Feeling na mga Boys ng House B

Hay naku, kagabi pa ako di mapakali. Matagal-tagal na rin akong di nakapagsulat dito sa PBB Updates pero mula nang mapanood ko yung episode kagabi e alam kong dapat kong isulat ang opinyon ko, kung hindi…baka sumabog pa ako :p

Sa simula ng linggo ay pinadalhan ni Big Brother ng bagyo ang mga housemates, ang Bagyong Walay. Hango sa salitang “Hiwalay”, nawalay ang mga magkakalapit na housemates ng dalawang bahay nang pinagpalit ni Big Brother ang mga girl housemates sa magkabilang bahay. Dahil dito, sila Rica, Melay, Cathy at Carol ay lumipat sa House B, habang sina Mariel, Yuri, Kath at Sam naman sa House A.

Syempre nagulat ang lahat sa bagyong dumating. Unang pinarating ni Kuya ang balita sa boys ng House A. Kitang-kitang nabigla ang mga boys, lalong-lalo na si Jason na napatungo sa narinig (dahil siguro natakot syang mahiwalay kay Melay). Dahil dito ay gumawa ng paraan sina Tibo, Paul Jake, Johan at Jason upang mapasaya ang kanilang girl housemates sa mga huling sandali na sila’y magkakasama. Super sweet nga nakakatuwa. ๐Ÿ™‚

Sa kabilang bahay naman ay unang pina-alam ni Kuya sa mga girls ang mangyayaring palitan. Hindi na rin ako nagulat sa medyo-OA na reaksyon ng mga girls. Eto pang si Yuri e may pasaring pa na kung may choice daw sya ay hindi naman sya aalis talaga (E girl, wala ka ngang choice, sorry). Mukhang kinakabahan dahil sabi nila ang boys sa House B ay ย submissive sa kanila, so baka hindi sila maka-ubra sa kanilang pagiging bossing sa mga boys ng House A. At nangyari na nga ang palitan at nawindang ang mga housemates. Nandyan ang mga iyakan at pagka-miss sa mga nawalay na housemates, at ganon din ang ilangan at paninibago sa mga bagong pakikisamahan.

At ayun na nga, habang karamihan sa mga housemates ay nangungulila sa mga nakagisnang mga kasama, E etong mga boys ng House B na sina Patrick, Rob, Rocky, at Hermes ay pinili pang mag-self pity. Kesyo lugi sila dahil mas hot ang girls nila dati. Inis na inis nga ako kay Patrick dahil dati pa man ay nakikitaan ko na ito ng pagka-plastic. Kahit ako si Jimson ay magagalit din ako, dahil obviously may gusto sya kay Mommy Kath at lagi na lang nya gusto maka-score. Lalo pang lumabas ang mga tunay na kulay ng mga boys ng House B nang mag-prepare sila na gumamit ng jacuzzi with their new girl housemates. Akalain nyong i-judge pa si Rica dahil sa kanyang pagiging transgender. Foul talaga ang iba nilang comments. Sana lang ay ma-realize nila na more than physical looks, ang personality at attitude ay sobrang mahalaga. Sana matuto silang makibagay ng maayos, lalo na kapag nakilala pa nilang mabuti ang mga girl housemates ng House A. Ma-realize nila na sa lahat ng palitan, hindi sila ang tunay na lugi kung hindi ang girls talaga ng House A. Dahil ang mga boys ng House B ay losers in attitude.

Opinyon ko lang ha…kayo ba?

First nomination night: An analysis

Ang mga nominated for eviction ay sina Princess and Jason of House A at Jimson and Carol of House B.

Hindi ako nagugulat na mominated si Jimson. Kung ako rin kasi ang nasa loob I would have nominated him. I’m not really sure what about him isn’t likable. Pero he is. Diba? It’s really hard to judge a person who you don’t know pero sometimes there are people na you just don’t like. Jimson seems to be in that category. Hehe. May point din naman ang mga housemates na i-nominate siya since dalawa naman silang mag-asawa ang nasa loob. If may isang maalis, may matitira pa namang isa.

As for the other nominees. Nagulat ako. Carol seems to be a nice girl. I see her as very Bea like (I mean Bea Saw, the winner of PBB Season 2). I guess the housemates see in her na she doesn’t need to win or even stay since she has a good life outside. Tuloy super affected ang siya. Kawawa naman. Medyo naging emotional at hindi matigil sa pagluha itong si Carol dahil nominated siya. The nice ones don’t deserve to be voted out first. She doesn’t deserve to be nominated. I would have wanted Yuri to be nominated. There is something not likable about Yuri. I’m not really sure what it is pero basta. (Just like Jimson hehe.)

So ayun sila Jimson and Carol ang nominated sa House B. Naging madami ang points na nakuha ni Jimson. Si Carol naman not as much. At medyo ibang iba ang resulta na nangyari sa House A. Naging malapit ang bilang ng mga points since parang sabog ang boto ng mga housemates sa House A. May kanya-kanyang issue ang mga housemates sa isa’t-isa at in the end. One or two points lang ang naging difference para ma-nominate sila. If things were different baka nga si Rica pa ang na-nominate. Kapareho lang ng votes ni Rica si Carol of House B. Malas lang ni Carol na house B siya, I would think na she wouldn’t be nominated kung nasa House A siya. There’s really something about House B.

Medyo nagulat ako na nominated si Jason and Princess. Sa mga girl housemates, isa si Princess na gusto ko. Mas marami pang girls sa House B na mas gusto kong matangal kaysa sa kanya. Housemates find her to be a strong personality kaya na-nominate siya. Medyo ma-English din siya kaya ganun. Si Jason naman, na-nominate kasi he doesn’t seem to open himself to most housemates. As an individual, I think ok si Jason bilang housemate. Kaya lang parang feeling nila na hindi masyado nakikisama itong si Jason. May isang time nga na akala nitong sila Rica and Rob na against sa kanila itong si Jason. They thought na nagdududa sa kanila itong si Jason. Nun pala, Jason was thinking of their welfare. Jason wanted to help them with their shower cap punishment. Misunderstood lang siguro itong si Jason. I hope he stays. I’m thinking na siya ang pinaka-maraming text votes na makukuha.

Sa apat na nominado, si Jimson lang ang hindi ko gusto. I think siya ang pinaka-unang maalis. Kayo? Sino sa palagay niyo?

Ang Birthday Kiss ng Boy Astig na si Jason

Ang sarap naman talaga mag-birthday sa loob ng Pinoy Big Brother house. Bukang-bibig ni Jason mula pa nang magsimula ang PBB na crush na crush nya ang dalagang artista na si Maja Salvador. Kaya naman sa kanyang birthday, morning greeting pa lang ang inulan na siya ng paulit-ulit na boses ni Maja na bumabati sa kanyang kaarawan.

“hello Jason, happy happy birthday sa’yo”

Sa sobrang paulit-ulit ng morning greeting nila ay lalo pa tuloy itong pinaulit-ulit ni Kenkay Melay sa kanya. Kulit!

Nang ipatawag ni Kuya si Jason sa confession room, ay bumungad sa kanila ang standee ng ini-idolong aktress. Hindi nya alam na habang inilalabas nya ang loob nya kung gaano nya kagusto si Maja, ay nakikinig pala ang dalaga sa kabilang kwarto.

gustong-gusto kita, crush kita, lahat ng pelikula mo, commercial mo, sayaw mo. Paglabas ko ng bahay liligawan kita…”

Sabay kabig na joke lang daw.

Maya-maya pa ay pinapasok na ni Kuya si Maja sa confession room. Halatang nagulat si Jason pero kasual lang naman na inaya papasok si Maja at nakipagusap kahit na kitang-kita na nahihiyang kinikilig ang binata. Sabi pa nya kay Kuya ay kung pwedeng titigan na lang ang crush. ๐Ÿ™‚

Nakakatuwa nga panoorin si Jason e, kasi kilig na kilig sya. Nang tanungin ni Maja kung anong gusto nyang birthday gift, nanghingi ng kiss si Jason (sabay sabi sa sarili na “kapal ui”). Habang nakapikit ay binigyan sya ni Maja ng kiss sa lips…joke lang. :p Hindi labi kundi mga daliri ni Maja ang humalik sa labi ni Jason, bineso na lang sya kapalit ng kiss. Pero ok lang kasi pinayagan naman siya ni Maja na humalik sa cheeks. ๐Ÿ™‚

Maya-maya pa ay natapos na ang limang minuto na ibinigay ni Kuya para sa pagdalaw ni Maja. Habang nagpapaalam na sila sa isa’t-isa, ay nagbilin si Jason kay Maja na wag syang masyadong magpapahalik sa mga leading man nya.

Ayun, pagbalik ni Jason sa loob ng bahay ay masayang-masaya syang nagkwento sa mga kasama. Inamoy-amoy pa ang kamay nyang amoy pabango ni Maja. Inilusot pa nila sa plastic para daw wag maubos ang amoy.

At para lalo pang maalala ang crush, pinagsaluhan nila para sa kanyang birthday ang Maja Blanca na gawa ng kasamang housemates.

Happy Birthday Jason! You’re one lucky man! ๐Ÿ™‚

Ang Surprise ni Jason from Kuya

Uy ang astiging si Jason may surprise kay Kuya for his birthday. Teaser kanina sa PBB ang kanyang surprise visit mula sa crush na si Maja Salvador. Obvious na kinikilig at masayang-masaya itong si Jason pagkakita sa magandang dalagita na si Maja. At ang wish nya daw para sa birthday nya? Kiss mula sa dalaga. Abangan natin bukas kung natupad ang brthday wish nya na ito. ๐Ÿ™‚