Ang unang gabi ng mga teen housemates

First episode kagabi ng PBB Teen Edition Plus. Siyempre bilang isang die hard PBB fan pinilit kong makauwi agad para mapanood ito. Buti na lang hindi traffic kagabi, siguro dahil tapos na rin ang pasukan sa karamihan ng mga estudyante. O baka maagang umuwi ang mga tao para mapanood ang PBB.

Pinakita kagabi ang isa isang pagpasok ng mga housemates sa loob ng bahay. Ang unang pumasok ay si Ejay. Sumunod sa kanya si Kevin. Nagpakilala si Kevin kay Ejay at tinanong ni Kevin where are you from? Nagtanong din si Ejay kay Kevin kung nakakaintindi ito ng Tagalog. Siguro dahil mas komportable itong makipag-usap sa Tagalog kaya niya ito na bring up. Tapos sinabi niya na rin na nakakaintindi siya ng English at tinapos ni Kevin yung sinasabi ni Ejay by saying na he can’t speak it. (Not exactly like that pero ganun.) At least hindi pretending itong si Ejay at hindi trying hard. Buti naman. Sumunod na pumasok si Nicole. Ma-English din itong si Nicole. Siguro kasi akala niya mga English speaking yung dalawang nauna sa kanya. Malakas din kasi maka-peke itong si Ejay, mukha kasing half something. Nung napansin ni Nicole na hindi masyadong nagsasalita itong si Ejay, nagsabi si Kevin na hindi comfortable si Ejay with English kaya ganun. Nakakatawa yung sagot ni Nicole dito na marunong siyang mag-Tagalog. Parang ang taray. Siguro ganun lang talaga siya.

Pumasok na rin yung ibang mga housemates isa isa. Isa sa mga natuwa ako sa pagpasok ay si Jieriel. Parang tuwang-tuwa kasi nung makita yung mga fellow housemates. Talon ng talon parang jumping beans. Kaya nga siguro Bubbly girl from Davao ang tawag sa kanya. Parang nagkaisa ang mga lalaking housemates nung pumasok naman si Valerie ang Dazzling Doll from Germany. From the reaction ng mga male teen housemates nung pagpasok ni Valerie, mukhang siya ang pinakamabenta sa mga girls. Para sa akin kapansin-pansin din naman itong si Linda, ang Bikini babe ng Iriga. Parang may kamukha kasi siyang artista or model. Hindi ko lang ma-pin point exactly kung sino. When I see her I’m reminded of Jocelyn Oxalde of the Kitty Girls. Parang ganun kasi yung dating niya. Agree ba kayo?

Ano pa ba ang pinakita kagabi? Ang kakulitan nitong si Kevin at Alex, ang compromise nitong si Big Brother kay Priscilla, at ang task nitong sina Robi at Josef. Sa ibang entry ko na lang i-eexplain ang mga ito.

Sa mga pinakita kagabi, may paborito na ba kayong housemate?

3 thoughts on “Ang unang gabi ng mga teen housemates”

  1. Pingback: UK Escorts

Leave a Reply

Your email address will not be published.