Princess of PBB Double Up Nag-voluntary exit
October 26th, 2009 by mike | No Comments | Filed in Daily UpdateAfter being saved sa 1st eviction night ng Pinoy Big Brother Double Up, lumabas na kagabi (Sunday) itong si Princess sa Bahay ni Kuya. Nag-voluntary exit siya matapos patawan ng automatic nomination dahil sa isang violation na kanyang nagawa. Ang violation na ito ay ang pagbangit niya kay Melay na sana ni-nominate niya na lang itong si Delio. Ang dahilan ni Princess sa paglabas ay ayaw niyang mag-alala ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Nominated na naman kasi siya for the second straight week. Isa pa sa kanyang dahilan ay hindi naman niya nakikita na makakatulo ng sa kanyang mga plano sa buhay ang pananatili pa sa loob ng big brother house. Nag-audition lang naman daw siya dahil sa udyok ng kanyang boss. Supportive din daw ang kanyang mga kasama sa trabaho. So ayun, kahit hindi niya naman masyadong nakikita ang point ng pagsali ay nakapasok siya sa Bahay ni Kuya. Sayang itong si Princess. I like her even if she’s a strong personality. Sometimes nga she seems so strong na parang nababastos niya na itong si Big Brother.
Anyway, mukha namang masaya itong si Princess sa kanyang naging desiyon. I wish her luck on her future. I hope she fixes whatever she has to fix outside.
Tags: pbb, pbb double up, Pinoy Biig Brother, Princess
