Ngayong Gabi sa PBB Celebrity Edition 2

Anu-ano nga ba ang nangyari ngayong gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2?
Marami…

  1. Naglaro ang mga housemates ng isang relay game sa pool. Boy versus Girls. Kailangang magcross dress ng mga housemates, lumoblob sa pool, tumawid, at bumalik sa pinaggalingan, at hubarin ang cross dress na damit at ibigay sa susunod na housemate. Ang unang team na matapos ay magkakamit ng isang Night Out. Nanalo ang mga babae. Siguro dahil gentleman lang talaga ang mga housemates.
  2. Bilang premyo, binigyan ni Kuya ng Girl’s Night Out ang mga babae. Pinagsilihan ng mga guy housemates ang mga girls sa pamamagitan ng isang presentation, at masahe. Tuwang-tuwa ang mga girl housemates sa presentation ng mga guy housemates na parang nag- the Full Monty sa kanilang ginawa. Hindi ko lang alam kung ano ang mas ikinatuwa ng mga girl housemates kung yung presentation ba o yung attire ng mga guy housemates na naka boxers lamang at nakatakip na tuwalya.
  3. Nagkaroon din ng audition para sa magiging newscaster ng Pinoy Big Brother Balita. Ang Pinoy Big Brother Balita ay ginawa upang mabigayan naman ng ideya ang mga housemates kung ano na ang nagyayari sa labas ng bahay. Pero siyempre since game pa rin ito, ang ilan sa mga balita ay kathang isip lamang. Nabahala ang mga housemates sa audition piece na ipinabasa sa kanila dahil tungkol ito sa pagsabog sa Glorietta. Sa audition naman ay nakakatawa talaga ang ilan sa mga housemates tulad nila Riza at lalo na si Will.
  4. Napili para magbalita sina Ethel at Ruben. Ang ilan sa mga binalita nila ay ang pagpasok umano ni Akon sa bahay ni Kuya, ang pag-extend daw ng Big Brother ng 2 linggo which means doon sila magpa-Pasko at Bagong taon sa bahay, ang pagsabi ng isang housemate na user daw ang isang guy housemate dahil lang gusto nitong makahanap ng loveteam, at ang pakikipag-date sa iba ng isang special friend ng isang celebrity housemate (imbento lamang ito pero mukhang super affected itong si Mariel, baka bukas makita natin kung affected nga ba itong si Mariel, Hmmm…. abangan!!! susunod!!!).Nakakatuwa sila Ethel at Ruben dahil meron din silang komentaryo at dialogue pagkatapos nilang basahin ang balita.

May nakalimutan pa ba ako? Comment lang kayo.

Ang nakaraan sa PBB Celebrity Edition 2

Kagabi ay pinalabas sa PBB Primetime ang pagpasok ni Kris Aquino sa Bahay ni Kuya. Pinagluto ni Kris ang mga housemates. Nagustuhan naman ng mga housemates ang hinanda ni Kris para sa kanila. Nakipagkuwentuhan si Kris sa mga housemates at siyempre Kris was at her usual self. Tinanong nga ni Kris kung ganun ba talaga palagi si Celebrity housemate/beauty queen Riza since napansin niya ang poise nito.

Ibinalita din ni Kris sa mga housemates na may mga regalong naghihintay sa mga celebrity housemates na kanila namang kinuha. Nakakuha naman halos lahat ng housemates ng mga regalo puwera lang si English outcast Jon Avila. Hindi rin naman pinakita lahat ng housemates habang binuksan nila isa-isa ang kanilang mga natanggap. Pili lamang ang pinakita kagabi malamang dahil sa time constraints. Ang mga naalala ko lang ay ang gift kay Yayo na face powder na galing sa kanyang derma, ang sulat para kay Ruben, isang sulat din para kay Ethel, at isang kopya ng magazine na cover ang ex-girlfriend ni Will Devaughn. Pagkatapos nito ay iniwan na ni Kris ang mga housemates upang pumunta sa confession room.

Pinakaba ni Kuya si Kris dahil na rin sa nakalagay na maleta sa loob ng confession room. Inaasar din kasi ng mga housemates si Kris na hindi na ito makakalabas. Tinanong si Kris kung Deal or No deal at ang sagot niya ay No deal. Buti na lang joke joke lang yun. Kasi malamang na magalit yun pag hindi na siya pinalabas sa bahay. Si Kris Aquino yata yun, she could easily pull a lot of strings or just by her sheer will lagot si Kuya pag nagalit si Kris.

Sino yung Mariel’s friend? Zanjoe ikaw ba yun?

Kagabi ay pinakita ang special task ni Mariel na magpicture ng mga housemates sa kanilang pinaka hindi glamorosang look at ng housemate na may pinakamaduming paa. Ang mahirap lang sa task na ito ay secret ito at hindi dapat malaman ng mga housemates na kumukuha siya ng litrato. Naging matagumpay naman si Mariel kahit na nung una ay natakot siya na baka makita siya ni Megan. Buti na lang hindi.

At dahil successful siya sa kanyang task binigyan siya ng proze ni Kuya. Ano yung prize? Binigyan siya ng chance to call two people. Ang una niyang tinawagan ay ang kanyang lolo. Binati lang naman ito ni Mariel ng Happy Birthday dahil hindi niya ito nabati noon dahil nga nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.

Ang panagalawang tawag naman ay hindi ipinaalam kung sino. Nag-beep kasi nung binati ni Mariel yung kanyang friend. Parang “Hello, hi habang sinasabi ni Mariel ang panagalan ng kanyang kaibigan.” Ang nasabi lang naman ni Mariel ay namimiss na niya ang kanyang kaibigang ito at palagai niya itong naiisip. Dahil madumi ang aking isip, inisip ko agad na itong Mariel’s friend na ito ay si Zanjoe. Yup, nung isang time na inasar si Mariel ni Kuya bye playing a tape of Zanjoe’s voice saying: Hi, housemates, keep on shining!’ ang sinabi lang naman ni Mariel ay close sila ni Zanjoe at friends sila. So papasa naman si Zanjoe sa description na Mariel’s friend diba? Tapos after ng conversation ay siyempre naiyak at naluha itong si Mariel. It was something like she hasn’t talked to her significant other for quite sometime and tapos nakausap na niya ito ulit.

Siyempre natuwa si Mariel at parang nalungkot din since na-miss niya talaga yung ‘friend’ niyang ito. Kung friend lang ba ito? Bakit ganun ang naging reaction ni Mariel? Ok fine, maybe may super close friend lang si Mariel na ayaw ng publicity. Or maybe since ayaw pang umamin ng dalawa e hindi muna pinangungunahan ng PBB crew kung ano nga ang meron ang dalawa. Tama kaya ako? Sino sa palagay niyo yung tinawagan ni Mariel? Si Zanjoe nga ba ito?

OA lang ba si Mariel?

Last night, Big Brother gave Mariel a letter with Toni being the messenger of this letter. Sabi ni Big Brother kay Toni, hindi dapat malaman ng ibang housemates ang tungkol sa sulat na iyon. Pati yata sa mga viewers hindi pa pinapaalam kung para saan ang sulat na ‘yun. Kaya lang from Mariel’s reaction, mukhang tungkol yung sulat sa paglabas niya. Hula lang naman yun, yun din naman yung iniisip ni Mariel. Mariel could be wrong, parang ni hindi niya pa nga nabuklat yung sulat. Unless hindi na lang pinakita kagabi… Anyway, kung totoo ngang lalabas na si Mariel, mas matindi pa yung paglabas niya kaysa sa pagpasok niya. Pagpasok niya, I’m gonna die! 2x ang drama niya na understandable naman dahil nga sino ba naman ang hindi magkakaroon ng nervous breakdown kung ikukulong ka sa isang bahay at di ka paalisin. Kagabi naman todo ang iyak, hindi ko nga alam kung anung term yung dapat gamitin, kung iyak ba yun, o hikbi, or whatever. Siyempre nalulunkgot siya na aalis na siya. Ang hirap kasi hindi niya alam kung ano ba talaga siya. Feeling ko kasi nag-eexpect si Mariel na sia siyang regular housemate. Ako rin nung una akala ko ganun, kasi nga sa pag-uusap nila ng manager niyang si Boy Abunda, parang regular housemate siya at Boy even wished for her to win. Yun kasi yung mahirap kay Mariel dito. She doesn’t even know what she is, or what happens next for her. Parang nakabitin siya at anytime she can be pulled out. So what can I say about her crying last night? I don’t really know what to say. Siguro ang sasabihin ng iba, ‘ang arte naman ni Mariel’ or ‘ang OA niya naman.’ Kayo what do you think?

New season, new look

Hi guys. Two weeks na ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 pero hindi pa rin ako masyadong nakakapag-post ng mga bagay bagay. Hindi pa kasi ako masyadong nakakapanood. Pero anyway, thanks pa rin sa pagvisit ng site na to. Hopefully I could write more in the next few days. Dapat lang may internet connection na ko sa bahay e. Dati sa office lang ako nagsusulat ng updates for this site. Hehe. Kung napansin niyo, may new look na rin yung site. Minor changes lang naman pero hopefully you’ll like it. Another update about this site, Tatlo na kaming nagcocontribute sa site na ‘to. Dati kasi ako lang at yung webmaster. Ngayon, may nadagdag na isa pa. At least ngayon may female point of view na rin. Mas exciting na kasi kahit kaming mga contributors pwedeng mag-away away dahil sa iba’t ibang naming opiyon about the housemates, about Big Brother, o kahit ano pa. Keep on watching Pinoy Big Brother and for more Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 updates, please continue to visit this site pbb.rebelpixel.com.

O my God! I’m gonna die, I’m gonna die! — Mariel Rodriguez

At least may panalong line na agad ang isa sa mga housemates kahit kakaumpisa pa lang ng PBB Celebrity Edition 2. Hehe. So what do I think about Mariel Rodriguez being a housemate? Ok naman. I even want her to win. Siguro dahil siya lang sa mga housemates yung hindi napaghandaan yung pagpasok sa Big Brother house. Actually naawa nga ako nung hindi na siya palabasin e ang dapat lang naman niyang gawin e ihatid si Jon Avila sa loob ng bahay. Yung ibang tao nainis sa kanya for acting that way. OK fine OA siya pero masisisi mo ba siya? Maarte at sosyal siya, so ganun talaga siya. Ang hindi ko lang maintindihan e nung pumasok siya, parang hindi naintidihan ng ibang housemates yung lagay niya. They even asked kung bakit nagkaka-ganun siya at kung ayaw niya ba sa kanila. Housemates that’s not the point. Or kahit na yung remark nung isa na nobody is ready. Hello, si Mariel umalis ng bahay niya, pumunta sa ABS-CBN nung araw na yun para magtrabaho. Tapos bigla na lang sasabihin sa kanya na hindi na siya makakalabas. E kung nangyari kaya sa kanila yun, hello. I’m getting a vibe na mixed reactions ang kuha ng mga manonood kay Mariel. Sana hindi naman negative. I think she’s a good addtion sa Bahay ni Kuya. At least para may maarteng may K sa loob ng bahay ni Kuya. What do you think?

Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2

To all those who still visit this site, thank you! I apologize for the delay of my writing about Pinoy Big Brother Celebrity Edtition Season 2. I haven’t watched as closely as I have for the past few seasons but here’s what I think so far. I think the list of the celebrity housemates is ok. There’s a good mix of men and women who act like girls and boys, unheard of names and familiar faces, and various types of personalities. This early I’m not so sure who’s going to win but Ethel seems to be a good candidate to win it all–unless she’s forced evicted somewhere along the way. For the guys, I’m not so sure who’ll get fan support but it seems that many are fond of commercial model Will. Hmmm… ok fine, ayoko na mag-English…

So sino ang feeling kong maalis sa 1st eviction? Mukhang yung Deal or No Deal girls. Obvious naman e, unless walang bumoto kay Maegan. Bakit nga pala na-nominate si Maegan? Ayaw ba siya ng ibang housemates?

Let’s make a united vote!

I don’t want to think na may dayaang nagaganap sa pagoto sa PBB. I don’t know if ABS-CBN would go to that level. One theory is that people’s votes are dispersed among the other housmeates Gee-Ann, Mickey, Bea, Bodie, and Nel. All those who vote for these housemates may have an inkling to not liking Wendy and Bruce. And that makes them a lot of people since it’s like 5 or 6 people against only 2. Anyway Wendy and Bruce may have a lot of detractors but since these detractors have their own bets, their votes are dispersed. There’s actually no housemate so strong that people think this housemate will win hands down. People think and see that Gee-ann, Mickey, and Bea have what it takes to win but there’s no distinction on who rakes in more votes. Another theory is that somebody is willing to spend big bucks just to save Wendy. I mean if there’s someone willing to shell out 1 million pesos just for text votes for Wendy, then I guess she may have a chance to win. Anyway if we base the stats from yesterday’s eviction night, the percentages of the big four are quite close. There’s this 24%, 21%, 20% and 19%. It seems that it’s still anybody’s ballgame. That includes Wendy. She could still win this if we base it on the percentage of votes. So what can we do? We can vote for any of the three other big four members. Though I suggest we make a stand and vote for the strongest one if we want the Big winner to be not Wendy. Any suggestions on who this strong contender should be? Mickey? Bea? Gee-ann? What do you think?

Wendy labas! Wendy labas!

Wow! I mean for the first time may super negative reaction sa isang eviction night. Pag-na-evict kasi ang isang housemate, kahit naalis siya sumisigaw pa rin yung mga tao mostly dahil sa paghanga kasi nga yung mga housemates na yung bagong ‘kilala’ sa tv. Sikat na sila kung baga. Kaya lang kagabi, paglabas ni Bodie, hindi yung paglabas niya yung naging kapansin-pansin. Mas nag-dwell yata sa mga tao yung fact na kasama sa Big Four si Wendy.

I can’t blame them. Marami na rin talgang galit kay Wendy. With all that she has shown, she has to be taught a lesson or two. Ewan ko lang kung bakit hindi ito magwan ng paraan ni Big Brother. Anyway, so nung magsasalita na si Bodie kagabi after being evicted, sigawan nag mga tao na: ‘Wendy labas! Wendy labas!’ I’m sure marami ding viewers na nasa bahay ang gustong makisabay.

Napansin niyo ba ang mukha ni Toni Gonzaga nung binuksan ang envelope na ang laman ay yung mga housemates na kasama sa Big Four? Siyempre inabot kay Toni yung envelope nung guy na galing sa kanilang partner na auditing firm na SGV. At pagbukas ng envelope, makikita ang pag-iba sa mukha ni Toni. I guess pati siya bilang isang normal na tao at viewer ng isang palabas, e alam ang implication sa pagkakapasok ni Wendy sa Big Four. Natatakot tuloy ako sa kung ano ang pwede mangyari sa Big Night. Sana wala namang masaktan. I mean, sa galit ng tao e baka kung ano ang mangyari. Sana wala namang madamay na iba.

Gee-ann: ‘I lied’

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Miriam Defensor-Santiago one time na tatalon siya sa eroplano kapag natalo siya sa election. Natalo nga siya at nung tinanong siya ng media tungkol sa sinabi niyang iyon, ang sabi niya lang na: ‘I lied’ sabay tawa. (Ibang klaseng tawa nga yun e, yung tawa ni Nicole Eala ng Love radio). Sa bagay may difference naman yung ‘I lied’ ni Gee-ann. Si Miriam tumawa nung sinabi niya yun, si Gee-ann naman umiyak. Though pwedeng sabihin ng mga tao na may pagkakapareho naman itong si Gee-ann at Miriam since ang sabi ng iba na pareho silang baliw. Hehe.

Ano kaya ang secret na ito ni Gee-ann? Gaano ba kasensitive ang information na ito para hindi ilahad? Wala talaga akong idea kung tungkol saan yung ‘I lied’ na yun. Ang sabi lang kasi ni Gee-ann before pa yun. So I guess parang may sinabi siya nung audition para sa Big Brother na hindi totoo like since mayaman siya she find Pinoy ig Brother cheap kaya lang ang totoo super-avid viewer siya at matagal na niyang gustong sumali dahil alam niya kung paano ito laruin. Hula ko lang naman yun. I wasn’t born a fortune teller so malamang mali ytung hula ko. Kayo? Ano ang hula niyo? Ano yung lie ni Gee-ann?