Interview transcipt of Say

Say and JB’s lovestory is over for now. Bakit parang ang bilis yata? O well, that’s life.
Para sa mga hindi nakapanood ng interview ni Say sa The Buzz nung Sunday, here it is.

Complete Transcript of Say interview in the Buzz lst Sunday (December 4, 2005)

Boy: Welcome to the Buzz, Say, Maraming salamat sa pagdalaw ngayong hapon sa aming munting palabas.

Cristy: Good Afternoon… Magandang Hapon

Say: Good Afternoon po sa inyo.. Grabe… I’m so overwhelmed and honored to meet you guys. Sobrang di ako makapaniwala.

Boy: Kamusta ka naman. This is a couple of hours after you left the house

Say: I’m okay. I still can’t believe I’m here, on this show

Boy: Pinangarap mo ba ‘to na pagkatapos mong sumali sa Big Brother ay ika’y magiging sikat, ika’y maiinterbyu sa iba’t ibang palabas.

Kris: Kakanta ng live sa ASAP

Boy: That was a beautiful song.

Say: Thank You Po!

Boy: Yan ba ay bahagi ng iyong inisip ng ikaw ay pumasok sa Big Brother House.

Say: Siyempre pinangarap ko talaga sya kasi sinabi ko sa sarili ko na eto yung chance na mag shine talaga ako kasi gusto ko talagang maging artista. Gusto ko talaga mag showbiz.

Kris: Gusto ko sya kasi first airing pa lang sabi niya gusto niya ako kaya talagang gustong gusto ko sya.

Cristy: at saka diretso siyang magsalita talaga.

Say: Love ko si kris…

Cristy: Kaya lang boy kagabi, nakatutok din ako. Umuwi ako ng maaga para lang matutukan ang eviction night.

Kris: Pareho tayo nay!

Cristy: OO ang dami kong tinabla. Nung paglabas mo, nagkaharap na kayo ni JB, iba kasi ang inaasahan ko at ng taong bayan. Ang inaasahan ng lahat, matinding yakapan dahil namiss nyo ang isa’t isa.

Boy: Teka Cristeneli, ang pinanggalingan kasi niyan, 100 seconds, nakita namin ang inyong pagtatagpo kaya’t ang inaasahan naming lahat ay ang muli niyong pagkikita ay makabagbag damdamin, at ano ang nangyari?

Cristy: Bakit ganoon ang napansin namin, napansin ko, napansin ni Kris at ng marami pa, bakit parang ilag na ilag ka sa kanya at hindi ganoon kainit. Hanggang loob lang ba ang pagmamahalan niyo at paglabas ay wala na?

Say: Hindi po ba dapat siya ang sumagot nun kung hanggang loob lang.

Boy: Tatanungin din namin sya.

Cristy: Ahhh, may pinanggagalingan ito.

Boy: Sandali lamang, she wants to say something.

Say: I just want to say na kagabi kasi paglabas ko, hindi ko akalain na ganoon karami ang taong susuporta, sasalubong. Sobrang hindi ko alam na ganon kaya sobrang speechless ako at ng makita ko si JB, hindi ko alam kung paano mag a-act, hindi ko alam kasi siyempre ang daming tao. Sa Bahay ni Kuya, wala, kami-kami lang ang nandun so hindi kami nahihiya na mag show ng mga true feelings namin.

Boy: Say, sandali lamang. Sa bahay ni Kuya, wala man kayong kasama dun pero pinanonood kayo ng sambayanang pilipino at ng buong mundo

Cristy: Oo, may 24/7

Boy: Babalikan ko ang iyong sinabi, maraming tao, hindi nyo alam kung papaano kayo kikilos. May dahilan ba kung bakit hindi mo nalaman kung paaano ka mag-rereact kay JB.

Kris: Wait. Eto nakita ko. Nakita ko kasi, inside the car, coming from Big Brother House papunta sa ABS-CBN, nandun ang mom mo, nandun ang sisters mo, mayroon ba silang nasumbong na di kanais-nais. Because Tita Cristy, sino pa ba ang mag watch sa back mo kundi ang nanay mo at mga kapatid mo.

Cristy: Kasi mahaba rin yung distansya, umikot pa.

Kris: At may commercial break. Pwedeng maraming nabulong.

Cristy: May nasabi ba sila sa iyo.

Boy: Say, may naganap ba? May nasabi ba sa mga panahong iyon?

Kris: And you have to be honest coz you said you like me so you have to be honest.

Say: Of Course… Of Course…Siyempre hindi ako pababayaan ng mga magulang ko. Hindi ako magiging plastik ngayon na sabihin na wala silang sinabi sa akin. Meron talaga.

Cristy: Ano yun say.

Say: Sinabi nila sa akin na…..

Kris: Mommy mo o sister mo ang nagsabi?

Say: titingin ako dun…. (napapaiyak na siya)…

Kris: Hindi.. sino, mommy mo o sisters mo?

Say: Sister ko.

Kris: Ano ang sabi ng sister mo?

Say: Sabi ng sister ko, Ate say, Huwag kang iiyak, ngumiti ka lang. May ipapakita ako sa iyo.

Boy: Sandali lang, ano ang ipinakita sa iyo ng sister mo?

Say: Picture po.

Boy: Picture nino?

Say: Picture nilang dalawa.

Cristy: Saan naganap ito?

Say: Am, di ko pa alam.

Kris: May date?

Say: Sa embassy po, tapos…

Cristy: Ilang gabi pa lang ang nakakaraan?

Boy: Sandali lang, ano ang picture na iyong nakita. Baka naman magkatabi lang. Baka naman you know..

Say: Nagyayakapan po.

Cristy: Akala ko ba magkaibigan lang si Angelica at JB?

Boy: Baka naman nagbebeso-beso lamang. Sandali lamang. Say anong klaseng yakap? Baka naman beso lamang?

Cristy: Boy, may idadagdag lang ako. Say, isang picture lang ba ito o serye? o footage?

Kris: Or video? kasi pwedeng video.

Boy: Sandali lang mga kaibigan, ang mga kasagutan ni Say sa pagbabalik ng “the Buzz”

Cristy: Grabe ito…

Cristy: Ano ang pinakita sa iyo? isang litrato lang ba, serye ng litrato o baka video?

Say: Alam ko may video pero hindi ko pa nakikita. Ayokong makita.

Kris: Tama.

Say: Yung picture po, picture na nakita ko at nakausap ko yung mga friends ko at friends ng mommy ko ganyan, hindi ko kilala yung mga taong yun pero sila yung nagsasabi na nakita nila like Shangrila Mall, embassy, Pier 1, and all those places.

Boy: Say, habang ikaw ay naglalakbay sa bahay ni kuya, patungong studio at ito’y nakita mo, ano ang iyong unang reaksyon?

Say: Siyempre, kasi nung paglabas ko, tuwang tuwa ako, nakita ko yung family ko tapos ine-expect ko makikita ko sya, gusto ko siyang mayakap at makiss di ba, Ammm, tapos nakita ko yun, mangiyak ngiyak na ako siyempre, sabi nila wag kang iiyak, sayang ang make up mo.

Boy: Ano ang sinabi mo kay JB after seing the photo?

Say: Ahh, sabi ko lang, hi. sabi nya parang how are you. Kung ano yung nakita nyo kagabi.

Boy: Ika-klaro ko lamang. Yung litratong nakita mo ay dahilan para maniwala ka that they are just more than just friends.

Say: It’s not just the picture. Like other things. Yung mga evidence na hindi lang just one or two people yung nagsabi. Marami po and they are willing to talk to me in person daw and some people na hindi ko talaga ime-mention yung name nila kasi hindi naman kailangan pero trust ko kasi ang mga people na iyon and yon…

Cristy: Boy,

Boy: Go Ahead.

Cristy: Ano yung ibinubulong ni JB sa iyo

Say: Nahihiya daw sya… Nahihiya daw niya akong i-kiss kasi andun daw yung lola ko sa harap

Cristy: Ano ang dapat ikahiya kung andun ang lola mo. Nag Kiss nga kayo, buong mundo nakatanaw sa inyo.

Boy: May naganap na 100 seconds meeting. May tsismis kaming natanggap. Mayron ka bang alam..

Cristy: Ano ang naganap noon?

Boy: Okay, 100 seconds, ang sambayanang pilipino, napanood po si JB at say na nagkita. Meron ka bang alam na ibang usapan na nakaikot dun sa inyong pagkikita.

Cristy: Ibang kwento na habang nandun si JB sa loob. May naghihintay ba sa labas?

Say: Meron daw po at marami pong taong nakakita. Si Angelika, naghihintay sa labas ng Pinoy Big Brother House habang hinihintay nya si JB dun sa 100 seconds namin.

Kris: Wait ha, sandali. Devils advocate lang. I’m not taking the side of Angelica pero since she is not here and ayaw naman naming i-portray na mega kontrabida of the century

Boy: She cannot defend herself.

Kris: Eto na lang ang tanong ko. Is it possibly na magkaibigan ang dalawa? they are childhood friends? or magkakilala ang pamilya. I DON’T KNOW…

Boy: Can I say something. I did an interview with JB mga kaibigan, ang sabi nya Say, correct me if I’m wrong, ang sabi nya sa akin na bago pa man kayo pumasok sa loob ng bahay ni kuya, magkaibigan at magkakilala na sila ni Angel. Pangalawa, Angel, if your watching, bukas ang Buzz para sa panig ng iyong kwento. Because it is not fair, and JB, if your watching, bukas din kami para sa iyo. Okay, do you know na magkaibigan sila?

Cristy: may nababanggit ba sa iyo si JB?

Say: Sabi nya, may nabanggit daw siya sa akin pero nakalimutan ko po, siguro meron, pero nakalimutan ko na. Kung magkaibigan sila, okay lang sa akin, di ba? pero siyempre, yung magkaibigan hindi naman sila magyayakapan, magho-holding hands or magi-smack, so…

Cristy: sandali. may mga magkakaibigan na nagho-holding hands, nagyayakapan, pero iba yung kutob mo siguro. Mas matindi yun

Kris: Dun ako papunta sana. When you saw the picture, iba di ba tita cristy, nakakarinig ka ng kwento pero there is still that part of you na mahal mo yung tao na i won’t gonna believe you, i will believe the person i love. di ba? Maglalaro yun sa utak mo. Pero kapag nakita mo yung litrato, parang may tatayong balahibo tapos parang manlalamig ang dugo mo, di ba. From experience po yan.

Cristy: Alam ko yan Kris.

Boy: Kris, yung kutob na yan sa mga babae…

Kris: Women’s instinct

Cristy: Totoo yan, women’s instinct

Boy: Wag nyo naman kaming ilayo. Mga tao din kami. Sandali lamang, yan bang women’s instinct na yan, hindi ba yan nagkakamali?

Kris: Did you feel it last night when you saw the picture Say?

Say: I actually felt it after nung 100 seconds nung wednesday kasi when i kissed him, parang it wasn’t like before, pero i tried it pa a couple of times, kung napanood nyo pero…

Boy: All right, we understand Say. Nasaan ngayon ang inyong relasyon? Nasaan ngayon ang inyong estado? Before you came here sa studio, nagkaroon ka ba ng pagkakataong makausap si JB, nasaan ngayon ang inyong relasyon?

Say: Ayokong umiyak, Oh my God.

Boy: That’s Okay.

Kris: It’s Okay.

Cristy: Lumabas ka, sa paglabas mo, ang pag-asa mo mas magiging maganda ang inyong relasyon pero mas maganda pa palang nagkulong ka kaysa malaman mo ang katotohanan.

Boy: Hindi naman because the premise there is hindi naman Cristinelli si JB lang ang buhay ni Say. Hindi Naman. I mean, some doors may open.

Cristy: OO naman.

Boy: Nasaan ang inyong relasyon? Ano ang gustong sabihin ng iyong puso?

Say: Siyempre, i still love her di ba? pero I told him na bago siya umalis nung nanominate sya, siyempre lalabas ka at marami kang mami-meet na babae, sabi ko pag may nangyari na makikipag date ka sa iba or may ma-meet ka na iba, ayoko na talaga. Kasi ako pag nagkaka boyfriend ako, faithful ako. Never.. isa lang. stick to one ako. Never pa akong nag cheat or nag fling or anything. Ayokong gawin sa akin yun tapos sabi ko kung yun ang mangyayari, NO EXPLANATIONS, sabi nya, sabi nya sa akin, e paano kung sa iyo mangyari, kunyari dito sa house may magustuhan ka o kung saan man, may magustuhan ka pero kasama mo na ako, anong gagawin mo? Sabi ko, hindi mangyayari yun.

Kris: Alam mo, in fairness to her, Tita Cristy, lahat naman tayo hindi bulag, ang cute cute ni Sam talaga, pero in fairness to Say, hindi talaga siya nag make ng move para akitin si Sam.

Cristy: Totoo yun at hindi talaga siya pumatol.

Kris: That takes a lot of self control.

Cristy: Samantalang pwedeng gawin.

Boy: Kung tayo ang nasa loob ng bahay ni Kuya, nag unahan tayo.

Cristy: Sigurado yun.

Kris: Hindi boy, sorry, pero ganoon kita kamahal, ibibigay ko sa iyo ng buong buo.

Cristy: Play safe.

Boy: Krissie, maraming salamat. Ikaw, kaibigan?

Cristy: Eh sabi ni Kris kayo naman talaga ni Sam noon pa.

Kris: Teka, sandali say, if she is watching now, JB eto na lang, sana magpakalalaki ka. Kung mahal mo talaga si Angelica, be man enought to tell Say that because you owe her that.

Say: If he is watching right now, ano ang gusto mong sabihin sa kanya coz you said, you haven’t talked.

Boy: As a final message, go ahead.

Kris: We saw the romance kasi eh. Lahat tayo pinanood at sinubaybayan. SOrry say pero bahagi pa rin kami until now kaya ano ang gusto mong sabihin sa kanya.

Boy: Go Ahead.

Say: Siyempre, lahat ng nakita nyo sa amin ni JB sa house, sa part ko, totoo talaga siya. Totoo talaga sya. Nung naging kami, pinagisipan ko talaga kung magiging kami o hindi, alam ko at sabi nya pinag isipan din daw nya, tapos sabi ko, since i waited 2 years para magkaroon ng boyfriend, eto na siguro yung chance na hindi na ako lolokohin, tapos paglabas ko hindi ko alam na ako lang pala ang nagpakatotoo dun sa bahay, hindi ko alam kung bakit nya nagawa sa akin yun, yun ang napi-feel ko sa kanya, hindi pa kami nag-uusap ni JB,

Cristy: Ang masakit dun Boy, kung pareho silang nasa labas ni JB at ginawa yun ni JB, at kung totoo ngang ginawa ni JB, mas matatanggap nya, hindi yung nandon yung babae sa loob at akala nya safe sya.

BOy: Sana maayos. Sana makapag usap kayo, dahil may mga bagay na hindi namin alam, hindi mo alam, ahh, fight for what you feel, karapatan mo yun but we wish you the best at welcome to the buzz

Cristy: Thank you very much Say.

10 thoughts on “Interview transcipt of Say”

  1. i am just one of many supporters of PBB. i think it would be best if we would be informd regarding the whole transcript regarding the secret meeting between linggit tan, dir dyogi, uma and cass,. i hope it would be seen in your site. more power.

    or by any chance woulkd it be possible for you to send us the complete transcript of the said controvresy. thank you.

  2. i am an avid fan of PBB, i am trying to make it a point got to watch the said show after i go home coming from work.. i actually wanted to give it a try by me taking an audition and join PBB. but still, regardless to that about JB and Say i don’t wanna sound rude or anything but i think its all been scripted..meaning to say it was being held to have a PBB love team inside the house ni KUYA or else there would be no drama and at the same time it added to attract audience attention..we all know how loving and caring filipinos are..we truly appreciate people who shows love and affection..as we all know obviously “hit na hit” here in the Philippines all love teams. only in d’ phil.!!!
    all i can say for, JB and SAY – hope you guys solve this problem as early as you can , its hard for a relationship careless not giving any solution on this, just let this happen without looking for a solution and so be it. — give us update PBB Buzz about them, were so intrigue.

    thanks alot,
    pretty_me

  3. Hey Say…hmmm…wish you luck girl! Talagang ganyan ang buhay..diba nga.You’re just being true to youreself. and for what happen with you and that STUPID guy, it’s fine . anjan pa naman si sam, and mas cute siya noh! may talent pa.It’s JB’s lost not yours.shame on him

  4. all i can say that we cannot judge say kasi its not our life. buhay nya yun. ang akin lang kasi fan ako kay say at jb. at its their disisyon kung gusto nilang mag break okay lang kung magkablikan man sila mas mabuti. pero just maintain your friendship. kasi may ex din ako siguro he’s already having a girlfriend ngayon but nag text pa rin ako sa kanya. i hope that both of you can find it in your hearts. its a hard disiyon to split up say. dahan dahan naman. if i were you say i would ak JB if he still love me or not. if love ka pa nya please love him in return. kasi i really don’t believe this issue kasi bat nag promise si JB diba? i don’t know if i believe this or not pero for me i’d rather ask him first kung love mo talaga sya

  5. Pingback: Click Here
  6. Pingback: ??????
  7. Pingback: Escorts In London

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *