Housemate Paco Interesado kay Divine?
November 1st, 2011 by hana | No Comments | Filed in Daily Update, OpinionKagabi may clip na pinalabas sa Big Brother kung saan kinakausap ni Paco Evangelista (Ang Hopeless Romantic ng Gensan) si Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland-Smith.
Alam naman nating lahat na tibo si Divine. Pero in fairness, malakas ang dating ng half-British lesbian. Tinanong ni Paco kagabi si Divine kung anong klaseng lesbian sya. (May iba-ibang klase ba?) Natanong din ni Paco kung may chance ba ever si Divine na maging “girl” ulit in the future. Sa confession room, nagsabi si Paco kay Big Brother na “interesting” si Divine. Ehem, ehem, ehem, ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Paco? Hindi ba nya alam na medyo near “hopeless” ang pagporma kay Divine? Si Divine na rin kasi ang nagsabi kay Kuya na mga 7 years old pa lang sya nang maramdaman nyang she’s “different”. Isa pa, nagkarelasyon na sya dati sa isang lalaki that lasted 8 months. Ito ang nagbigay ng affirmation sa kanya na hindi boys ang gusto nya. :p May girlfriend din ang tattoo artist na si Divine sa labas ng bahay.
Let’s see if Paco will continue to show interest in Divine. Or baka curious lang talaga sya diba? Ganyan naman talaga pag nagsisimula ang Big Brother. Nakikiramdam pa ang mga housemates, at hindi naiiwasan na maging interested sa isa’t-isa lalo’t nagkakakilanlan pa lang sila.
Tags: divine maitland-smith, housemates, paco evangelista, pbb, pbb unlimited, pinoy big brother, pinoy big brother unlimited
