Housemate Paco Interesado kay Divine?

Kagabi may clip na pinalabas sa Big Brother kung saan kinakausap ni Paco Evangelista (Ang Hopeless Romantic ng Gensan) si Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland-Smith.

Alam naman nating lahat na tibo si Divine. Pero in fairness, malakas ang dating ng half-British lesbian. Tinanong  ni Paco kagabi si Divine kung anong klaseng lesbian sya. (May iba-ibang klase ba?) Natanong din ni Paco kung may chance ba ever si Divine na maging “girl” ulit in the future. Sa confession room, nagsabi si Paco kay Big Brother na “interesting” si Divine. Ehem, ehem, ehem, ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Paco? Hindi ba nya alam na medyo near “hopeless” ang pagporma kay Divine? Si Divine na rin kasi ang nagsabi kay Kuya na mga 7 years old pa lang sya nang maramdaman nyang she’s “different”. Isa pa, nagkarelasyon na sya dati sa isang lalaki that lasted 8 months. Ito ang nagbigay ng affirmation sa kanya na hindi boys ang gusto nya. :p May girlfriend din ang tattoo artist na si Divine sa labas ng bahay.


Let’s see if Paco will continue to show interest in Divine. Or baka curious lang talaga sya diba? Ganyan naman talaga pag nagsisimula ang Big Brother. Nakikiramdam pa ang mga housemates, at hindi naiiwasan na maging interested sa isa’t-isa lalo’t nagkakakilanlan pa lang sila. 🙂

Language Barriers sa Loob ng PBB House

Sanay na tayo sa mga PBB housemates na may foreign blood, sa katunayan, ang isa sa mga sikat na PBB alumnus ngayon na si Ryan Bang, ay purong Koryano at walang halong Pinoy blood. Sabagay, sanay naman tayong mga Pinoy sa mga foreigners at sa mga kababayang may foreigner na magulang.

Ang Pinoy Anime ng Japan na si Seichang Ushimi, ay housemate na tubong Japan. Bagamat ilang beses na siyang nagbakasyon dito sa Pilipinas dahil sa inang taga-Davao, hindi pa rin bihasa si Seichang sa Tagalog at ganon din sa Ingles. Sa iilang araw pa lang na itinatakbo ng Pinoy Big Brother Unlimited, makikita nating minsang tahimik si Seichang. Marahil na nga ay dahil sa hirap itong umintindi at hirap din na magsimula ng conversation sa ibang housemates, lalo sa ilang hindi rin marunong mag-ingles. Isa pang housemate, Ang Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland, ay hindi rin magaling mag-Tagalog. Pero dahil magaling naman sya mag-ingles at may mga iba pang Bisaya na kasama sa bahay, ay mas madadalian syang mag-adjust kaysa kay Seichang.

Hindi naman ito bago. Katunayan, isa ring half-pinoy, half-japanese ang minsan nang pumasok sa parehong bahay. Si Jun Hirano ay naging contestant sa Pinoy Dream Academy Season 1. Napilitan mag-drop out si Jun sa PDA dahil sa nahirapan itong mag-adjust dahil sa language barrier, na naging dahilan ng kanyang pagiging homesick at malungkot sa loob ng Academy.

Sabagay, kahit naman limitasyon ang language barriers na ito, maparaan naman ang tao. I’m sure kahit papaano ay makakahanap sila ng paraan para makapag-usap usap gamit ang ibang paraan tulad ng sign language. Or anong malay natin, magbigay ulit si Big Brother ng task para turuan kahit kaunti si Seichang ng Tagalog. Kaya abangan na lang natin ang updates kay Seichang, na kitang-kita sa isang video na excited at masayang-masaya nang malamang isa sya sa official housemates ng Pinoy Big Brother Unlimited. Sabagay, mukha naman syang masayahin at game na game. Ang strategy nya? Just smile and make chika chika! 🙂

Good luck Seichang, sana hindi ka naman ma-lost in translation at magtagal sa bahay ni Kuya. Banzai! 🙂

Pinoy Big Brother Unlimited, Nagsimula Na!

Pagkatapos ng halos isang taon na pahinga, muli na namang binuksan ang paboritong bahay ni Kuya — ang Pinoy Big Brother house. Malamang ang matagal na pagtigil sa ere ng PBB ay tama rin para hindi naman magsawa masyado ang mga tao. At tama naman ang move, dahil sa tagal ng paghihintay ay excited na muli ang mga Pinoy na subaybayan ulit ang kanilang favorite reality show sa ABS-CBN.

Nagsimula ang PBB  Season 4 noong Sabado, October 29, 2011 sa Pinoy Big Brother Big Fiesta.  Tulad ng ibang season, isa-isang pinakilala ang mga bagong housemates bago sila pinapasok sa bahay. Ito ang unang 13 na official housemates na pumasok sa bahay ni Kuya:

Jahziel ‘Jaz’ Mangabat, 24 (Ang Sensual Siren ng QC)
Jan ‘Slater‘ Young, 23 (Ang Hotshot Engineer ng Cebu)
Marnill ‘Kigoy‘ Abarico, 32 (Ang Bay Diskarte ng Ormoc)
Anna Christine ‘Tin’ Patrimonio, 19 (Ang Captain’s Daughter ng QC)
‘Roy‘ Marcelo Gamboa, 32 (Ang Sales Lakay ng Pangasinan)
‘Kevin’ Andrew Fowler, 18 (Ang Dreamboy ng California)
Luzviminda ‘Luz’ McClinton, 33 (Ang Mom of Steel ng Muntinlupa)
Annielie ‘Pamu’ Pamorada, 19 (Ang Kitikiti Kid ng Batangas)
Philip Joel ‘Paco’ Evangelista, 26 (Ang Hopeless Romantic ng Gensan)’
‘Kim’ de Guzman, 19 (Ang Stunning Sweetheart ng Olongapo)
Joseph Emil ‘Biggel’, 19 (Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque)
Seiichi ‘Seichang’ Ushimi, 22 (Ang Pinoy Anime ng Japan)
‘Divine’ Maitland-Smith, 20 (Ang Darling Dude ng Cebu)

Dubbed as Pinoy Big Brother Unlimited, this PBB is one of the biggest seasons. Sa nag-audition palang na-break na nila ng record with 30,000 hopefuls na gustong makapasok sa bahay ni Kuya. Unlimited din ang twists na hinanda para sa season na ito. Una na nga rito ay ang pasabog na bukod sa 13 official housemates, ay may 30 reserved housemates na maaring magkaroon ng pagkakataon na pumasok at maging official housemate ni Kuya! Ngunit hindi ito magiging madali dahil para na rin silang susuot sa butas ng karayom sa  mga task na kailangan nilang ipasa para maging official housemate.

Ipinakita na rin ang 30 reserved housemates noong Sabado at binunot sa tambyolo ang number ng lucky housemate na unang papasok at susubukin sa loob PBB house. Ito ay si Carlo Romero, 25, from Chicago. Magiging mole sya ni Kuya sa loob ng isang linggo at bibigyan ng 4 na imposibleng task. Kapag successful sya ay pwede na syang maiwan sa loob ng bahay bilang official housemate. 🙂

So nagsimula na ang buhay ng ating 14 housemates sa loob ng bahay. Subaybayan na lang natin kung paano ang magiging takbo ng buhay nila sa loob. May early favorites na ba kayo? Exciting! 🙂