Iyakan Blues inside the PBB House

Dalawang araw pa lang ang nakaklipas at tatlo na sa Pinoy Big Brother Teen Housemates ang nakitang umiiyak loob ng Bahay ni Kuya. Sinu-sino ang mga housemates na ito? Yup, tama tatlong housemates ang nagtamporurot sa agad sa loob ng Bahay ni Kuya. Nung Season 1 si Franzen lang naman at Rico ang nagkaganoon. Si Franzen naawa sa sarili at ito namang si Rico nami-miss ang ex-girlfriend. Ngunit matagal pa bago nangyari ang mga kadramahang iyon. Dito sa Teen edition, Day Two pa lang Iyakan Galore na agad. Sa bagay, mga bata pa kasi sila.

Una ay si Clare, ang Barrio Lass from Bukidnon. Nakita siya ni Kim, ang Chinese Cutie from Cebu, sa garden habang umiiyak. Sinubukan ni Kim i-comfort itong si Clare. Nung nakatunog na rin ang ibang mga housemates sa pangyayaring ito, agad silang naglabasan upang lapitan at tanungin itong si Calre kung bakit siay umiiyak. Hindi kaya si Clare nalito sa dami ng nagcocomfort sa kanya? O, lalo kaya siyang naiyak sa pamamaraan ng pagcomfort sa kanya since yung mga girl housemates din naman ang isa sa mga rason kung bakit siya umiiyak? E, ano nga bang dahilan nitong si Clare sa pagtagaktak ng luha? Ang sabi niya kasi sa confession room, hindi siya makasabay sa kanyang mga housemates lalo na sa mga girls. “Feeling niya ang tanda-tanda na niya kasi.” Isa lang kaya itong adjustment at mawawala rin? O napansin niyang hindi siya makafit-in sa mga housemates niya? Clare, hija, ok lang yan, siguro ay culture shock lang yan. Sana ay makahanap ka ng kaibigan diyan sa loob ng bahay para mas maging maganda ang pag-stay mo diyan sa Pinoy Big Brother House. Ang ganda pa naman ng Bahay. Enjoy mo na lang yan. =)

Ang panagalawa ay itong Aldred. Ang pinakabatang housemate na si Aldred ay sa may altar naman gumawa ng eksena. Iyakin din pala itong ating Valedictorian Cook na si Aldred. Parang katulad din naman ni Clare ang problema ni Aldred. Pakiramdam niya ay wala siyang makuwento. Mabuti ay mga kamera lang ang nakakita kay Aldred habang umiiyak. Baka kasi bumaba ang appeal niya sa mga girls dahil sa eksena niya kagabi. Hijo, ok lang kung wala kang makuwento. Darating din ang panahon diyan. In the meantime, ikaw kaya ang magpakuwneto sa kanila. I’m sure maraming kuwento ang mga iyan. Mukha namang madadaldal ang housemates mong iyan lalo na yung mga girls. Humanap ka rin ng magiging kaibigan mo diyan. Makaktulong iyon para hindi ka magkaganyan.

Last but not the least ay itong si Niña, ang favorite ng mga kalalakihan na sosy girl from Makati. Medyo disturbing din ng konti ang sinabi ni Niña. Actually, what I found distrubing is the time she ‘revealed herself.’ It’s too early for her to open up and say things like that pero I guess mga bata pa nga sila at madaling mag-open up. She claims to this girl housemate, (was it Olyn?) that her family is not really that rich that’s why she joined Pinoy Big Brother Teen edtion. Hindi daw siya pumasok sa loob ng bahay dahil gusto niyang maging artista pero dahil kailangan niya ng pera. Para saan? Pambayad daw ng rent. Hmmm… Malaki-laking halaga din yan hija, lalo na na nakatira kayo sa Bel-Air. Magkano nga ba ang renta sa ganung lugar? 25-50 thousand a month ba? O basta, huwag mo masyado problemahin yun. Paglabas mo naman diyan, I’m sure marami ka ng magiging sources ng income dahil pang-model ka. Matangkad at maganda. Tama na ang iyakan ha.

5 thoughts on “Iyakan Blues inside the PBB House”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *