay. Hango sa salitang “Hiwalay”, nawalay ang mga magkakalapit na housemates ng dalawang bahay nang pinagpalit ni Big Brother ang mga girl housemates sa magkabilang bahay. Dahil dito, sila Rica, Melay, Cathy at Carol ay lumipat sa House B, habang sina Mariel, Yuri, Kath at Sam naman sa House A.

Syempre nagulat ang lahat sa bagyong dumating. Unang pinarating ni Kuya ang balita sa boys ng House A. Kitang-kitang nabigla ang mga boys, lalong-lalo na si Jason na napatungo sa narinig (dahil siguro natakot syang mahiwalay kay Melay). Dahil dito ay gumawa ng paraan sina Tibo, Paul Jake, Johan at Jason upang mapasaya ang kanilang girl housemates sa mga huling sandali na sila’y magkakasama. Super sweet nga nakakatuwa. 🙂

Sa kabilang bahay naman ay unang pina-alam ni Kuya sa mga girls ang mangyayaring palitan. Hindi na rin ako nagulat sa medyo-OA na reaksyon ng mga girls. Eto pang si Yuri e may pasaring pa na kung may choice daw sya ay hindi naman sya aalis talaga (E girl, wala ka ngang choice, sorry). Mukhang kinakabahan dahil sabi nila ang boys sa House B ay  submissive sa kanila, so baka hindi sila maka-ubra sa kanilang pagiging bossing sa mga boys ng House A. At nangyari na nga ang palitan at nawindang ang mga housemates. Nandyan ang mga iyakan at pagka-miss sa mga nawalay na housemates, at ganon din ang ilangan at paninibago sa mga bagong pakikisamahan.

At ayun na nga, habang karamihan sa mga housemates ay nangungulila sa mga nakagisnang mga kasama, E etong mga boys ng House B na sina Patrick, Rob, Rocky, at Hermes ay pinili pang mag-self pity. Kesyo lugi sila dahil mas hot ang girls nila dati. Inis na inis nga ako kay Patrick dahil dati pa man ay nakikitaan ko na ito ng pagka-plastic. Kahit ako si Jimson ay magagalit din ako, dahil obviously may gusto sya kay Mommy Kath at lagi na lang nya gusto maka-score. Lalo pang lumabas ang mga tunay na kulay ng mga boys ng House B nang mag-prepare sila na gumamit ng jacuzzi with their new girl housemates. Akalain nyong i-judge pa si Rica dahil sa kanyang pagiging transgender. Foul talaga ang iba nilang comments. Sana lang ay ma-realize nila na more than physical looks, ang personality at attitude ay sobrang mahalaga. Sana matuto silang makibagay ng maayos, lalo na kapag nakilala pa nilang mabuti ang mga girl housemates ng House A. Ma-realize nila na sa lahat ng palitan, hindi sila ang tunay na lugi kung hindi ang girls talaga ng House A. Dahil ang mga boys ng House B ay losers in attitude.

Opinyon ko lang ha…kayo ba?

15 thoughts on “Feeling na mga Boys ng House B”

  1. Currently, there to vie in elite, home events.
    The economist says it makes sense that in spades discover a ascent in their car insurance premiums.

    Social media may raise questions and doubts surrounding your accident claim.

    They are considered by businesses are expected to pay for
    the insurance.

    Here is my website … insurance attorney (Deana)

  2. nung hapon na ?. nakita nya ang dede ng kanyang nanay boy bastos: nay ano yan? nanay: wala anak, salbabida ang mga to. Boy bastos: pwede ko bang gamitin yan sa beachbukas? nanay: hindi pwede anak kasi gagamitin ko. Boy bastos: eh di yung kay yaya nalang. nanay: hindi pwede anak. walang hangin yun e. boy bastos: imposible nay! ka-iihip lang nitatay kagabi e!

  3. Tulad ni Sandra, labing-pitong taong gulang na siya ng maging mag-aaral ko sa ikaanim na baitang. Ateng-ate na siya para sa kanyang mga batang kaklase. Nanay-ate naman siya ng kanyang apat na batang kapatid. Tagapag-alaga sa pamilya. Buti nga at naisipan pa niyang mag-aral, buti nga at pinayagan pa siyang mag-aral. Minsan tinanong ko ang buong klase kung anong gusto nilang maging paglaki. Umalingawngaw ang mga katagang nars, doktor, inhinyero, piloto, sundalo, dentista, businessman at iba pa. Nang siya naman ang nagsalita, kimi lang niyang binanggit na gusto niyang maging caregiver.

  4. Pingback: dorioplincets
  5. Pingback: go here
  6. Pingback: logam mulia antam
  7. Pingback: Escorts
  8. Pingback: more
  9. Pingback: see
  10. Pingback: blue ofica
  11. Pingback: Blue Coaster

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *