Teen Missions Part 1

Haha! Hilarious! 🙂

Watching PBB Teen Edition Plus lately has been enjoyable. Lately, Big Brother has been giving the teens secret missions that are mischievous and funny at the same time. One time he requested Robi and Alex to bring Nan (who wasn’t able to join them with an earlier task as he was nursing a bruised eye due to an accident in one of their games) into the secret room and leave him there without his knowledge. At first Robi and Alex were guilty, but they instantly felt relieved when they saw the discovered Nan, spending time being taken cared of by his mom and his housemates’ guardians.

The guardians were also given their own task. They had to teach Nan some nursery rhymes so he could go back to where the teen housemates were. They taught him I’m a Little Teapot, Old Mcdonald and Eensy Weensy Spider, all with accompanying hand gestures and actions. They were unsuccesful according to Kuya, but it was fun watching the guardians sing and act with Nan.

FUNNY TIDBIT: Someone asked what ‘eensy’ meant and Alex’s mom said, “eensy, one inch!” =P

Pong Pong Galapong Alex

I like Alex!

Even if he is part-Italian who was raised in Italy, it is evident that Alex Anselmuccio is proud of his Filipino roots. I’m not just talking about him being circumsized while inside the PBB house just to feel that he is a “Filipino binata”, but the way he embraces his identity and certain cultures that come with being Filipino is truly remarkable.

Kudos to his parents who made him value his identity. It was so heartwarming to see him so ecstatic when his mom, Minda, went to their room the other day to give him a “pong pong galapong”. Apparently, his mom does this with him every night before he goes to sleep in Italy. And until now, he misses and enjoys it like a little boy would. And, not to mention, all the other housemates enjoyed it too!

He was certainly raised well. I hope he stays long in the house to show people more of what he really is.

Parang maraming hindi natutuwa dito kay Jieriel

Hindi ko gusto yung girl na short hair at paos. That was what my sister said when she saw Saturday’s episode of PBB teen edtion plus. Siyempre I know na she was talking about Jieriel. She seems to have this something na hindi ganun ka-likable. Pero hindi naman talaga fond ang ate ko sa mga kikay na tao. Pero parang from the other comments of other people, parang ayaw din nila itong si Jieriel. I can’t really pin point it. Maybe it’s her palaban and vocal personality. She was even advocating during her graduation speech to be vocal. Kayo? Ano ba yung meron si Jieriel kung bakit parang ayaw siya ng ibang tao?

Ejay and his secret

Kaya naman pala kakaiba ang itsura nitong si Ejay. May halong foreign blood din pala siya. At siyempre hindi pala ito alam ng kanyang kinikilalang ama. Sinabihan yata siya ng kanyang mga tita (mga kapatid ng kanyang nanay) na hindi talaga si Mang Erning ang kanyang ama. Isa daw itong French. Sa una ay ayaw makaharap nitong si Ejay ang kanyang ama. Ang hirap din naman kasing sabihin ang ganung bagay. Natrual na masasaktan ito pero kapag nagawa naman niya ito ay magiging malaya na siya sa kanyang sikreto. Ako rin ay naawa sa ama ni Ejay. It isn’t fair. Sa bagay, ganun naman talaga ang buhay. Ang nasabi na nga lang ng ama ni Ejay pagkatapos sabihin ni Ejay ang kanyang tinatago ay ‘Niloko pala ako ng nanay mo.’ Nakakawa naman talaga. Buti na lang at reassuring naman itong si Ejay sa kanyang ama. I’m sure natutuwa pa rin itong si Mang Erning na si Ejay ang kanyang naging anak kahit may ganitong mga rebelasyon. Dahil nasabi na ang sikretong ito, parang nabunutan na ng tinik itong si Ejay. Good for him. Hopefully nothing changes in their relationship.

Teen Edition Plus Revealed: Guardians Inside the PBB House

Noong Sabado ay ni-reveal na ang PLUS sa PBB Teen Edition season 2 ng naturang show. Ang PLUS pala sa Teen Edition Plus ay ang pagpasok ng mga magulang o guardians ng mga napiling teen housemates.

Dahil 14 ang teen housemates, 14 din ang mga guardians na pumasok. Dose sa mga ito ay mga magulang ng teen housemates, ang isa ay kamag-anak at ang isa naman ay tinuturing ng kapamilya. Ang mga pumasok na mga guardians ay sina :
* Boy (Robi’s father)
* Anna (Josef’s aunt)
* Ningning (Linda’s mother)
* Gerry (Jieriel’s stepfather)
* Carina (Beauty’s mother)
* Rose (Rona’s mother)
* Sandy (Nicole’s mother)
* Ike (Jolas’s father)
* My Love (Nan’s mother)
* Erning (Ejay’s father)
* Violy (a friend of Valerie’s mother whom Valerie calls her “second mother”)
* Jinky (Priscilla’s mother)
* Minda (Alex’s mother)
* John (Kevin’s father)

Ano naman ang papel ng Guardians sa loob ng bahay ni Kuya? Makakatulong ang pagpasok ng mga Guardians para mas lalong makilala ng mga tao ang mga teen housemates. Nandoon sila para bantayan ang kanilang mga anak, malamang. Ang mga Guardians ay mananatili lamang pansamantala sa loob ng bahay ni Kuya. Posible sigurong umalis na sila agad doon bago hirangin ang Big Four. Kung sakaling sa kanilang pagtira sa PBB house ay naisip ng kanilang anak na magvoluntary exit o ang kanilang anak ay ma-forced evict, aalis na rin ang Guardian ng Housemate. Kung ang mismong Guardian naman ang nagvoluntary exit o na forced evict, damay ang kanilang anak.

Ano kaya ang mangyayari sa loob ng bahay ni Kuya ngayong andon na mga Guardians? Mag-away din kaya ang mga Guardians kung mag-away ang kanilang mga anak. Sino kaya ang unang Guardian at Teen Housemate na maeevict? Abangan.

Alex, “magpapabinyag” sa bahay ni Kuya?

Nitong nakaraang linggo ay nalaman nga natin na ang isa sa mga PBB Teen Edition Plus housemates ay hindi pa “binyagan”, ang Italian Valentino ng Milan na si Alex Anselmuccio. Dahil sa pagkakalaki ni Alex sa Italy, hindi pa siya nakakapagpa-circumsised dahil hindi daw ito uso sa kanila. Nang malaman ni Kuya ang balitang ito, tinanong niya si Alex kung gusto ba nitong magpatuli. Binigyan niya ng pagkakataon si Alex upang pagisipan ang naturang bagay dahil hindi nga naman madali ang pagpapatuli. Nagkaroon pa ng diskusyon ang mga boys ukol dito para maliwanagan si Alex at para malaman niya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kapag kanya itong ginawa.

Pagkatapos ng mahabang pag-iisip ay nakapagdesisyon na si Alex na magpatuli. Pinakausap pa si Alex sa isang doktor upang kanyang malaman na walang medical reason ang isang pagpapatuli. Kahit narinig at nalaman niya ang rason na ito ay desidido pa rin si Alex na gawin ito. Sabi niya, parte ito ng kanyang pagiging Pilipino. Noong 18 years old daw ang kanyang mga nakakatandang kapatid na lalaki ay nagpunta sila dito sa Pilipinas upang magpatuli. Ngayong 18 na rin siya, tingin niya ay ito na ang tamang panahon para magpatuli.

Dahil sa pangyayaring ito sa loob ng bahay ni Kuya, magkakaroon ng libreng circumcision sa bahay ni Kuya sa Miyerkules – April 2. Iniimbitahan ang mga lalaking mula 12 -18 years old. Ang mapapaunlakan lamang ay ang mga napiling unang 100. 100 nga ba?

Tuluyan na kayang “mabibinyagan” ang Italian Valentino sa loob ng bahay ni Kuya? History in the making!

Atenean teen housemate Robi mabenta sa girl housemates

Pinakita kagabi ang usapan ng mga girl housemates sa living room. Nakakatawa talaga ang mga tpoics pag teens ang nag-uusap. I mean parang hindi mawawala ang topic na crush. Haha. Parang nagsimula kasi yung isa sa mga girls discussing na most of them don’t have boyfriends. Parang si Jieriel lang yata yung merong BF at the moment. Since ito yung usapan, naisip nila kung sino naman sa mga boys ang may girlfirends. Tinatanong ni Beuaty sa mga girls if they think may gf si Robi. Ayun, inasar tuloy siya na may crush kay Robi. Haha. Pero umamin naman itong si Beauty in a way. Hindi naman daw crush, she just finds him cute. Hmm… Nag-agree naman ang mga girls that they also find Robi cute. Ang swerte naman nitong si Robi, sabi nga nila Ejay at Nan the other night na walang patapon sa mga girl na kasama nila, lahat daw ay pwede. Hmm… I guess halos pare-pareho ng taste ang mga girl housemates. Type nila ang chinito. So Robi, kung nalaman mo ba ang info na ito, may ipu-pursue ka ba sa mga fellow housemates mo? This early may naisip na ba kayong loveteams inside the Pinoy Big Brother House? I guess after this stint sa PBB house hindi na matatakot mabasted itong si Robi.

My take on Valerie, Priscilla, and Beauty

Kahit hindi mukhang Pilipino itong Dazzling Doll from Germany, nakakakanta pala ito ng Tagalog songs. Napakita kagabi ang pagkanta ni Valerie ng Bakit Pa ni Jessa Zaragosa. Binigyan kasi ng task itong si Priscilla na magpaturong kumanta kay Valerie. Napagalaman kasi ni Big Bro na kumakanta pala itong si Valerie ng Tagalog. Sa bagay titignan mo nga itong si Valerie, blonde and all, at kumakanta ng Tagalog, kakaiba diba. Pagkatapos magpaturo ay nag-present na itong sina Valerie at Priscilla ng kanilang song number. I guess exercise ito para kay Priscilla on communicating. Naging matagumpay naman sila. Isa pang task na pinagawa kay Prisicilla para sa kanyang communication skills ay magturo ng lip reading. Pinili ni Big Brother si Beauty para turuan ni Priscilla. Mukhang natututo naman itong si Beauty. Sa episode kagabi parang I realized na ok din naman pala itong si Beauty. Akala ko kasi parang masyadong bossy. I guess leader type kasi siya pero last night parang ok naman siya lalao na nung medyo worried siya dahil akala niya siya yung nag-violate. She may come of strong pero when she’s wrong she humbles herself which I think is very good. Kayo what do you think about these three housemates: Beauty, Prscilla, and Valerie? Ok ba sila so far?

Koko sa paa. Ano daw?

Koko sa paa. Haha. Nakakatawa talaga itong si Alex. Ayan kasi nagviolate ng hoserule dahil bumulong, napilitan tuloy magmemorize ng 1000 Filipino words. Kawawa naman. First day pa lang ng teen housemates ay meron ng paglabag sa houserules na naganap. Hmm.. Interesting.

Kasama din sa punishment ang isa pang gumawa ng violation na si Josef. Pareho din siya ng violation kay Alex kaya ayun. Ang punishment nila ay isigaw lahat ng kanilang sasabihin. Upang matangal ang punishment, kailangan nilang magmemorize ng Foreign words. Si Alex 1000 Pinoy words at si Josef naman kailangan magmemorize ng 500 Italian words at 500 Spanish words. Pahirapan na talaga ito! Punishment kung punishment. Makaya naman kaya nila ito? Kagabi nga nakaka-300 plus pa lang itong si Alex. Malamang maubos na niya ang lahat ng parte sa katawan ay hindi pa rin siya maka 1000 words. Sa gitna nga ng pagbikas ng 300 plus words na ito ay nagkabistuhan pa tuloy. Napaamin itong si ALex na hindi pa siya tuli. Hindi daw kasi uso ito sa Italy. Nag-violate kasi ng houserules, ayan tuloy nalaman ng buong mundo na supot ka pa. GO Alex. Hehe.

Robi and Josef: Best buddies forever

Maganda konsepto ng task ang pinagawa sa housemates #13 and #14. Isang Lasalista at isang Atenista na pagpapangaping mag best friends. Makaya kaya nila itong gawin ng hindi nahuhuli? Malaki ang nakataya sa task na ito. Buong budget for next week ang maaring mawala kung sakaling kahit isa lamang sa mga housemates ang magduda sa katotohanan na magbestfriends nga itong sila Robi at Josef. Lalaking version nila Paris Hilton at Nicole Ritchie bago sila magaway? O puwede ring Marc and Rovilson of The Amazing Race Asia 2. Mukhang pinangangatawanan naman nila ang kanilang task so far. Kaya lang hindi pa masyadong convincing ang kanilang dance number na Quit Playing games with my heart. Hindi convincing dahil hindi pa ayos ang kanilang dance moves pero convincing na rin dahil kahit na ang baduy ng kantang ito they seem to be proud presenting it. Well, they don’t have a choice but at least they don’t cringe each time the song plays. One more thing, parang masyado nilang sinasabi na best friends sila. Baka mahuli sila kakasabi nun. I mean, don’t say it… just show it! Diba? Good luck na lang sa kanila. Hopefully they make their schools proud.

Ooops, bago ko tapusin ang enty na ito, natatawa pala ako sa pang-aasar nitong si Linda sa dalawa. Sabi ni Linda: Mag bf kayo? Haha… Hmm… So Linda? Tunay bang pang-aasar yan o may type ka lang sa isa sa kanila? Sino? Hehe…