Roxie and Luis Alandy

Humaba na naman ang pila ng mga lalaki sa buhay ni Roxanne Barcelo aka Roxie. Ang bagong panagalang ikinakabit ngayon kay Roxie ay member ng Barako Boys na itago na lang natin sa pangalang Luis Alandy.

Grabe na to. Masyadong mahaba na ang buhok ni Roxie dahil sa lahat ng lalaking nali-link sa kanya. I guess, ang dapat sa kanya ay ipakalbo ni Big Brother. Hehe.

Though I really don’t know kung nakakaganda para sa kanya ang ganitong reputasyon. Hindi ko tuloy alam kung nakaganda ba sa kanya ang pagsali sa Pinoy Big Brother Celebrity edition. Mahirap magmukhang sinungaling sa harap ng maraming tao. Hindi rin maganda na mabansagang iyakin. At ang pinakamabigat sa lahat ay isipin na malandi. Ang kasamahan niyang si Keanna ang nagsabi niyan. So is it all worth it for Roxie? Ewan natin, we won’t know until she finally gets out of the house.

Eviction forecast

Among nominees Gretchen, Zanjoe, John, and Rico, Rico has an edge in the sense that he has already been in that situation before. He has survived twice thanks to the text votes of his supporters. John too has an edge since he enjoys quite a following specially to the girl viewers of PBB. I even know of some people who watch PBB just because John is there. So this makes Zanjoe and Gretchen as the vulnerable ones come eviction night.

The pace begins to quicken this week with two evictees happening from this week on until the Big Night. The next eviction night will be held on Wednesday and the one after that on Saturday. Unless Zanjoe and Gretchen’s followers show full force this week, I guess they will have to say goodbye. I just don’t know who goes out on Wednesday or Saturday.

Kayo? Sino sa palagay niyo ang two evictees for this week?

Is Bianca falling for Zanjoe?

Does it seem like Bianca Gonzales, our Y-Speaker of the House, is falling for Zanjoe, ang coverboy ng Batangas?

Depende sa magiging interpretasyon natin lahat sa mga pag-uusap nila kagabi.

Are they flirting or what? Kayo? What do you think? I always saw Bianca in good light so when others would say that Zanjoe and Bianca were flirting with each other, I would not really know what to say. We shouldn’t be reading too much into their actions. Unless there is something in their actions that should let us think further.

Though I think Bianca is just being nice, it’s really different when all your actions are being monitored by cameras. Some would say that there was something about the hug they had at the end of their day/conversation. Parang ayaw bitawan nitong si Bianca sa pagkaka-hug itong si Zanjoe. Maybe she treats Zanjoe as a friend. Friends are allowed to talk that way di ba?

Gretchen umaming may naka-MU

Kahit mukhang astig itong si Gretchen ay may panahon pa pala itong umibig. Nung isang gabi sa PBB Celebrity Edition ay tinanong siya ni Big Brother kung naranasan na niyang umibig.

Nabanggit niya na atleta at gold medalist din itong lalaking ito na nagpapatibok sa kanyang puso. Nabanggit din nga niya ang panagalan ngunit nakalimutan ko na kaya hindi ko na isusulat. Itanggi kaya siya ng lalaking kanyang tinutukoy? Ang kanya bang pag-amin ay gagawa ng reaction sa mga manood tulad ng nangyari kay Roxanne? Abangan na lang natin sa kanyang paglabas.

Big Bro asks Budoy about his hair

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula ngunang pumasok anfg mga housemates sa bahay ngutnit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisilayan ng mga manonood kungano ang nakatago sa loob ng pudong ni Budoy. Akala ko ay kung anong kaartehan at pagiging artist lang ang dahilan ni Budoy para magign ganun ang kanyang buhok.

It turns out na may pagka-religious ang dahilan para maging dreadlocks ang buhok ni Budoy. I guess Budoy took his being a reggae singer a step further by believing in Jamaican beliefs and culture. May nabanggit na term si Budoy kagabi na Rastafari. Hinanap ko ito sa web at ito ang nakita ko:

Dreadlocks and Rastafari
Rastafarians grow their hair into dreadlocks because it is a part of the Nazarite Vow. (Also their dietary rules are part of the law) All Rastafarians take this vow and claim it is commanded by the Bible (Leviticus 21:5 “They shall not make baldness upon their head, neither shall they shave off the corner of their beard nor make any cuttings in their flesh”).

Sa ngayon ay hindi pa handa si Budoy na ipakita ang kanyang buhok. Siguro ay darating din ang panahon para diyan. Siguro pagnanominate at mefeel niya na ma-e-evict na siya siguro baka ipakita na niya.

I guess natatakot lang siya sa magiging reaction ng tao sa kanyang buhok kung tanggalin niya yung takip kasi baka magamoy ito. Hehe. =) Kung tunay ngang tatlong taon na niyang hindi ito ginagalaw, malamang nga ay mangamoy na ito.

Ang cute ni Jasmine

Noong isang gabi ay pumasok itong si Jasmine Trias sa bahy ni Kuya at namalagi doon sa loob ng isang araw. Naing maganda naman ang pagtanggap sa kanya ng mga housemates. At naging maganda din naman ang mga nangyari sa loob ng bhay habang nandoon siya sa loob. Nagkarron ang mga housemates ng Pinoy Idol, nagkaroon sila ng Hawaian inspired party, natuto ang mg housemates gumawa ng Hawaiian garland, tinuruan naman nila si Jasmine magluto ng adobo at kung paano gumawa ng packed lunch pinoy style. Nakaktuwa rin yung time na pinagsabihan siya ni Big Bro na bukasan ang kanyang mic kasi nagsasalita siya pero hindi ito nakabukas. pati rin yung pag-aalinlangan niya kung ibibigay at pipirmahan ang mga CD niya para sa mga housemates. I guess mutually naging beneficial naman both for the housemates and for Jasmine ang kanyang pagdalaw. Ang hindi lang maganda sa mga narinig ko sa pagpasok ni jasmine mula sa mga manonood ay wala na daw career itong si Jasmine kaya pumatol sa pag-guest sa big Brother. Sikat pa naman iya at kalalabas pa lang naman ng album niya diba? At ang pinakamahalaga ay, tulad ni Gretchen, patuloy niyang nabibigyan ng karangalan ang ating bansa. Kahit hindi ako masyadong fan ni Jasmine dati, natutuwa na ako sa kanya ngayon dahil sa pakikisamang ginawa niya sa loob ng bahay. Kayo? sa palagay niyo naging plastik ba si Jasmine sa loob ng bahay?

Roxie walang boyfriend!

Nilinaw ni Roxie na wala siyang boyfriend bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother House. Officially ay naging sila noong Feb. 14, 2005 at nagbreak na sila Roxie at Marty noong November pa. Bago pumasok si Roxie sa bahay ay nagkausap pala sila nitong si Marty dahil tila nakikipagbalikan sa kanya itong lalake. Ang nasabi lang naman niya ay maging friends muna sila at ayusin na lang nila pag-usapan na lang nila paglabas niya sa bahay. Samakatuwid, si Roxie at matry ay hindi magboyfriend kundi sila ay mag-ex.
Masyado na bang huli ang lahat para kay Roxie dahil nagmukha na siyang sinungaling? Tignan na lang natin ang epekto nito sa Sabado kung siya ang mapapaalis.

Isa-isa nang nalalagas ang mga housemates

Sampung housemates na lang ang natitira sa loob ng bahay. May dalawang lalake na at dalwang babae na lumabas sa bahay. Ang susunod ay isa pang babae dahil isa kina Roxie, Aleck at Keanna ang maaring matanggal sa darating na Sabado. Sino kaya ang lalabas? Malakas ang feeling ko na hindi si Keanna yun. So it’s a fight between Roxie and Aleck. With all the negative buzz tungkol kay Roxie, hindi malayo na baka siya ang matanggal dahil marami na rin ang naiinis sa kanya. It could also be Aleck since she already received a good enough amount of 100,000 Pesos because she shaved her hair. Kayo? What’s your opinion? Sino ang gusto niyo maalis?

Roxie itinatwa ang ‘boyfriend’!

Nagsimula na ang Lenten Season sa Ash Wednesday nito lamang nakaraang linggo. Isa sa mga pangyayari sa Lenten Season ay ang pagtatwa ni Pedro kay Hesus ng tatlong beses. Sa loob ng Pinoy Big Brother House may tila Pedro na nagtatwa sa ibang tao sa labas ng bahay. Itago na lang natin siya sa pangalang Roxie. Kung si Rico yung masama in some of the past episodes ng PBB celebrity edition, kagabi ay medyo hindi maganda ang napakitang imahe ni Roxanne. Lumalabas na hindi nagpapakatotoo at pawang arte lamang ang ginagawa ni Roxanne kung tatanggapin natin ang polygraph test kung saan siya bumagsak. Para sa boyfriend ni Roxie ok lang naman siguro na bumagsak si Roxie sa lie detector test pero kung hindi niya pag-amin sa inyong relasyon ang nagpabagsak sa test na iyon, ibang usapan na yun. Makikita sa mukhang ng ‘boyfriend’ ni Roxie ang galit sa pagtatatapos ng nomination episode nila noong Linggo. Nung pinakita ang video sa test ni Roxie, halos hindi na makita ang mukha nung ‘boyfriend’ ni Roxie sa pagkakayuko. Hiyang-hiya siguro siya sa kanyang sinapit lalo na sa national tv pa. I feel for this guy. Kawawa naman. Buti naman ibigyan siya ng chance later tonight upang linawin ang mga pangyayari at siguro upang maglabas na rin ng sama ng loob. Abangan na lang natin mamaya.

The house becomes interesting once more

After watching PBB season one and celebrity edition religously, I have gotten so used of watching it on tv that I don’t look forward to it anymore. I guess iba talaga yung impact nung first season. Pero all that changed with last night’s episode. Mukhang interesting na ulit ang mga pangyayari. I found the new task very nice since the housemates took the challenge up a notch by doing exhibitions while making the table cloth pulling challenge. Siyempre nakakatuwa to see the different ways kung paano nila gagawin yung weekly task. May acting, modelling, at iba iba pang paraan ang mga housemates na nakakaliw panoorin. Kahit si Bianca hindi nagpatalo naka-split pa habang hihilahin ang table cloth. =) Tapos another thing na mukhang interesting is Rustom and Kenna’s talk. Yesterday we saw a glimpse of it. Though parang itutuloy ngayon since medyo teaser pa lang yung pinakita kahapon. I guess this will be the most watched episode for the celeb edition.