PBB responds to negative email

Just as I have said, sasagutin ng ABS ang mga akusasyon sa lalong madaling panahon. Naganap na ito kagabi. Sinabi nga ni Tony Gonzaga kagabi na may kumakalat na e-mail na naninira s aPBB. Oo nga tama na hindi dapat basta maniniwala sa mga kung anu-anong kumakalat. Naging simple ang sagot nila. Nagpalabas sila ng footage ng audition ng mga housemates na sila Cass, Uma, at Sam. Ang tanong, was I satisfied by their answer? Both yes and no ang sagot ko diyan. Yes kasi napapasinungalingan nito ang isa sa mga nakasaad sa e-mail na hindi nag-audition ang tatlong housemates na nabanggit. And they showed hard evidence to prove it. May part nga lang sa video ni Sam na nagpagulo sa isip ko. In Sam’s final interview, he mentioned that he would be the youngest housemate. He already knew the composition of the housemates during the final audition? Kayo, sa palagay niyo? Yun yung nakapagpa-no dun sa answer ko. Aside from that the other accusations were not answered.

Sana sagutin din nila yung ibang accusations. Pero they could see it as a waste of time. They have better use for their time than to answer such nonsense. Ewan ko ba.

Cass want out

In one of her confessions to Big Brother, Cass has expressed her intnentions of leaving the house. She says she is bothered by her dreams. napanaginipan niya yata yung brother niya. Oh well, it’s not surprising for her to feel homesick. She’s been 50+ days without contact from the outside world. At isa pa, nagkasakit siya recently. Parang ilang beses ko nang nababalitaan na nagkasakit si Cass. The activitites inside the house could have taken its toll on her. Recently, Cass felt sick during her taong grasa task. Tatlong araw yata siyang hindi naligo or something. Namaho kaya siya? What did the housemates feel about her during that time?

If Cass would push through with this., pwede ko tong lagyan ng conspiracy theory. Since may lumabas na e-mail about Cass, Uma, and Sam being the favorites of the producers of PBB, having Cass out would somehow difuse the efforts of the detractors since mawawala si Cass. If she was the favorite, why would she leave then. Conspiracy theory lamang. Kayo? What do you think. Magutom kaya ang mga housemates kung lumabas sa bahay ang seksing kusinera?

More housemates sacrifice for their good deed

Franzen had his head shaved. He did this to give a gift for Jason’s kid and to help streets kids as well. The other housemates will have their time to sacrifice too. It seems na etong week na ito na yung panahon for the other housemates to sacrifice. First in line is Chx. Ang task niya ay tumayong katulong ng mga housemates sa loob ng dalawang araw. Siyempre, kumpleto dapat ang challenge for Chx. As we have seen, may matching costume pa. And at the end of the day, pati sa pagtulog, katulong pa rin siya since ginawang maid’s quarters ang storage room. Umabot nga to a point na naiyak na lang si Chx. Marahil ito ay dahil sa pagod o dahil sa awa sa sarili.

Siyempre for Uma ang sacrifice had to involve cigarrettes. No yosi for him for two days. I thougth he would have a harder time than he did pero mukhang ok naman siya sa episode last night. Si Cass naman dapat papangitin for her sacrifice. I really don’t think na sacrifice yung gagawin niyang iyun. Anong mahirap sa pagbibihis at pag-aayos ng pangit? Siguro may kasama pa itong ibang challenge aside from looking the part. Baka she also has to act and behave like one for two days? Makikita natin mamaya.

Live pala ang episode tonight (19 Oct 2005). Eto yung sinabi nila last night para daw masaksihan natin yung sacrifice ni Jason na magpagupit ng mohawk. Babagay kaya sa kanya? But I’m sure Jason could pull it of kasi cool naman siya. Though parang outrageous yung mga sacrifices na ginagawa ng mga housemates, I guess ok lang din for them to do that kasi they know na what they’re doing is for a good cause.

According to my unofficial count sila Say, Jenny, at Nene na lang ang hindi pa nagsasakripisyo. If ever mali ako, post niyo na lang what they did for their sacrifice.

Matinding intriga laban sa Pinoy Big Brother

Sa mga susunod na araw, inaasahan kong mababasa ng mga fans ng Pinoy Big Brother ang isang e-mail mula sa isang grupong nagngangalang: ‘YOUTH ALLIANCE of the PHILIPPINES’. Tungkol ito sa pagiging fixed ng Pinoy Big Brother dahil pinapaboran daw ng ABS at ng producers ng show ang housemates na sila Cass, Uma, at Sam. Meron daw silang kauukulang ebidensya para dito. Since uso ang CD bilang ebidensya, may audio recording daw sila ng scam na ito. Maganda ito, nagiging parang Garci tapes na ang labanan kung ganun. Hehe.

Pero seriously, ang e-mail na ito ay isang seryosong bagay na sana ay mabigyan ng linaw sa lalong madaling panahon. Bilang fan, nakakabahala ang ganitong pangyayari. Sa ngayon, tinitignan ko ito bilang isang paninira lamang. Malakas nga kasi ang PBB. Halos araw-araw ay napapag-usapan ang kaganapan dito. Abanagan na lang natin kung ano ang gagawin ng ABS laban sa paninirang ito.

For the latest happenings, updates, and opinion on Pinoy Big Brother. Continue to visit pbb.rebelpixel.com.

Pinoy Big Brother fixed?

Totoo ba ito? Read on.
Eto yung laman ng e-mail na kumakalat na nagsasabing fixed ang Pinoy Big Brother.

Sa lahat ng mga kapwa naming kabataan na tumatangkilik sa PINOY BIG BROTHER, isa sa pinakamagandang programa ng ABS-CBN,

Did you know that?

Na hindi po nag-audtion sina UMA, CASS at SAM. Sila po ay kilala ng mga malalaking tao sa ABS-CBN at mga pulitiko.

July 14, 2005 (CAFÉ MILANO, Malate Manila)

Ipinatawag ni Ms. Linggit Tan sina UMA at CASS together with Ms. Carol E., Mr. Pablito B. and Director Lawrence Dyogi (The Voice Behind BIG BROTHER).

Ms. Linggit Tan – Are ready Cass? Uma? Handa na ba kayo?

Uma – Yes, Mam,

Cass – Hindi po ba talaga kami matatangal kahit ma nominate kami?

Director Dyogi – As what Ms. Tan said a while ago, If ever na ma nominate kayo, kami na ang bahala. Pero sure na hindi kayo matatangal, kayong dalawa ang maiiwan sa bahay and after that kayo rin ang maghahati sa money, ang risk lang you need to give that 40% of the Total Cash Prize. Yung house and Lot and Car sa inyo na rin yun, who know’s baka madagdagan pa ang prize diba linggit.

Ms. Liggit Tan – Yes we are working for that. Basta do your best, UMA and CASS. Tapos if ever my na force evict sa mga housemate, papasukin naming si SAM. Ok?

UMA and CASS – Yes Mam!!

Ms. Linggit Tan – OK na? here’s the money 10,000.00 para makabalik ka sa Davao, inform your parent about this ok?

CASS – Thank you po!!!

Director Dyogi – CASS, UMA, basta pag nomination na pagpasok niyo sa confession room, nakalista sa likod ng camera kung sino ang i-vo-vote out niyo, kayo na lang ang magbibigay ng rason

——- That is the First Part of the 28 scripted files na na record namin ——-

Know The Fact!!!

Cassandra Ponti – The Former Girlfriend and Lover who use to be the Escort of Congressman F.B. of Iloilo

UMA – Is a model and talent of ABS-CBN and MS. Charo Santos Concio’s Personal Favorite

SAM – is the “pamangkin” of Director Lawrence Dyogi (The Voice Behing BIG BROTHER)

—– SO si BOB, RAQUEL, JB, RICO, NENE, FRANZEN, CHX, SAY at si JAYSON ay pawang mga BIKTIMA ng PINOY BIG BROTHER!!! —-

Tunghayan ang mga susunod na pangyayari sa bahay ni kuya.

Ang lahat na ito ay nai-record naming sa isang CD, na may kasamang larawan (picture) na nagpapatunay na niloloko lang tayo ng ABS-CBN at pamunuan ng BIG BROTHER. Ito po ay ilalabas namin, pagkatapos ng PINOY BIG BROTHER o sa kaukulang panahon.

Paalala – Sa hirap ng BUHAY ngayon, hwag natin sayangin ang 2.50 para lang magpaloko, hwag na po tayong mag-txt o tumawag para bomoto, dahil alam na natin ang katotohanan. Salamat Po!!!

YOUTH ALLIANCE of the PHILIPPINES

Sources (MS. Carol E, Mr. Pablito B and MAY)

Five nominees? What?

Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang sadya ng ABS na gawing lima ang nominado for this coming Saturday’s eviction night. Siyempre the more nominees the more I have to vote lalo na kung nasa limang iyun yung mga housemates na gusto kong iligtas. More nominees, more votes, more money for ABS! In my case, I would have to vote for Franzen and Jason since I want them to stay. At least may pagagamitan na ang load ko kaysa mag-expire ng hindi ko nagagamit. Pero wait lang…. what? Five nominees? Mahahati talaga ang boto ng tao. And with this kind of scenario sa palagay ko mas unpredictable ang puwedeng mangyari. Magback fire kaya ang ploy na ito ng ABS (if this is indeed a ploy)?

Rememberthe first eviction night? Rico had 10% of the votes while Racquel had 11%. At tatlo pa lang silang nominated noon. Ngayon na lima na ang puwedeng mapaalis, I guess the more na magiging closefight ang magaganap sa mga housemates na may pinakakaunting votes.

With Franzen, Sam, Cass, Jason, and Chx slugging it out to reamin inside the house, I guess ang pinaka-safe sa lahat ay si Franzen. He showed before na he could get 70+% of the votes. Though ang kalaban niya kasi noon ay hindi kasing bigatin nila Cass at Jason. Kaya mahirap pa rin talagang hulaan. Ewan ko kung tama ako pero ang feeling ko lang na weakest of all five candidates for eviction is Chx. I don’t know. What do you think?

It’s Jason

At last nalaman na rin nating lahat na si Jason pala ang dadalwin ng surprise visitor. Hindi lang pala si Say ang may kapamilya na nagbirthday last week. Pati pala yung anak ni Jason magce-celebrate din ng birthday. I didn’t know that. Marami na naman ang naiyak dahil sa episode na yun. The best part that I liked about that episode is yung nakaw na halik nung wife ni Jason sa kanyang pinakamamahal na asawa.

Pero sobrang natuwa ako dun sa reaction ni Franzen paglabas ni Jason. Siyempre, best actor si Jason na tungkol lang daw sa lapel kung bakit siya tinawag ni Big Brother. Nakakatawa si Franzen kasi parang alam niya yung nangyari sa loob ng confession room. In his amusing way, hinuhuli niya si Jason kung ano ba talaga yung nangyari. Franzen pointed out na kagagaling pa lang sa pag-iyak ni Jason. Bilib din ako kay Jason, kahit hinuhuli siya ni Franzen he just smiled his way out of the situation. It helped na rin siguro na pinagluto niya yung mga housemates kinabukasan. Buti na lang hindi ako yung nasa kalagayan ni Jason. Mahirap kasi talagang magsinungaling.

Ano naman kaya ang maga mangyayari this week? To date, parang yung last week yung pinaka-eventful na week sa loob ng Big Brother House so far. Opinion ko lang yun. Maybe others would disagree. Tignan natin kung ano pa ang mga mangyayari in the next few days kung magiging kasing kulay, entertaining, at dramatic ang linggong ito sa Bahay ni Kuya.

Entertaining ‘Bahay Militar’ task

I found last night’s episode of PBB very much entertaining. Siyempre from the viewpoint of us viewers, tasks and challenges such as that make an entertaining treat. Pero from the housemates point of view, nakakapagod din yung ganung task. Di rin madali para sa mga hindi sanay sa displina at rigors ng military training ang mga activities like carrying a rifle, standing straight without moving etc. Kaya nga entertaining yung ganitong tasks kasi we get to see the housemates not in their usual ways.

The most entertaining of those tasks are those that test the courage of the housemates. Siyempre, anything that involved the housmates being blindfolded was a joy to watch. This is especially true when the squeamish housemates get their turn in whatever task they have to do. Special mention si Say at si Uma.

I find it amusing na sobrang OA yung reaction ni Uma sa kahit anong task. Tawang-tawa ako sa paghuli niya ng palaka at dun din sa paghampas niya sa board na may pako. Kahit dun sa pag-inom ng ‘laway’ (na eggwhite naman talaga) ang OA pa rin ng reaction ni Uma. Dahil tuloy sa ganitong behavior ni Uma, kahit ayaw ko siyang manalo I think I’d like to see him stay para I could see how he would fare inside the house given other challenges.

Si Say naman nakakatawa kasi kikay talaga at hindi niya gagawin yung mga ganung bagay if given a choice. Gusto ko yung special task ni Say na kukuha siya ng papel sa bowl filled with liquid. Nakatulong sa ang kakulitan gn mag housemates sa pananakot kay Say gamit ang feathers. At least rewarded naman si Say for her efforts dahil mapapadalhan niya yung mom niya ng gift for her birthday. This leas me to think tuloy na puwedeng yung mom ni Say yung dumalaw mamaya for 100 seconds. Pero I guess people would find it unfair kung siya ulit yung tatanggap ng bisita. Abangan na lang natin lahat mamaya.

Bob’s farewell night

Ang drama ng Bob farewell episode. I’m not saying that in a bad way. Ma-drama yung episode in a good way. Nakakiyak nga eh. For sure, marami ang napaiyak sa episode na yun. And kasama ako sa mga taong iyon.

One of the things I waited for was the last moments of Bob and Nene together. I would have wanted to see a kiss pero their long embrace and hugs sufficed. I didn’t need to see a kiss to see how they’ll miss each other and how sad they’ll be without each other’s company. Ganoon din with the other housemates, through their reactions and emotions last night, you would feel na mangungulila sila with another housemate gone . Special mention sa mga housemates na umiiyak si Jason. The last time I heard somebody cry like that was in a funeral. At pag ganung klaseng pag-iyak yung naririnig ko, di ko rin mapigilan yung sarili kong lumuha.

Maulit kaya ang ganitong klaseng episode (na puno ng kalungkutan at emosyon) sa loob ng mga susunod na araw? Sana hindi. I hope bumalik ulit ang saya at sigla sa loob ng bahay in the coming days ahead.

Commander Nene

I’m kinda scared for Nene‘s task for being the commander of the Big Brother Camp. Siyempre, baka kasi magalit sa kanya yung mga housemates with this new task. Iba rin kasi pag leader ka ng isang ‘military organization’. Ako I hated our CAT and ROTC officers while I was in school. Baka ganun di kasi yung makita nila sa kanya. I hope not. Mukahang very patient and considerate naman siya while doing her task.

Ang task kaya na ito ay ploy ng ABS para ma-nominate si Nene? Sana hindi. If yes, I’ll understand kasi I think marami namang boboto for Nene to stay if and when she gets nominated. Abangan na lang natin what happens next.