At long last : Another new update

After ten years, nagkaroon na naman ako ng time para magsulat. Thank God. Sa sobrang tagal since last na sumulat ako, sobrang dami na ng nagyari. From what I remeber ang mga bagay na hindi ko na nasulat pero feeling ko dapat naisulat ko: ang pag-voluntary exit nina Ethel at Macoy, ang paglabas ni Mariel, ang muling pagpasok ni Mariel sa bahay, ang pagiging Big Sister ni Mariel, ang muling pagbalik ni Gabby sa loob ng bahay ni Kuya, ang loveteam nina Donnie at Gabby, ang pagpasok ni Gladys Guevarra sa bahay, ang struggles ni Gladys sa loob ng bahay, ang alitan nila Gladys at Will, ang pag-voluntary exit ni Gladys, ang pag-lalasing ni Baron. Ang dami diba?

Ngayong gabi sa Pinoy Big Brother, ang daming nangyari…. as usual. It started na ok naman. Super laugh trip na naman since may task sila na gayahin ang isa’t-isa. Siyempre panalo nung ginagaya nila si Mariel at Riza. Ang galing, sobra. Pero parang na-offend yata si Riza. Medyo pati si Will nga din e. I guess dahil yun sa reaction din ni Riza. Alam niyo naman they have a thing so pareho dapat sila ng stand.

After naman nun pinakita na naging efficient naman ang mga housemates sa paghahanda ng breakfast para sa mga nag-attend ng Simbang gabi. Another thing that happened was yung pag bibigay ng housemates ng mga good deeds sa isa’t-isa in secret. It was also Ethel’s birthday so she prepared some dinner for everyone. Ethel’s good thinking of not saying para kanino yung hinanda niya surprised the housemates. Akala kasi nilang lahat na may date that night si Ethel. Ang super nakakatuwa pa e yung nakita ni Ethel as in huli talaga ni Ethel na mag-good night kiss sila Will at Riza. Super selos siyempre si Ethel. Pero siyempre nakakatuwa pa rin kasi nga nakakatuwa yung mga reaction ni Ethel lalo na pag tungkol kay Will.

Kaya lang the episode ended on a really sad note. Si Yayo kasi. Yayo’s mom died and because of that she has decided to leave the house. Bukas pa sasabihin yung details pero nakakalungkot lang. Sayang si Yayo but she really has to leave. Wala ng cool na parent figure insdie the house. I hope she weathers this storm in her life

Baron, Riza, and Victor are nominated

So sino sa palagay ko ang lalabas this coming weekend? Hmmm…. Mahirap sabihin. Ang konti na lang kasi nila sa loob? Kung ako masusunod si Baron na lang. May hindi kasi ako makakalimutang ginawa/hindi ginawa ni Baron at one point. Naalala ko lang yung task na kailangan magbalance ng apat na male housemates. Yung dalawa nagbabalance habang nasa parang seesaw tapos yung dalawa naman magaayos ng baso sa ‘seesaw’ habang may nakasuot ng salbabida. Sila Baron at Ruben yung nakasuot ng salbabida tapos sila Will at Donnie naman yung nagbabalance sa ‘seesaw’. Okay mahirap nga yung task Baron pero naman kahit na nauubos yung oras, huwag ka maging pessimist at humiga. Nung time na pinanood ko yung episode na yun gusto kong batukan itong si Baron at sabihin ‘Ano ba? Nauubos na nga yung oras tapos hihiga ka lang diyan dahil matatalo na kayo? E, kung tinulungan mo kaya si Ruben?’ After nun, medyo convinced na ko na kung may mae-evict dapat si Baron yun.

Kaya lang sabi nga ng sister ko, baka mas makabuti na nandun si Baron sa loob. At bakit? Kung hindi si Baron ma-control ng kanyang pamilya, baka ma-control siya ni Big Brother. Sa otuside world, Baron can have all the alcohol and yosi he can take. Sa bahay ni Kuya wala siyang control over that. Kung sa paglabas ni Baron ay magbi-bisyo lang siya e di mas mabuti na nasa loob na lang siya. I get my sister’s point. Nag-iimporve na naman si Baron pero is it enough?

As for Riza and Victor, hmm… Just because of numbers I think hindi pwedeng maalis si Riza. Ang dami pang male housemates tapos kapag umalis si Riza, si Yayo na lang at si Mariel yung female housemates. Mariel is just a guest housemate. So si Yayo na lang talaga. Matagal-tagal pa yung season ng Big Borhter at si Yayo na lang ang only female housemate? Pwedeng mangyari pero parang hindi dapat. Mas maganda if Riza stays. At least the Will and Riza loveteam will still be there. Kay Victor naman, ewan ko lang. Kung hindi siya nakakatulong as other housemates see him, at least hindi din naman siya nakakabigat. Para sa kin Baron versus Victor ang labanan. Ako kahit sino sa kanila ang umalis ok lang, kasi feeling ko hindi naman sila aabot ng big four. Feeling ko lang naman yun. Any vilent reactions to that? Kayo sino ang gusto niyong maalis na?

Goodbye Baron o Goodbye Donnie?

Noong Linggo nang gabi ay natunghayan natin ang isang “mock nomination” kung saan sila Jon Avila, Riza Santos at ang 2-in-1 housemates na sina Baron at Donnie Geisler ang napili ni Big Brother bilang mga”mock nominees”. Ang mock nomination raw na ito ay susukat sa katatagan ng mga housemates.¬† At kagabi isang “mock eviction” naman ang naganap.

Akala ko noong una ay si Riza ang kunwaring papalabasin  sa bahay ni Kuya. Pero ang 2-in-1 housemates pala, ang magkapatid na Geisler ang pinalabas ng bahay ni Kuya. Sa kanilang kunwariang paglabas, tanging ang host ng PBB na si Toni lamang ang sumalubong sa magkapatid. Kinausap kaagad ni Big Brother ang magkapatid at sinabing mock eviction lamang ang naganap. Binalita rin ni Kuya na kanya nang inaalis ang pagiging 2-in-1 housemates nila Baron at Donnie at magiging hiwalay na housemates sila. Dahil doon, ibig sabihin na may pag-asa pa silang bumalik sa bahay ni Kuya pero dahil sa hindi na sila 2-in-1 housemates, sinabi ni Big Brother na isa lamang ang maaaring makabalik sa kanyang bahay. Binigyan niya ng 24 oras ang magkapatid upang magdesisyon kung sino ang tuluyang lalabas at mananatili sa loob ng bahay ni Kuya .

Ngayong gabi ay matutunghayan natin kung sino sa dalawa ang tuluyang magpapaalam sa mga housemates. Sa tingin ko, magpapaubaya si Donnie at si Baron ang babalik sa bahay ni Kuya. Isa siguro sa irarason ni Donnie ay marami pang kailangang matutunan si Baron at kailangan niya ring may mapatunayan. Pero kung si Baron nga ang babalik sa bahay ni Kuya, siguro ay sandali lang ang kanyang ilalagi dito. For sure, hindi siya makakasama sa Big Four.

Abangan ang desisyon ng magkapatid mamayang gabi.