Tin to Kigoy: “Di Naman Pala Sya Nakakatakot”

Sanay na tayo na madalas puro mestizo’t mestiza o ‘di kaya’y magaganda’t gwapo ang napapasok sa PBB house. Karamihan nga sa mga ex-housemates ng Pinoy Big Brother ay sumabak sa pag-aartista, tulad na lang nila Kim Chiu, Gerald Anderson at Sam Milby. Ang iba naman tulad ni Saicy Aguila at Gretchen Malalad ay naging professional dancer at reporter, respectively.

Pero may mga panahon din na personality at kwento sa labas ng bahay ang puhunan para mapiling housemate sa bahay ni Kuya. Kung may maibabahagi kang importante sa mga manonood sa pamamagitan ng buhay mo. Sa tingin ko isa na nga rito si Kigoy Abarico, ang Bay Diskarte ng Ormoc.

Ano ba kamong diskarte? Inamin ni Kigoy kay Kuya at sa ibang housemates na minsan na syang nagsisisid ng piso sa dagat, nag-takatak boy at naging snatcher pa. Sa galing nyang dumiskarte, hindi pa sya nakulong kahit minsan. Dala na rin siguro ng hirap at pangangailangan kaya naligaw ng landas si Kigoy. Inamin nya rin sa kasamang si Biggel, na minsan ginagawa nya ang mga ito para magka-pera at nang mapunan ang mga pagkukulang ng kanyang mga magulang. Pero ilang beses nya ring sinusubukan na magbagong buhay at ngayon nga’y nasa loob ng bahay dahil naghahangad syang magbago at makita ang ibang mga kapatid sa ina na nawalay sa kanya.

Nasabi nga ni housemate Tin Patrimonio, nang tanungin sya ni Kuya sa kanyang opinyon kay Kigoy, “‘di naman pala sya nakakatakot”.

Marahil marami din tayong mga kababayan na kapos sa buhay na madalas nating i-judge sa kung ano ang itsura nila or kung saan sila nakatira. Pero kung mabibigyan lang siguro lahat ng pagkakataon magbago at ipakita ang tunay nilang mga sarili, ay malamang masasabi rin natin, “‘di naman pala sila nakakatakot”


Ano pa ba ang ibang lessons at realizations na nakukuha nyo from watching Pinoy Big Brother Unlimited?

Pinoy Big Brother Unlimited, Nagsimula Na!

Pagkatapos ng halos isang taon na pahinga, muli na namang binuksan ang paboritong bahay ni Kuya — ang Pinoy Big Brother house. Malamang ang matagal na pagtigil sa ere ng PBB ay tama rin para hindi naman magsawa masyado ang mga tao. At tama naman ang move, dahil sa tagal ng paghihintay ay excited na muli ang mga Pinoy na subaybayan ulit ang kanilang favorite reality show sa ABS-CBN.

Nagsimula ang PBB  Season 4 noong Sabado, October 29, 2011 sa Pinoy Big Brother Big Fiesta.  Tulad ng ibang season, isa-isang pinakilala ang mga bagong housemates bago sila pinapasok sa bahay. Ito ang unang 13 na official housemates na pumasok sa bahay ni Kuya:

Jahziel ‘Jaz’ Mangabat, 24 (Ang Sensual Siren ng QC)
Jan ‘Slater‘ Young, 23 (Ang Hotshot Engineer ng Cebu)
Marnill ‘Kigoy‘ Abarico, 32 (Ang Bay Diskarte ng Ormoc)
Anna Christine ‘Tin’ Patrimonio, 19 (Ang Captain’s Daughter ng QC)
‘Roy‘ Marcelo Gamboa, 32 (Ang Sales Lakay ng Pangasinan)
‘Kevin’ Andrew Fowler, 18 (Ang Dreamboy ng California)
Luzviminda ‘Luz’ McClinton, 33 (Ang Mom of Steel ng Muntinlupa)
Annielie ‘Pamu’ Pamorada, 19 (Ang Kitikiti Kid ng Batangas)
Philip Joel ‘Paco’ Evangelista, 26 (Ang Hopeless Romantic ng Gensan)’
‘Kim’ de Guzman, 19 (Ang Stunning Sweetheart ng Olongapo)
Joseph Emil ‘Biggel’, 19 (Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque)
Seiichi ‘Seichang’ Ushimi, 22 (Ang Pinoy Anime ng Japan)
‘Divine’ Maitland-Smith, 20 (Ang Darling Dude ng Cebu)

Dubbed as Pinoy Big Brother Unlimited, this PBB is one of the biggest seasons. Sa nag-audition palang na-break na nila ng record with 30,000 hopefuls na gustong makapasok sa bahay ni Kuya. Unlimited din ang twists na hinanda para sa season na ito. Una na nga rito ay ang pasabog na bukod sa 13 official housemates, ay may 30 reserved housemates na maaring magkaroon ng pagkakataon na pumasok at maging official housemate ni Kuya! Ngunit hindi ito magiging madali dahil para na rin silang susuot sa butas ng karayom sa  mga task na kailangan nilang ipasa para maging official housemate.

Ipinakita na rin ang 30 reserved housemates noong Sabado at binunot sa tambyolo ang number ng lucky housemate na unang papasok at susubukin sa loob PBB house. Ito ay si Carlo Romero, 25, from Chicago. Magiging mole sya ni Kuya sa loob ng isang linggo at bibigyan ng 4 na imposibleng task. Kapag successful sya ay pwede na syang maiwan sa loob ng bahay bilang official housemate. 🙂

So nagsimula na ang buhay ng ating 14 housemates sa loob ng bahay. Subaybayan na lang natin kung paano ang magiging takbo ng buhay nila sa loob. May early favorites na ba kayo? Exciting! 🙂