Kaya naman pala kakaiba ang itsura nitong si Ejay. May halong foreign blood din pala siya. At siyempre hindi pala ito alam ng kanyang kinikilalang ama. Sinabihan yata siya ng kanyang mga tita (mga kapatid ng kanyang nanay) na hindi talaga si Mang Erning ang kanyang ama. Isa daw itong French. Sa una ay ayaw makaharap nitong si Ejay ang kanyang ama. Ang hirap din naman kasing sabihin ang ganung bagay. Natrual na masasaktan ito pero kapag nagawa naman niya ito ay magiging malaya na siya sa kanyang sikreto. Ako rin ay naawa sa ama ni Ejay. It isn’t fair. Sa bagay, ganun naman talaga ang buhay. Ang nasabi na nga lang ng ama ni Ejay pagkatapos sabihin ni Ejay ang kanyang tinatago ay ‘Niloko pala ako ng nanay mo.’ Nakakawa naman talaga. Buti na lang at reassuring naman itong si Ejay sa kanyang ama. I’m sure natutuwa pa rin itong si Mang Erning na si Ejay ang kanyang naging anak kahit may ganitong mga rebelasyon. Dahil nasabi na ang sikretong ito, parang nabunutan na ng tinik itong si Ejay. Good for him. Hopefully nothing changes in their relationship.
totoo bang di alam ng tatay ni ejay na di siya tunay na ama?di ba siya nagduda at iba ang hitsura ni ejay..may pinakita pang photo ng kabataan pa ni ejay na blonde ang kulay ng buhok niya.