Home     Survivor Pilipinas     OPM Lyrics     rebelpixel.com
Survivor Philippines

Sino yung Mariel’s friend? Zanjoe ikaw ba yun?

November 5th, 2007 by mike | Filed under Daily Update, Opinion, Rumors.

Kagabi ay pinakita ang special task ni Mariel na magpicture ng mga housemates sa kanilang pinaka hindi glamorosang look at ng housemate na may pinakamaduming paa. Ang mahirap lang sa task na ito ay secret ito at hindi dapat malaman ng mga housemates na kumukuha siya ng litrato. Naging matagumpay naman si Mariel kahit na nung una ay natakot siya na baka makita siya ni Megan. Buti na lang hindi.

At dahil successful siya sa kanyang task binigyan siya ng proze ni Kuya. Ano yung prize? Binigyan siya ng chance to call two people. Ang una niyang tinawagan ay ang kanyang lolo. Binati lang naman ito ni Mariel ng Happy Birthday dahil hindi niya ito nabati noon dahil nga nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.

Ang panagalawang tawag naman ay hindi ipinaalam kung sino. Nag-beep kasi nung binati ni Mariel yung kanyang friend. Parang “Hello, hi habang sinasabi ni Mariel ang panagalan ng kanyang kaibigan.” Ang nasabi lang naman ni Mariel ay namimiss na niya ang kanyang kaibigang ito at palagai niya itong naiisip. Dahil madumi ang aking isip, inisip ko agad na itong Mariel’s friend na ito ay si Zanjoe. Yup, nung isang time na inasar si Mariel ni Kuya bye playing a tape of Zanjoe’s voice saying: Hi, housemates, keep on shining!’ ang sinabi lang naman ni Mariel ay close sila ni Zanjoe at friends sila. So papasa naman si Zanjoe sa description na Mariel’s friend diba? Tapos after ng conversation ay siyempre naiyak at naluha itong si Mariel. It was something like she hasn’t talked to her significant other for quite sometime and tapos nakausap na niya ito ulit.

Siyempre natuwa si Mariel at parang nalungkot din since na-miss niya talaga yung ‘friend’ niyang ito. Kung friend lang ba ito? Bakit ganun ang naging reaction ni Mariel? Ok fine, maybe may super close friend lang si Mariel na ayaw ng publicity. Or maybe since ayaw pang umamin ng dalawa e hindi muna pinangungunahan ng PBB crew kung ano nga ang meron ang dalawa. Tama kaya ako? Sino sa palagay niyo yung tinawagan ni Mariel? Si Zanjoe nga ba ito?

6 Responses to “Sino yung Mariel’s friend? Zanjoe ikaw ba yun?”

  1. 1
    PBBfan Says:

    It’s definitely Zanjoe.

  2. 2
    Bhebhe Says:

    korek .. naniniwala akong c papa zanjoe un .. noh .. for sure un .. sobrang affected kya c mariel

  3. 3
    yao Says:

    but i think mas bagay si mariel kay jon… sayang lang kasi mas gusto niya ata si zanjoe

  4. 4
    raemich Says:

    ang haba talaga ng hair ni mariel…pro mas gusto ko c zanjoe nalang ang kanyang maging bf!!! GANDA NLA tingnan..perfect..luv u mariel.the best ka tlaga!!

  5. 5
    zanriel Says:

    oo nga mas bagay c zanjoe at c mariel oooooh for zanriel or joeriel no super uber bagay.

  6. 6
    zanriel Says:

    di ba matagal na kc cla hindi umaamin sa isat-isa .

Leave a Reply