Bed assignments: ‘Pwede po ba mixed?’

Kagabi sa Pinoy Big Brother Teen edtion prime time, isa sa mga pinagawa ni Big Brother ang mag-assign ng bed assignments para sa mga Teen housemates. Pinapila ni Big Brother ang mga housemates according to age at namili ng randomly mula sa pilang ito. Naatasang mag-assign ng bed assignments para sa girls ang teen perfectionist na Teen housemate na si Fred. Para sa boys naman, ang sosyalerang Assumptionistang si Niña ang siyang nagbigay ng kanilang bed assignments. Wala namang naging problema sa pag-aassign dahil sinundan na lang nila kung ano ang napili na ng mga housemates na kama.

Ang nakatutwa lang sa pangyayaring ito ay nung magtanong ang housemate na si Niña kung puwedeng paghaluin ang bed assignments. Tawang-tawa talaga ako sa tanong na ito. Pero I’m sure hindi natuwa ang mga magulang ng mga housemates. Unang araw pa lang ay marami nang nagsasabi na naiinis sila kay Niña dahil maarte siya. Pero kagabi dahil sa pagtanong niyang iyon, kahit maarte siya parang ok na rin siya. Hehe.

4 thoughts on “Bed assignments: ‘Pwede po ba mixed?’”

  1. nakakairita siya.

    malandi.

    walang nakakatawa sa sinabi nya.

    para na rin nyang sinabi sa buong mundo na
    “oi, gusto ko magtabi sa mga lalake.”

    yuck. nakakahiya siya. maarte. malandi. she’s not pretty. nakukuha lang nya sa make-up. blech!

  2. chimi bondoc .
    who are you to say nina is panget ?
    maybe you need to look at the mirrror first
    ikaw panget dyan no !
    sabihin mo inggit kalang kay nina .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *