PBB The Spooktacular Reveal: More New Housemates!

Noong nakaraang Sabado ay ipinakilala ang 14 na bagong housemates sa Pinoy Big Brother House.

Yun nga lang maagang nagpaalam ang mga double-up housemates na sila Toffi & Kenny at JM & JP.

Pero wag mag-alala, dahil may mga dinagdag ulit si Kuya na bagong housemates para sumaya ulit sa loob ng bahay nya.

Johan, 22
Cutie Server ng QC

Cathy, 22
Charming Babe ng Bohol

Steve, 33
Dad of Steel ng Cagayan de Oro

Hermes, 23
Reluctant Amboy ng Pampanga

Patria, 23
Bibang Probinsyana ng Siquijor

Kath & Jimson,
La Senora at Houseband ng Spain

Rob, 24
Ladies Man ng Austria

Patrick, 32
Charming Banker ng Baguio

Rica, 26
Math Goddess ng Bacolod

Ang unang may mga task ay sina Cathy, Patrick, Rob at Rica. Sina Cathy at Patrick ay magpapanggap na mag-asawa, samantalang si Rob at Rica naman ay magkukunwaring magkasintahan. E dahil itong si Rica ay isang transgender, abangan natin kung mahihirapan sila ni Rob na panindigan ang pag-acting. πŸ™‚

Mga Kambal Lumabas na sa Bahay ni Kuya

Isang linggo pa lang ang lumipas mula nang nagbukas muli ang Pinoy Big Brother house pero ang dami nang nangyari.

Ang double-up twins na sila Kenny at Toffi, at JM at JP ay lumabas na sa bahay. Naunang umalis si JP, nang mag-voluntary exit dahil sa kinakailangan bumalik sa trabaho. At ang mga natirang kambal sa loob, pagkatapos mahirapan sa task ni Kuya na magpalipat-lipat sa dalawang bahay, ay tuluyan na ring lumabas nung Biyernes nang tuluyan nang mabuking ng iba pa nilang mga kasamang housemates. Nakakalungkot man, ok na rin dahil for sure nag-enjoy din naman sila sa loob ng bahay no matter how short their stay was.

Pero si Carol, napaiyak sa paglabas ng mga kambal. E paano, nahuhulog na pala ang loob nya kay Kenny.
Ang bilis ma-develop ha? Iba talaga epekto ng bahay ni Kuya. E pano na si Melissa? Wala na syang ka-I love you, dahil wala na syang babe? hehe πŸ™‚

So goodbye double-up housemates, sana magkaroon kayo ulit ng pagkakataon na makabalik sa loob ng PBB house para mai-pagpatuloy ang naudlot nyong pagtira dito.

Ang Babae Nga Naman

The past two days ay nakita natin ang unang mga araw ng ating mga bagong housemates sa bahay ni Kuya.

Kung hindi nyo pa alam, nahahati sa dalawa ang bahay ni Kuya this season (sa ngayon dahil hindi natin alam kung anong binabalak ni Kuya in the coming weeks).

Sa isang bahay
Princess and the boys (Tom, Delio, Paul Jake andΒ  Jason)

Sa kabilang bahay
The girls! (Melissa, Yuri, Carol, Mariel and Yhel)

Mga NPAs (No Permanent Address..hehe)
Double-up housemates Toffi & Kenny at JM & JP
Nahati sa dalawang set ang kambal at nagpapalitan sa 2 bahay ni Kuya

Ang task ng double-up housemates ay magpalipat-lipat sa dalawang bahay sa hudyat ni Kuya. Dapat ay hindi mabuking ng ibang housemates na may palitang nagaganap, na may kakambal sila, at na dalawa ang bahay ni Kuya.

Kaya nga lang…

Kahapon ay unang inutos ni Big Brother na magpalit na sila Kenny at JP (na nasa bahay kasama ng boys), at sila Toffi at JM (kasama ng girls). Pagpasok na pagpasok pa lang nila Kenny at JP para magpanggap na sina Toffi at JM ay nakahalata na kaagad ang girls. Hindi pa man nakalipas ang ilang minuto ay naisa-isa na ng mga girls ang mga pagbabagong napansin nila sa mga bagong pasok. Si Melissa nga, ultimo laki ng pwet, kulay ng brief at pagsintas sa sapatos ay pinansin. Ang mga babae nga naman, super keen sa details, at napaghahalatang magaling mag-observe (especially sa boys). Tuloy-tuloy pa sila sa panghuhula hanggang kinabukasan. Nahulaan pa nga ni Carol na dalawa ang bahay ni Big Brother nang hindi nya nalalaman e.

Buti na lang at binigyan ni Big Brother ng isa pang pagkakataon ang mga kambal. Tuloy ang kanilang task pero hindi dapat sila mabuking ni Princess at ng mga boys sa kabilang bahay.

Pero ano ito, may malaking problema si JP! Hindi pala inaprubahan ang kanyang leave application at kinakailangang mamili kung mananatili sa loob ng bahay ni Kuya o mage-exit para magreport sa trabaho. Naiyak na nga sya dahil alam nya na mahalaga ang experience sa loob ng bahay ni Kuya para sa kanila ng kambal na si JM, pero kailangan nya ang kanyang trabaho upang itaguyod ang kanyang pamilya. Paano na kaya? Kapag lumabas sya ay madadamay ba ang kapatid na si JM at mapapa-alis din ng di oras sa Pinoy Big Brother house? Abangan natin mamaya.

Some Info about the New PBB Double Up Housemates

Some trivia about our PBB Double Up housemates from the show earlier:

Princess, 22
Sexy Vamp ng Cebu
– Si Princess ay laking Lola dahil iniwan ng kanyang nanay nang sya’y bata pa.
– Her mom is in Japan, disappointed
nasaktan na sa pag-ibig
fukuoka japan

Tom, 22
Romantic Stud ng Samar
– Certified pasaway turned good boy
– “Hilaw na kano.” He auditioned or PBB in San Francisco
– He’s the 3rd of 6 children and migrated in the US when he was 12 years old
– His first love is drawing, but learned the guitar and composing songs

Delio, 26
Simpatikong Kusinero ng Batangas
– Batanguenong “Wizard sa kusina.” Cook sa isang resto.
– Mahirap ang buhay at Grade 6 lang ang tinapos.
– Nainlove at nang mabuntis ang nobya ay pinaglayo sila.
– Reunited with partner at 2 year old, english-speaking son.
– Pangarap nyang mapakasalan na ang nanay ng kanyang anak.

Paul Jake, 24
Negosyo Prince ng Cebu
– May pharmaceutical business ang family.
– loves adventure and cars.
– He started his own business at age 21.
– Magaling makisama, kahit sa kanilang mga workers.

Jason, 21
Boy Astig ng Mindoro
– Lola’s boy na minsan ay may topak. Di umaatras sa mga laban
– Bad boy at astigin. Mala- jackass ang mga trip
– Malayo sa tatay at ‘di close sa ina, pero mahal na mahal ang mga kapatid

Melissa,21
Inday Kenkay ng Gensan
– English teacher na kalog.
*Um, naglipat kami ng channel kaya ito lang ang naabutan ko. :p

Yuri, 25
Multilingual Hottie ng Japan
– knows 5 languages: Portuguese, Spanish, English, Filipino and Japanese
– Nag-asawa ng hapon ang nanay sa Osaka, at inampon ng stepdad na hapon.
– Nagkaroon ng karelasyong taga-Portugal na dumurog ng puso nya.

Carol, 22
Conservative Pharmacist ng Tondo
– Pharmacy graduate at professor ng Industrial Pharmacy sa UP Manila
– Nanggaling sa isang conservative Chinese family at NBSB.
– isang achiever at born again christian

Mariel, 21
Struggling Mom ng Davao
– Has a strict and unreasonable mom, kaya nagrebelde
– Gimikera at sosyalerang may angking tapang.
– Natigil mag-aral nang mabuntis.

Yhel, 26
Young Widow ng Pamapanga
– Maagang nabuntis at age 14. (Toni: real-life katorse!)
– Sa edad na 20 ay nabiyuda nang nasaksak ang asawa
– May 2 anak. Ang isa ay special child

Toffi, 19
Basketbolero ng Rizal
– Basketball player at college scholar
– pangarap maging professional basketball player
– certified chickboy (dati raw). May girlfriend na sya ngayon.
– mas matangkad sa kambal na si Kenny.

Kenny, 19
Joker Jock ng Rizal
– Identical twin ni Toffi.
– Varsity player din ng basketball. Magka-team sila ng kanyang kambal.
– Certified torpe, kabilagtaran ni Toffi.

JM, 29
Delightful Dad ng QC
– IT Practitioner
– Married with 1 kid
– May dimple, ang kambal na si JP wala

JP, 29
Jetsetter Dad ng QC
– Identical twin ni JM
– Flight attendant
– Married with 2 kids and one more on the way
– Sunday school teacher**

**dahil nakakaliko ang kambal, hindi ko sigurado kung si JM o JP ang nagtuturo ng Sunday school. Will verify kung kaya. πŸ™‚

PBB Double Up: The Magical Reveal

PBB na naman!!! Woohoo!

Magpupumilit na naman ako makauwi ng maaga sa bahay, para lang makapanood. Ewan ko ba, minsan nakaka-adik lang talaga manood. Siguro talagang sadyang may pagka-tsismoso o usisero ang mga Pinoy? O baka naman ang pagka-humaling sa mga ganitong klaseng programa ay nagpapakita lang ng genuine interest ng Pinoy sa iba’t-ibang mga tao, magaling tayo makisama e diba?

Sa ilang seasons na nakalipas ng Pinoy Big Brother, iba-ibang pakulo na ang ginawa ni Kuya at ng mga producers ng show para siguraduhin na laging may bagong kapananabikan. At sa season na ito doble doble ang bago, sa Pinoy Big Brother Double Up!

Bago natin malaman ang mga bagong hamon ni Kuya at kung anong doble, eto muna ang listahan ng mga bagong housemates na ating susubaybayan. πŸ™‚

Princess, 22
Sexy Vamp ng Cebu

Tom, 22
Romantic Stud ng Samar

Delio, 26
Simpatikong Kusinero ng Batangas

Paul Jake, 24
Negosyo Prince ng Cebu

Jason, 21
Boy Astig ng Mindoro

Melissa,21
Inday Kenkay ng Gensan

Yuri, 25
Multilingual Hottie ng Japan

Carol, 22
Conservative Pharmacist ng Tondo

Mariel, 21
Struggling Mom ng Davao

Yhel, 26
Young Widow ng Pamapanga

Unang pasabog ng doble sa bahay: Double up housemates – TWINS!!! at hindi lang isa, dalawang pares ng kambal.

Toffi, 19
Basketbolero ng Rizal

Kenny, 19
Joker Jock ng Rizal

JM, 29
Delightful Dad ng QC

JP, 29
Jetsetter Dad ng QC

At doblehin pa natin ulit, dinalawa pa ni Kuya ang bahay nya! At ang ating mga kawawang kambal na sila Toff, Kenny, JM at JP ay may super challenging task na kaagad!

May dalawang grupo ng housemates na titira sa dalawang magkaibang bahay ni Kuya. Ang ating mga double up housemates ay maghihiwalay upang tumira sa magka-ibang bahay. At sa mga panahong itinakda ni Kuya ay kailangan nila magkipagpalit sa kanilang mga kanya-kanyang kakambal sa kabilang bahay. Sa pagpapalitan nila ay hindi pwedeng malaman ng housemates na may isa pang bahay si Kuya, at na sila’y may mga kakambal. Hala naman, ang hirap Kuya!

Kapag succesful ang mga double-up housemates sa kanilang ubod-ng-hirap na task kay Kuya, ay exempted sila sa unang round ng eliminations. Pero kapag fail, naku goodbye agad dahil forced eviction ang parusa ni Kuya (how harsh…hindi ba pwedeng automatic nomination na lang?) Hay, sige subabaybayan na lang natin kung paano ang diskarte ng mga kambal.

Unang pinapasok si JM sa “kaliwang bahay ni Kuya”, kung saan si Princess lang ang babaeng housemate. Samantalang si Toffi naman ang unang pumasok sa “kanang bahay ni Kuya” na kung saan sya lang ang lalaki. Nakakatuwa nga kasi hindi sya tumuloy pumasok sa kwarto dahil puro babae, hinahanap nya ang kanyang mga male housemates. Hehe. πŸ™‚ Goodluck talaga sa kanila.

At mukhang may madadagdag pang housemates next week, as mainstay PBB hosts Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez and Bianca Gonzales said na may PBB Double Up: The Spooktacular Reveal next week.

Daming surprises ni Kuya. O ayan, kumakanta na ulit si Macoy ng Pinoy Ako, na-miss ko yan in fairness. πŸ™‚

So see you guys sa next update. Sana makanood ako ng TV kahit busy. πŸ™‚

Baron, Riza, and Victor are nominated

So sino sa palagay ko ang lalabas this coming weekend? Hmmm…. Mahirap sabihin. Ang konti na lang kasi nila sa loob? Kung ako masusunod si Baron na lang. May hindi kasi ako makakalimutang ginawa/hindi ginawa ni Baron at one point. Naalala ko lang yung task na kailangan magbalance ng apat na male housemates. Yung dalawa nagbabalance habang nasa parang seesaw tapos yung dalawa naman magaayos ng baso sa ‘seesaw’ habang may nakasuot ng salbabida. Sila Baron at Ruben yung nakasuot ng salbabida tapos sila Will at Donnie naman yung nagbabalance sa ‘seesaw’. Okay mahirap nga yung task Baron pero naman kahit na nauubos yung oras, huwag ka maging pessimist at humiga. Nung time na pinanood ko yung episode na yun gusto kong batukan itong si Baron at sabihin ‘Ano ba? Nauubos na nga yung oras tapos hihiga ka lang diyan dahil matatalo na kayo? E, kung tinulungan mo kaya si Ruben?’ After nun, medyo convinced na ko na kung may mae-evict dapat si Baron yun.

Kaya lang sabi nga ng sister ko, baka mas makabuti na nandun si Baron sa loob. At bakit? Kung hindi si Baron ma-control ng kanyang pamilya, baka ma-control siya ni Big Brother. Sa otuside world, Baron can have all the alcohol and yosi he can take. Sa bahay ni Kuya wala siyang control over that. Kung sa paglabas ni Baron ay magbi-bisyo lang siya e di mas mabuti na nasa loob na lang siya. I get my sister’s point. Nag-iimporve na naman si Baron pero is it enough?

As for Riza and Victor, hmm… Just because of numbers I think hindi pwedeng maalis si Riza. Ang dami pang male housemates tapos kapag umalis si Riza, si Yayo na lang at si Mariel yung female housemates. Mariel is just a guest housemate. So si Yayo na lang talaga. Matagal-tagal pa yung season ng Big Borhter at si Yayo na lang ang only female housemate? Pwedeng mangyari pero parang hindi dapat. Mas maganda if Riza stays. At least the Will and Riza loveteam will still be there. Kay Victor naman, ewan ko lang. Kung hindi siya nakakatulong as other housemates see him, at least hindi din naman siya nakakabigat. Para sa kin Baron versus Victor ang labanan. Ako kahit sino sa kanila ang umalis ok lang, kasi feeling ko hindi naman sila aabot ng big four. Feeling ko lang naman yun. Any vilent reactions to that? Kayo sino ang gusto niyong maalis na?

OA lang ba si Mariel?

Last night, Big Brother gave Mariel a letter with Toni being the messenger of this letter. Sabi ni Big Brother kay Toni, hindi dapat malaman ng ibang housemates ang tungkol sa sulat na iyon. Pati yata sa mga viewers hindi pa pinapaalam kung para saan ang sulat na ‘yun. Kaya lang from Mariel’s reaction, mukhang tungkol yung sulat sa paglabas niya. Hula lang naman yun, yun din naman yung iniisip ni Mariel. Mariel could be wrong, parang ni hindi niya pa nga nabuklat yung sulat. Unless hindi na lang pinakita kagabi… Anyway, kung totoo ngang lalabas na si Mariel, mas matindi pa yung paglabas niya kaysa sa pagpasok niya. Pagpasok niya, I’m gonna die! 2x ang drama niya na understandable naman dahil nga sino ba naman ang hindi magkakaroon ng nervous breakdown kung ikukulong ka sa isang bahay at di ka paalisin. Kagabi naman todo ang iyak, hindi ko nga alam kung anung term yung dapat gamitin, kung iyak ba yun, o hikbi, or whatever. Siyempre nalulunkgot siya na aalis na siya. Ang hirap kasi hindi niya alam kung ano ba talaga siya. Feeling ko kasi nag-eexpect si Mariel na sia siyang regular housemate. Ako rin nung una akala ko ganun, kasi nga sa pag-uusap nila ng manager niyang si Boy Abunda, parang regular housemate siya at Boy even wished for her to win. Yun kasi yung mahirap kay Mariel dito. She doesn’t even know what she is, or what happens next for her. Parang nakabitin siya at anytime she can be pulled out. So what can I say about her crying last night? I don’t really know what to say. Siguro ang sasabihin ng iba, ‘ang arte naman ni Mariel’ or ‘ang OA niya naman.’ Kayo what do you think?

It’s Toni’s turn inside the PBB house!

“I’m gonna die, I’m gonna die!”

That was Mariel’s hysterical lines when Big Brother surprisingly announced that she was going to be a houseguest. Now, it’s main PBB host, Toni Gonzaga’s turn to live inside the PBB house.

The day after Mariel went in the house, Kuya fooled around with Toni, when she brought housemate Ethel Booba in the house. Toni, obviously uneasy knowing what happened to her co-host the previous day, kept asking “Kuya, pwede na ba kong lumabas? Sino pong magho-host ng show? Live pa po ba tayo?” Kuya simply answered “Sige Toni pwede ka nang lumabas…kung makakalabas ka.” And to poor Toni’s surprise, the door was locked. She was almost crying, pleading to Kuya that she has a scheduled shoot the next day. To her relief, Kuya let her go that time.

Last night was a different story. While she was inside the house to “award” medals to the second round of nominees, Kuya called her to the confession room once again. “Toni, matagal na kitang nakakasama sa PBB, pero hindi pa kita lubusang kilala”. Toni was instructed to get the box beside her, which made her sure as to what was going to happen next.

The box contained her lapel mike, making it official that she is the newest PBB houseguest! She was definitely more calm than Mariel was, maybe because after Kuya fooled her the first time, she knew that she could be sent inside the house any moment. Though someone else might have packed her things for her, I think Kuya’s teaser helped prepare her mentally and psychologically for what she was expecting to happen. For sure, her manager already arranged her tight schedule to accommodate her indefinite stay in the house.

I’ve always tried to imagine Toni living inside Kuya’s house. And now that she is, I think she’ll be a good balance to Ethel Booba (since Jen isn’t around anymore…hehe) and Baron Geisler. What do you think?

C’mon guys! Panoorin na natin ang drama sa likod ng totoong buhay ni Toni Gonzaga! =)