This for this week the housemates task is to be the surrogate mother of a few eggs. The main goal is for them to provide enough heat for the eggs to hatch using a bicycle powered incubator. It’s kind of borinng since all they have to do is sit on the bike and pedal away. But of course, the challenge for them is to pedal along for 16 hours a day. This gives one housemates around 2 hours a day to be the surrogate mother of the eggs. I guess this would really test the housemates endurance. This is not a bad challenge though since it would give the housemates reason to shape up.
Sabi nga ni Toni kagabi, hiyang ang mga housemates sa loob ng bahay ni kuya. In other words, nagtatabaan sila sa loob ng Baha ni Kuya. Paglabas kaya nila sino ang pinakamaraming na-gain na weight? Magtuloy-tuloy na kaya ang pagiging flabby ni Uma? Pero parang si Jason yata ang pinakanakinabang sa lahat pagpasok sa bahay dahil mukhang malaki rin ang nagbago sa kanyang timbang. Sa girls sino ba? Ang sexy kasi ng mga girl housemates e. Si Racquel pala lost weight noong lumabas siya sa Big Brother House. Good for her.
Anyway, balik tayo sa pagiging hatchery ng PBB House. Though parang boring yung weekly task nila. Ok naman yung episode kagabi kasi may egg related activities na ginawa ang mga housemates na nakakatuwa. Siyempre, nagkadiskusyon sila kung ano ang nauna ang itlog o ang manok. Other topics they discussed were: kung ano ang priority/ inuuuna nila sa buhay nila at kung nangaling ba ang tao sa unggoy. Natawa talaga ako dun sa comment na ipinalabas kagabi nung nagsasalita si Cass. Ang layo na ng inabot ng sinasabi ni Cass (read: ang tungkol sa alikabok sa balat) pero ang topic ay kung ano ang galing ba ang tao sa unggoy. Huwat? Pero in fairness ok naman yung word na alikabok since ang tao ay nanggaling sa alikabok according to the bible diba? Kaya nga may Ash Wednesday eh. I like discussion like that kasi i get to see how each housemate thinks which makes me feel that I get to know them better lalo na nung pinagusapan yung priorities nila sa buhay. Another activity na ok din is yung blow the rubber ducky. Nanalo ang guys team nila Jason, Sam and Uma. Pero mukhang nag-enjoy naman silang lahat sa activity kaya parang winners na rin sila Say, Nene, and Jenny. Little did they know na ang prize pala nila sa contest na yun ay balut. As usual nakakatuwa ang kaartehan ni Uma. Patok na patok sa akin lalo na nung nagsara pa siya ng pinto para iwasan ang balut. As if kakainin siya ng balut. Ano pa kaya ang mga challenges na gagawin nila today? Related pa din kaya ito sa itlog? Hmm…