Bam and Niña get evicted

Mukhang nagkatotoo ang mga naging initial comments ng mga teen housemates nung bagong pasok pa lamang sila sa loob ng Pinoy Big Brother House. Ang sabi kasi ng girl teen housemates, na kamukha ni Niña si Roxie Barcelo. At dinagdagan pa nila ito na ang Rico for Niña ay si Bam. Tulad ni Roxie and Rico, away bati din ang drama nitong sila Bam at Niña habang nandoon pa sila sa loob ng bahay. At kung natatandaan pa natin from celebrity edtion, magkasunod na lumabas itong sila Rico at Roxie. Rico got evicted while Roxie went out to attend her graduation the day after. Whether inside the Pinoy Big Brother House or sa paglabas ng Bahay ni Kuya, magkasama pa rin itong sila Bam at Niña.

At sa paglabas nitong si Bam ay hindi pa rinnagbabago ang opinyon ko sa kanya. Nakakainis pa rin siya in his own way. I guess hindi mo talaga ma-ple-please ang lahat ng tao. Marami mang natutuwa sa mga ginawa ni Bam sa loob ng bahay, marami pa ring tao tulad ko na may ibang opinyon. Para naman kay Niña, I hope she gets to help her mom even when she goes out of the PBB house. Since siya naman sa mga teen housemates ang may pinaka ‘model’ ang dating, naway makuha siya sa mga commercial o tv shows o iba pang endorsements. I guess hindi naman mahirap yun para sa kanya since maganda naman ang rehistro niya sa tv at sa mga pictures. Makatulong sana siya sa kanya mom para hindi na sila masyado namo-mroblema sa rent or sa kahit na anong financial na bagay. Good luck na lang sa inyo teen housemates. Naway maging maganda ang takbo ng buhay niyo paglabas ninyo sa outside world.

7 thoughts on “Bam and Niña get evicted”

  1. malas ni bam… tingin ko mahirap talaga ma busted kaso mali siya dhil kung ako sa kanya si ??? ano na lang niligawan. mahirap yatang mapa sagot ang maganda na tulad ni nina

  2. i don’t like bam, too… nakakainis kasi siya. I don’t like his personality… PASAWAY talaga siya… hindi na niya nirespeto si big bro.. He had made things hard for both niña and fred pa… Tuloy, sawi si papa fred… Nakakainis ka bam… sana hindi ka nalang naging housemate. you have made a bad image tuloy against yourself….

  3. Buti nga at na-evict kaagad si Bam,kasi nakakainis panoorin inside BIG BRO. house…sana sya nalang ang na-evict mag isa kasi kawawa si Hunkie Fred ko,sya talaga ang gusto ko for nina….nabitin tuloy ako sa romance nila,.Hay sana ngayong nasa labas na silang pareho,ipagpatuloy parin nila ang nasimulan nilang closeness and they must get to know each other more deeper diba??i love them,,goodluck sa inyo Perfectionist hunk and sossy girl….

  4. Pingback: High Class Escorts
  5. Pingback: Escort

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *