Language Barriers sa Loob ng PBB House

Sanay na tayo sa mga PBB housemates na may foreign blood, sa katunayan, ang isa sa mga sikat na PBB alumnus ngayon na si Ryan Bang, ay purong Koryano at walang halong Pinoy blood. Sabagay, sanay naman tayong mga Pinoy sa mga foreigners at sa mga kababayang may foreigner na magulang.

Ang Pinoy Anime ng Japan na si Seichang Ushimi, ay housemate na tubong Japan. Bagamat ilang beses na siyang nagbakasyon dito sa Pilipinas dahil sa inang taga-Davao, hindi pa rin bihasa si Seichang sa Tagalog at ganon din sa Ingles. Sa iilang araw pa lang na itinatakbo ng Pinoy Big Brother Unlimited, makikita nating minsang tahimik si Seichang. Marahil na nga ay dahil sa hirap itong umintindi at hirap din na magsimula ng conversation sa ibang housemates, lalo sa ilang hindi rin marunong mag-ingles. Isa pang housemate, Ang Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland, ay hindi rin magaling mag-Tagalog. Pero dahil magaling naman sya mag-ingles at may mga iba pang Bisaya na kasama sa bahay, ay mas madadalian syang mag-adjust kaysa kay Seichang.

Hindi naman ito bago. Katunayan, isa ring half-pinoy, half-japanese ang minsan nang pumasok sa parehong bahay. Si Jun Hirano ay naging contestant sa Pinoy Dream Academy Season 1. Napilitan mag-drop out si Jun sa PDA dahil sa nahirapan itong mag-adjust dahil sa language barrier, na naging dahilan ng kanyang pagiging homesick at malungkot sa loob ng Academy.

Sabagay, kahit naman limitasyon ang language barriers na ito, maparaan naman ang tao. I’m sure kahit papaano ay makakahanap sila ng paraan para makapag-usap usap gamit ang ibang paraan tulad ng sign language. Or anong malay natin, magbigay ulit si Big Brother ng task para turuan kahit kaunti si Seichang ng Tagalog. Kaya abangan na lang natin ang updates kay Seichang, na kitang-kita sa isang video na excited at masayang-masaya nang malamang isa sya sa official housemates ng Pinoy Big Brother Unlimited. Sabagay, mukha naman syang masayahin at game na game. Ang strategy nya? Just smile and make chika chika! 🙂

Good luck Seichang, sana hindi ka naman ma-lost in translation at magtagal sa bahay ni Kuya. Banzai! 🙂

PBB Unlimited: Ang Bagong Bahay

Kasisimula lang ng Season 4 ng Pinoy Big Brother noong Sabado, per tuloy-tuloy ang unlimited na pakulo ni Kuya. Isa sa kitang-kitang pagbabago ay ang kakaibang anyo ng Pinoy Big Brother house. Mala-squatter o slums ang itsura ng bagong bahay na talaga namang nag-transform at ibang-iba sa mga naunang ayos ng Big Brother House.

Ang galing ng pagkakagawa ng bahay this season. Sobrang realistic ang ayos, malayong-malayo sa usual Big Brother House na ating kinagisnan. Ang natatanging pareho ay ang mga one way mirrors kung saan nakatago ang mga camerang nagbabantay 24/7 sa ating mga housemates. Wala rin ang pool, bagkus ay may canal na pinagawa para maging mas makatotohanan ang mala-“squatters” na house theme.

Pero hindi biru-biro ang concept ngayong taon. Sa likod ng kakaibang itsura ng bahay ay ang mas malalim na rason ni Kuya. Nais ni Big Brother na maranasan ng mga housemates ang nararanasan ng halos 15 milyong Pinoy na salat sa buhay. Kung iisipin, kahit na hindi totoong realidad ang pagdaraanan ng mga housemates sa loob ng bahay, ay mararamdaman pa rin nila kahit papano ang hirap ng ating ibang kababayan. Lalo pa sa bago at kakaibang twist na kasunod na isinambulat ni Big Brother.

Binigyan ang housemates ng desisyon na mamili sa tatlong UNLI: Tubig, Damit at Pagkain, tatlo sa mga basic needs ng mga tao sa pangaraw-araw na pamumuhay.

Unlimited Water
Unlimited ang supply ng tubig ng mga housemates sa buong araw. Ngunit magiging limitado ang pagkain at pananamit nila. Ang limitadong pagkain na kailangan pagkasyahin sa loob ng isang araw ay 9 lata ng sardinas, 2 kilong bigas, 6 na instant noodles, at 7 itlog. Bibigyan din sila ng isa lamang na damit na kapalitan ng damit sa suot nila noong Big Night.

Unlimited Clothes
Makukuha nila at maaaring gamitin ang lahat ng damit na inimpake, kapalit ng limitadong pagkain at tubig. Siyam na balde lamang ng tubig ang maaari nilang gamitin (liban dito ang tubig pang-inom) kung ito ang piliin nila.

Unlimited Food
Walang magiging problema ang housemates sa pagkain, ngunit kailangan nila tipirin ang kanilang tubig, at hindi rin sila makakapagpalit basta-basta ng damit.

Kakapasok pa lang ng mga housemates ay bumulaga na sa kanila ang mahirap na desisyon sa pagpili ng kanilang UNLI supply. Parang pagpili lang ng kung anong cell network ang magbibigay ng mas magandang unlimited deal. 🙂 Sa huli pinili ng mga housemates ang unlimited na pagkain.

Sa tingin nyo ba tama ang desisyon nila? Kung ako kasi yun, pipiliin ko siguro ang unlimited na tubig, mainly for hygienic purposes. Diba, kung hindi man makakapagpalit ng damit, at least makakapag-laba sila.Tsaka may pagkain naman sila, kaunti nga lang. Sa tingin ko naman kasi hindi rin naman pababayaan ng PBB management na magutom ang mga housemates  up to the point na delikado na. Pero mahirap din magutom, kaya naiintindihan ko rin ang desisyon ng mga housemates.

Nakakatuwa lang na sa simpleng task ng pagpili ay instant karamay agad ang mga housemates ng maraming mahirap nating kababayan. Buti nga sa loob ng bahay ni Kuya, may unlimited supply ng isang basic need, samantalang para sa karamihan, wala lahat, pati bahay na titirhan.

Let’s see kung tama ang desisyon nila, or kung paano paninindigan ng ating bagong housemates ang pinili nilang unlimited need supply.

 

 

 

PBB The Spooktacular Reveal: More New Housemates!

Noong nakaraang Sabado ay ipinakilala ang 14 na bagong housemates sa Pinoy Big Brother House.

Yun nga lang maagang nagpaalam ang mga double-up housemates na sila Toffi & Kenny at JM & JP.

Pero wag mag-alala, dahil may mga dinagdag ulit si Kuya na bagong housemates para sumaya ulit sa loob ng bahay nya.

Johan, 22
Cutie Server ng QC

Cathy, 22
Charming Babe ng Bohol

Steve, 33
Dad of Steel ng Cagayan de Oro

Hermes, 23
Reluctant Amboy ng Pampanga

Patria, 23
Bibang Probinsyana ng Siquijor

Kath & Jimson,
La Senora at Houseband ng Spain

Rob, 24
Ladies Man ng Austria

Patrick, 32
Charming Banker ng Baguio

Rica, 26
Math Goddess ng Bacolod

Ang unang may mga task ay sina Cathy, Patrick, Rob at Rica. Sina Cathy at Patrick ay magpapanggap na mag-asawa, samantalang si Rob at Rica naman ay magkukunwaring magkasintahan. E dahil itong si Rica ay isang transgender, abangan natin kung mahihirapan sila ni Rob na panindigan ang pag-acting. 🙂

Ang Babae Nga Naman

The past two days ay nakita natin ang unang mga araw ng ating mga bagong housemates sa bahay ni Kuya.

Kung hindi nyo pa alam, nahahati sa dalawa ang bahay ni Kuya this season (sa ngayon dahil hindi natin alam kung anong binabalak ni Kuya in the coming weeks).

Sa isang bahay
Princess and the boys (Tom, Delio, Paul Jake and  Jason)

Sa kabilang bahay
The girls! (Melissa, Yuri, Carol, Mariel and Yhel)

Mga NPAs (No Permanent Address..hehe)
Double-up housemates Toffi & Kenny at JM & JP
Nahati sa dalawang set ang kambal at nagpapalitan sa 2 bahay ni Kuya

Ang task ng double-up housemates ay magpalipat-lipat sa dalawang bahay sa hudyat ni Kuya. Dapat ay hindi mabuking ng ibang housemates na may palitang nagaganap, na may kakambal sila, at na dalawa ang bahay ni Kuya.

Kaya nga lang…

Kahapon ay unang inutos ni Big Brother na magpalit na sila Kenny at JP (na nasa bahay kasama ng boys), at sila Toffi at JM (kasama ng girls). Pagpasok na pagpasok pa lang nila Kenny at JP para magpanggap na sina Toffi at JM ay nakahalata na kaagad ang girls. Hindi pa man nakalipas ang ilang minuto ay naisa-isa na ng mga girls ang mga pagbabagong napansin nila sa mga bagong pasok. Si Melissa nga, ultimo laki ng pwet, kulay ng brief at pagsintas sa sapatos ay pinansin. Ang mga babae nga naman, super keen sa details, at napaghahalatang magaling mag-observe (especially sa boys). Tuloy-tuloy pa sila sa panghuhula hanggang kinabukasan. Nahulaan pa nga ni Carol na dalawa ang bahay ni Big Brother nang hindi nya nalalaman e.

Buti na lang at binigyan ni Big Brother ng isa pang pagkakataon ang mga kambal. Tuloy ang kanilang task pero hindi dapat sila mabuking ni Princess at ng mga boys sa kabilang bahay.

Pero ano ito, may malaking problema si JP! Hindi pala inaprubahan ang kanyang leave application at kinakailangang mamili kung mananatili sa loob ng bahay ni Kuya o mage-exit para magreport sa trabaho. Naiyak na nga sya dahil alam nya na mahalaga ang experience sa loob ng bahay ni Kuya para sa kanila ng kambal na si JM, pero kailangan nya ang kanyang trabaho upang itaguyod ang kanyang pamilya. Paano na kaya? Kapag lumabas sya ay madadamay ba ang kapatid na si JM at mapapa-alis din ng di oras sa Pinoy Big Brother house? Abangan natin mamaya.