Sanay na tayo sa mga PBB housemates na may foreign blood, sa katunayan, ang isa sa mga sikat na PBB alumnus ngayon na si Ryan Bang, ay purong Koryano at walang halong Pinoy blood. Sabagay, sanay naman tayong mga Pinoy sa mga foreigners at sa mga kababayang may foreigner na magulang.
Ang Pinoy Anime ng Japan na si Seichang Ushimi, ay housemate na tubong Japan. Bagamat ilang beses na siyang nagbakasyon dito sa Pilipinas dahil sa inang taga-Davao, hindi pa rin bihasa si Seichang sa Tagalog at ganon din sa Ingles. Sa iilang araw pa lang na itinatakbo ng Pinoy Big Brother Unlimited, makikita nating minsang tahimik si Seichang. Marahil na nga ay dahil sa hirap itong umintindi at hirap din na magsimula ng conversation sa ibang housemates, lalo sa ilang hindi rin marunong mag-ingles. Isa pang housemate, Ang Darling Dude ng Cebu na si Divine Maitland, ay hindi rin magaling mag-Tagalog. Pero dahil magaling naman sya mag-ingles at may mga iba pang Bisaya na kasama sa bahay, ay mas madadalian syang mag-adjust kaysa kay Seichang.
Hindi naman ito bago. Katunayan, isa ring half-pinoy, half-japanese ang minsan nang pumasok sa parehong bahay. Si Jun Hirano ay naging contestant sa Pinoy Dream Academy Season 1. Napilitan mag-drop out si Jun sa PDA dahil sa nahirapan itong mag-adjust dahil sa language barrier, na naging dahilan ng kanyang pagiging homesick at malungkot sa loob ng Academy.
Sabagay, kahit naman limitasyon ang language barriers na ito, maparaan naman ang tao. I’m sure kahit papaano ay makakahanap sila ng paraan para makapag-usap usap gamit ang ibang paraan tulad ng sign language. Or anong malay natin, magbigay ulit si Big Brother ng task para turuan kahit kaunti si Seichang ng Tagalog. Kaya abangan na lang natin ang updates kay Seichang, na kitang-kita sa isang video na excited at masayang-masaya nang malamang isa sya sa official housemates ng Pinoy Big Brother Unlimited. Sabagay, mukha naman syang masayahin at game na game. Ang strategy nya? Just smile and make chika chika! 🙂
Good luck Seichang, sana hindi ka naman ma-lost in translation at magtagal sa bahay ni Kuya. Banzai! 🙂