What can you say about Kevin’s dad?

He seems like he’s a fun person. He seems to be the loud one of all the teens’ guardians. In other words, he seems to be a cool dad. Kaya lang huwag mo lang siyang gagalitin. Scary kapag makabangga mo itong father ni Kevin. Sigawan kung sigawan. Ang taas ng decibel level ng bahay kapag nagalit na siya. At siyempre wala siyang pinapalampas kahit na babae. I guess marami na rin siyang na-offend. Yung mom ni Beauty pati yung Tita ni Josef. But I can see his point kung bakit siya nagalit sa Tita ni Josef. May task sila ng tita ni Josef kaya lang it seeems na Josef’s tita was shooing him away. And then he burst. At ayun nagwala. Mamayang gabi, magwawala na naman itong dad ni Kevin. Panoorin na lang natin kung bakit mamaya sa PInoy Big Brother Teen Edition Plus sa Prime time. Kawawa naman si Josef, siya naman ang magiging biktima ng sigawang magaganap. Hmm… Abangan!

Kayo? Ano ang feeling niyo sa dad ni Kevin? Ako, I think, he needs to control his temper. Life inside the house and life in general is not a shouting match wherein the person with the loudest cries wins. Everything can be talked about and fixed if we not let our emotions get in the way. Baka atakihin pa siya sa puso with all his outbursts. He can still be respectful trying to prove a point na tama siya at mali yung iba. He can do that by not shouting at them but talking to them without raising his voice. I guess hindi lang siya sanay sa Pilipinas. Pero kailangan na rin siyang masanay. He has to. I think his days inside the house are numbered since Josef and Nicole I think have enough votes to get them through this week. Kaya lang I could be wrong. Kayo? What do you think about Kevin’s dad?

Without Josef Nicole feels alone

Nicole (together with Josep and Kevin) is nominated for eviction this coming Saturday. It’s her first time to be nominated. At siyempre with this predicament Nicole may very well need a good friend. Kaya lang Josef is not with the other housemates. He was asked by Kuya to stay with the guardians. Most housemates already had the chance to do this. Nan, Ejay and Jolas, and the other girl housemates. It’s Josef’s time to stay there. Kaya lang nga, bad timing. Nicole needs her. Sila naman kasi ni Nicole yung may ‘understanding’. Parang sila lang kasi yung nagkakaintindihan sa loob ng bahay. I guess pareho kasi silang ‘sosyal’. You know, pareho silang ma-english and stuff. Nicole can’t really relate that much to her other housemates. Kaya ayun si Josef yung naging friend niya since parang pareho naman silang well of. At parang ngang absence makes the heart grow fonder dahil nung nagkita sila ulit dahil the guy housemates had to change their hairstyles, nag-drama itong si Nicole kay Josef. Nicole’s saying na pag labas daw ni Josef e baka hindi na sdaw siya npansinin ni Josef. Hmm… parang a few episodes ago si Josef yung nagsasabi nun. This time si Nicole naman. Hmm… MU na ba ito? Hehe. Basta hayaan natin sila maging masya. What do you think about them?

Kevin naihi sa kama

First time lang yata sa loob ng PBB house na may naihi sa kama. Tama ba? Could you recall any instance na nagyari na ito in the past editions of Pinoy Big Brother. Ako hindi. Na-stress pala itong si Kevin ng matindi courtesy of his being ‘supot’. He doesn’t want to do what Alex did. He’s being pressured by his dad to do it since it would be charitable for him to do so with 100 children getting free circucision once he decides to undergo the knife. Pressure kung pressure talaga. Mahirap for him I guess kasi parang nakakahiya to talk about it tapos you’re on nationwide tv. At siyempre sosyal ang pag-argue nilang mag-ama. Spanish kung Spanish. Gusto na tuloy mag voluntary exit nitong si Kevin. Buti na lang Big Brother was supportive of his decision. Kuya doesn’t want to force anyone into something they don’t like. Ang gulo gulo na talaga aprang lahat gusto magvoluntary exit. Anyway abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Linda chooses family over PBB

So last night pinakita na Linda decided to choose na mag-voluntary exit para makapag-spend siya ng time together with her family sa isang all expenses paid vacation na courtesy ni Kuya. I guess it’s a no brainer for her to get it. I mean it’s hard to decide and all pero the way things are going, na she’s nominated for the second straight week, mapapaalis din naman siya sooner or later. At least now na nag-decide siya to chose the vacation with her family, she’s going it in style. Diba ang taray. Saan naman kaya iyon? Hopefully somewhere they can all enjoy and have a great time. And somewhere they could talk as a family. More power na lang kay Linda.

Valerie: ‘I like Ejay’

Nakakatawa din itong si Valerie. She talks to Nan saying that she thinks Ejay doesn’t like him. Iniisip ni Valerie na ang gusto talag nitong si Ejay si Linda. Siyempre Nan asks her why she says na ganun. Valerie thinks na Ejay likes quiet girls. She also adds na parang mas bagay si Ejay kay Linda dahil pareho sila ng situation. So nagtanong naman si Nan kung nagseselos si Valerie. Ang nasabi na kang ni Valerie na she likes Ejay. Kung alam lang ni Ejay ang pinag-usapan nila Nan at Valerie. Siguro naman sasabihan nman nitong si Nan ang kaganapang ito kay Ejay. And let’s see from there. Go Ejay, kaya mo yan. Hehe.

More teen loveteams inside the PBB House

Tawang-tawa na naman ako sa episode kagabi. Hindi naman talaga nakakatawa pero I can’t help but laugh pag pinapakita yung mga housemates at nagtutuksuhan sila about having crushes on each other. Kahit ba naman dun sa ginawang pagpili ng quilt na gawa ng guardians, na-connect pa rin ng mga housemates sa loveteam. For example, yung quilt na A + L = AL. Ang sabi ba naman ng mga housemates na para yung kay Alex at Linda. I’m sure natutuwa si Linda at Alex sa mga pang-aasar na yun. Hehe.

More about Alex and Linda. Pinakita din pala kagabi yung scene na nag-uusap sina Linda at Alex. Linda was trying to say to Alex na wag siya mag-smile kasi ayaw niya mag-fall. Alex naman wanted Linda to elaborate further. It’s either hindi niya talaga alam or fishing lang tlaga si Alex. I doubt na di niya alam. Feeling ko nag-fi-fish lang itong si Alex. Hehe. Sumagot naman si LInda to the effect na ‘I hate you’ kasi she’s being forced to say it. Haha. Ang cute ng scene ito. So typical teen love/kilig scene. Hehe. In the end Linda (I think nasa confession room na siya nun) was saying na she has someone waiting outside at ganun din naman si Alex.

Then there’s Nicole and Josep (pronounced as Yosef). Hehe. Pinag-sacrifice kasi sila ni Kuya including beauty para makapag-pa-parlor naman yung mga guardians nila. So they had to be peacocks. Big Brother gave them make-up and other stuff to decorate themselves with. When they were done designing their looks, pinag-explain naman sila. At siyempre kasama kasi sa decoration nila ang mga initials ng isa’t-isa. Nicole had JE on her face para sa initials ni Josep. At si Josep naman may nakasulat na NU sa kanyang chest. Ang cheesy diba. Haha. Nakakatuwa lang, though I don’t really like Josep, at that time nakakatuwa lang sila. Yun nga kasi ang chessy nila. Hehe. Dinamay din pala nila si Beauty. Si Beauty rin may initials sa mukha na K. Kay Kevin pala yun. So kagabi ko lang nalaman na may Beauty Kevin team up din pala.

The last loveteam ay ang tall and towering loveteam nila Ejay at Valerie. Hindi ko masyading napanood ng mabuti yung part na ito dahil hindi ko alam kung matatawa ako or what. Sometimes kasi parang ako yung nahihirapan for Ejay. I think he’s at the point of telling Valerie that he likes her kaya lang siyempre English dapat kaya challenge ito. Hehe. Loveteam galore na talaga ang episode kagabi.

Sa mga loveteams na ito sino ba ang pasok sa panlasa niyo? May mga ayaw ba kayo sa kanila? In terms of closeness I think Linda and Alex and Nicole and Josep are the ones leading the way. Tignan na lang natin what happens.

Rescue Nan task

Medyo late na post na ito pero i-po-post ko pa rin. Sobrang natawa lang kasi ako sa task na pinagawa ni Big Bro sa piling housemates para i-save si Nan. To rescue Nan from the Guardian’s area, kailangan malipat itong si Jolas at Ejay sa Guardian’s secret area ng hindi nito nalalaman. Kailangan pag-gising nila nandu na sila. Akala ko nga hindi nila ito magagawa pero ang galing. Nagawa nila kahit na nung una ang nahirapan sila dahil palaging nagigising itong si Ejay. Tawang-tawa talaga ako everytime na sinusubukan nila na hilahin yung dalawa at nagigising yung dalawa. Best actor silang lahat kasi nag-prepretend sila na wala silang ginagawa kahit pag nagiging yung dalawa. Mabuti naman at nung tulog na tuog na yung dalawa nagawa naman nilang buhatin at ilipat sila sa secret area. I guess good idea talaga na sa living room sila pinatulog para mas madali. COngrats housemates for a job well done sa task.

Kevin and Linda are nominated

It’s Linda’s second time to be nominated. First time naman nitong si Kevin. I’m not so sure kung sino ang malakas in terms of votes pero the percentage of votes form the first eviction mukhang mahina itong si Linda. Second to the last siya in terms of votes dun sa first eviction. Sinuwerte lang siya at mas mahina sa kanya si Jieriel. Si Kevin naman hindi ko sure. Wala kasi siyang kamag-anak dito. At wala din yata siyang province. At least si Linda na taga Iriga has some province votes to support her. Ang hirap hulaan pero I guess si Linda ang maaalis. Agree ba kayo?

Parang maraming hindi natutuwa dito kay Jieriel

Hindi ko gusto yung girl na short hair at paos. That was what my sister said when she saw Saturday’s episode of PBB teen edtion plus. Siyempre I know na she was talking about Jieriel. She seems to have this something na hindi ganun ka-likable. Pero hindi naman talaga fond ang ate ko sa mga kikay na tao. Pero parang from the other comments of other people, parang ayaw din nila itong si Jieriel. I can’t really pin point it. Maybe it’s her palaban and vocal personality. She was even advocating during her graduation speech to be vocal. Kayo? Ano ba yung meron si Jieriel kung bakit parang ayaw siya ng ibang tao?

Ejay and his secret

Kaya naman pala kakaiba ang itsura nitong si Ejay. May halong foreign blood din pala siya. At siyempre hindi pala ito alam ng kanyang kinikilalang ama. Sinabihan yata siya ng kanyang mga tita (mga kapatid ng kanyang nanay) na hindi talaga si Mang Erning ang kanyang ama. Isa daw itong French. Sa una ay ayaw makaharap nitong si Ejay ang kanyang ama. Ang hirap din naman kasing sabihin ang ganung bagay. Natrual na masasaktan ito pero kapag nagawa naman niya ito ay magiging malaya na siya sa kanyang sikreto. Ako rin ay naawa sa ama ni Ejay. It isn’t fair. Sa bagay, ganun naman talaga ang buhay. Ang nasabi na nga lang ng ama ni Ejay pagkatapos sabihin ni Ejay ang kanyang tinatago ay ‘Niloko pala ako ng nanay mo.’ Nakakawa naman talaga. Buti na lang at reassuring naman itong si Ejay sa kanyang ama. I’m sure natutuwa pa rin itong si Mang Erning na si Ejay ang kanyang naging anak kahit may ganitong mga rebelasyon. Dahil nasabi na ang sikretong ito, parang nabunutan na ng tinik itong si Ejay. Good for him. Hopefully nothing changes in their relationship.