PBB Double Up: The Magical Reveal

PBB na naman!!! Woohoo!

Magpupumilit na naman ako makauwi ng maaga sa bahay, para lang makapanood. Ewan ko ba, minsan nakaka-adik lang talaga manood. Siguro talagang sadyang may pagka-tsismoso o usisero ang mga Pinoy? O baka naman ang pagka-humaling sa mga ganitong klaseng programa ay nagpapakita lang ng genuine interest ng Pinoy sa iba’t-ibang mga tao, magaling tayo makisama e diba?

Sa ilang seasons na nakalipas ng Pinoy Big Brother, iba-ibang pakulo na ang ginawa ni Kuya at ng mga producers ng show para siguraduhin na laging may bagong kapananabikan. At sa season na ito doble doble ang bago, sa Pinoy Big Brother Double Up!

Bago natin malaman ang mga bagong hamon ni Kuya at kung anong doble, eto muna ang listahan ng mga bagong housemates na ating susubaybayan. 🙂

Princess, 22
Sexy Vamp ng Cebu

Tom, 22
Romantic Stud ng Samar

Delio, 26
Simpatikong Kusinero ng Batangas

Paul Jake, 24
Negosyo Prince ng Cebu

Jason, 21
Boy Astig ng Mindoro

Melissa,21
Inday Kenkay ng Gensan

Yuri, 25
Multilingual Hottie ng Japan

Carol, 22
Conservative Pharmacist ng Tondo

Mariel, 21
Struggling Mom ng Davao

Yhel, 26
Young Widow ng Pamapanga

Unang pasabog ng doble sa bahay: Double up housemates – TWINS!!! at hindi lang isa, dalawang pares ng kambal.

Toffi, 19
Basketbolero ng Rizal

Kenny, 19
Joker Jock ng Rizal

JM, 29
Delightful Dad ng QC

JP, 29
Jetsetter Dad ng QC

At doblehin pa natin ulit, dinalawa pa ni Kuya ang bahay nya! At ang ating mga kawawang kambal na sila Toff, Kenny, JM at JP ay may super challenging task na kaagad!

May dalawang grupo ng housemates na titira sa dalawang magkaibang bahay ni Kuya. Ang ating mga double up housemates ay maghihiwalay upang tumira sa magka-ibang bahay. At sa mga panahong itinakda ni Kuya ay kailangan nila magkipagpalit sa kanilang mga kanya-kanyang kakambal sa kabilang bahay. Sa pagpapalitan nila ay hindi pwedeng malaman ng housemates na may isa pang bahay si Kuya, at na sila’y may mga kakambal. Hala naman, ang hirap Kuya!

Kapag succesful ang mga double-up housemates sa kanilang ubod-ng-hirap na task kay Kuya, ay exempted sila sa unang round ng eliminations. Pero kapag fail, naku goodbye agad dahil forced eviction ang parusa ni Kuya (how harsh…hindi ba pwedeng automatic nomination na lang?) Hay, sige subabaybayan na lang natin kung paano ang diskarte ng mga kambal.

Unang pinapasok si JM sa “kaliwang bahay ni Kuya”, kung saan si Princess lang ang babaeng housemate. Samantalang si Toffi naman ang unang pumasok sa “kanang bahay ni Kuya” na kung saan sya lang ang lalaki. Nakakatuwa nga kasi hindi sya tumuloy pumasok sa kwarto dahil puro babae, hinahanap nya ang kanyang mga male housemates. Hehe. 🙂 Goodluck talaga sa kanila.

At mukhang may madadagdag pang housemates next week, as mainstay PBB hosts Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez and Bianca Gonzales said na may PBB Double Up: The Spooktacular Reveal next week.

Daming surprises ni Kuya. O ayan, kumakanta na ulit si Macoy ng Pinoy Ako, na-miss ko yan in fairness. 🙂

So see you guys sa next update. Sana makanood ako ng TV kahit busy. 🙂

New season, new look

Hi guys. Two weeks na ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 pero hindi pa rin ako masyadong nakakapag-post ng mga bagay bagay. Hindi pa kasi ako masyadong nakakapanood. Pero anyway, thanks pa rin sa pagvisit ng site na to. Hopefully I could write more in the next few days. Dapat lang may internet connection na ko sa bahay e. Dati sa office lang ako nagsusulat ng updates for this site. Hehe. Kung napansin niyo, may new look na rin yung site. Minor changes lang naman pero hopefully you’ll like it. Another update about this site, Tatlo na kaming nagcocontribute sa site na ‘to. Dati kasi ako lang at yung webmaster. Ngayon, may nadagdag na isa pa. At least ngayon may female point of view na rin. Mas exciting na kasi kahit kaming mga contributors pwedeng mag-away away dahil sa iba’t ibang naming opiyon about the housemates, about Big Brother, o kahit ano pa. Keep on watching Pinoy Big Brother and for more Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 updates, please continue to visit this site pbb.rebelpixel.com.