Kim, first time umiyak sa PBB house

Kagabi ay pinakita ang unang beses ng pag-iyak ng Chinese cutie from Cebu na si Kim. Ito ay naganapo dahil sa nabanggit kay Kim ng isa pa niyang kasama sa loob ng bahay na si Mommy Jam. Sabi kasi ni Mommy Jam na parang hindi siya nalungkot o umiyak sa paglabas ng kanyang dalawa pang kasama na si Olyn at Matt habang ang lahat sa kanila ay nalulungkot. Nilabas naman ni Kim ang kanyang saloobin kay Big Brother at sinabi na hindi talaga siya iyakin dahil alam niyang hindi aalis ang problema kahit umiyak siya. Nilinaw ni Big Bro na ok lang umiyak at hindi ito sukatan ng kahinaan. Minsan kasi ay kailanagn din umiyak upang i-express ang sarili. Kahanga-hanaga din ang pagiging matapang nitong si Kim. Pero sana ay matutunan din niya na ok lang din paminsan minsan maglabas ng lungkot at emosyon lalo na kung may mga mabuti kang kaibigan na pwede mong hingahan ng sama ng loob tulad ng kanyang mga teen housemates. Parang nakaganda rin naman yung pangyayaring iyon sa kanya dahil nakita rin natin na kahit ang tingin natin sa kanya ay matapang at matigas, may puso din siya na naapektuhan.

If you happen to be a fan of Pinoy relaity shows, feel free to visit my Philippine Idol blog for the latest on Philippine Idol.

55 thoughts on “Kim, first time umiyak sa PBB house”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *