Sa linggong ito apat ang nominado for eviction. At dalawa sa kanila ang mapapalayas sa linggong ito. Ang good news nga lamang ay mas masuwerte sila kay Mikki dahil tuwing Sabado na ang eviction at wala ng eviction pag Wednesday. At since napagusapan na rin natin itong si teen housemate Mikki, kahit na ang first impression ko kay Mikki ay siya ang magpapagulo sa teen housemates just like Mich Dulce. It turns out ay ok din naman pala itong si Mikki. Sa mga teen housemates nga e si Mikki ang pinakaarticulate. Tanungin mo siya about anything at susubukan niya itong sagutin sa kanyang kakayahan at ng hindi nahihirapan i-express kung anong gusto niyang sabihin. Kaya nga sa lahat ng mga housemates na nainterview ni Asia Agcaoili sa PBB on Studio 23 every Saturday, I think si Mikki yung pinaka-ok na ex housemate na naging guest ever sa show ni Asia.
Anyway balikan natin ang apat na nominated housemates. Obviously pagpasok pa lang ng housemate na si Joaqui ay makikitang manonominate ito agad dahil malakas ang kanyang dating. Kitang-kita naman sa votes na nakuha niya. A total of 13 points ang nakuha niyang dami ng votes. I guess medyo sure na yun na isa siya sa dalawang maaalis on Saturday. I think unpopular siya sa mga viewers din, hintayin na lang natin yung results on Saturday and then we’ll see if ganun nga ang mangyari.
So isa na lang sa mga teen housemates ang dapat mag-alala since sure medyo sure na si Joaqui ang isa sa lalabas? Matira kaya ang dalawang babae? O gumana naman kaya ang hatak ni Fred sa mga girls? Wala pa ako masyadong naririnig about other people’s reaction on Fred or Clare. Ang medyo alam ko lang yung pulso ng iba is regarding Jamilla. Mukhang hindi naman naging sagabal for her ang kanyang pagiging teen-age mom para hangaan ng iba. I think she too has her own set of supporters. Even the ex teen housemates na sina Mikki and Aldred have chosen her to be their bet to win it all. Given this, I guess she will be spared from eviction on Saturday. So it’s a battle between Clare and Fred. Ok naman si Fred sa mga ginagawa niya sa loob ng bahay. I guess siya yung pinakamasipag sa paglilinis. As for Clare naman, ok din naman siya. I guess wala naman siyang nagiging kaaway inside the house. Hindi naman siya maarte at may ambisyon din naman siya. Clare adds a different flavor to the mix of teen housemates. I think ok naman yung title niya na Barrio lass from Bukidnon. And from her actions and her ways inside the house ok din. Native na native ang dating. I hope she gets enough recognition kasi she too has her own style and I think iba ang maturity level niya. Kung ako ang papipiliin si Clare na lang sana ang magstay. I guess marami pa siyang puwedeng ipakita. Actualy mahirap pumili sa kanilang tatlo kung sino ang dapat maalis. They all have their unique abilities and add-ons inside the house. May the two most deserving teen housemates stay.