Anu-ano nga ba ang nangyari ngayong gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2?
Marami…
- Naglaro ang mga housemates ng isang relay game sa pool. Boy versus Girls. Kailangang magcross dress ng mga housemates, lumoblob sa pool, tumawid, at bumalik sa pinaggalingan, at hubarin ang cross dress na damit at ibigay sa susunod na housemate. Ang unang team na matapos ay magkakamit ng isang Night Out. Nanalo ang mga babae. Siguro dahil gentleman lang talaga ang mga housemates.
- Bilang premyo, binigyan ni Kuya ng Girl’s Night Out ang mga babae. Pinagsilihan ng mga guy housemates ang mga girls sa pamamagitan ng isang presentation, at masahe. Tuwang-tuwa ang mga girl housemates sa presentation ng mga guy housemates na parang nag- the Full Monty sa kanilang ginawa. Hindi ko lang alam kung ano ang mas ikinatuwa ng mga girl housemates kung yung presentation ba o yung attire ng mga guy housemates na naka boxers lamang at nakatakip na tuwalya.
- Nagkaroon din ng audition para sa magiging newscaster ng Pinoy Big Brother Balita. Ang Pinoy Big Brother Balita ay ginawa upang mabigayan naman ng ideya ang mga housemates kung ano na ang nagyayari sa labas ng bahay. Pero siyempre since game pa rin ito, ang ilan sa mga balita ay kathang isip lamang. Nabahala ang mga housemates sa audition piece na ipinabasa sa kanila dahil tungkol ito sa pagsabog sa Glorietta. Sa audition naman ay nakakatawa talaga ang ilan sa mga housemates tulad nila Riza at lalo na si Will.
- Napili para magbalita sina Ethel at Ruben. Ang ilan sa mga binalita nila ay ang pagpasok umano ni Akon sa bahay ni Kuya, ang pag-extend daw ng Big Brother ng 2 linggo which means doon sila magpa-Pasko at Bagong taon sa bahay, ang pagsabi ng isang housemate na user daw ang isang guy housemate dahil lang gusto nitong makahanap ng loveteam, at ang pakikipag-date sa iba ng isang special friend ng isang celebrity housemate (imbento lamang ito pero mukhang super affected itong si Mariel, baka bukas makita natin kung affected nga ba itong si Mariel, Hmmm…. abangan!!! susunod!!!).Nakakatuwa sila Ethel at Ruben dahil meron din silang komentaryo at dialogue pagkatapos nilang basahin ang balita.
May nakalimutan pa ba ako? Comment lang kayo.
sa lahat ng season dito ako nag eenjoy,nakakatuwa ang pag babalita nila last nyt lalo na yung mga hindi marunong ng tagalog,they really make me laugh,na ngayon ko lang ginawa sa lahat ng season ng PBB.professional silang lahat,galing ng team up nila,hindi mo na kailangan humanap ng mag aaway para lang me abangan ka!Great job PBB staff!!!We really enjoy watching PBB abroad..Keep it up!!
I notice na parang scripted lang lahat ang nangyayari sa PBB House and, sometime di na nakakatuwa, nakakainis lang.
I hate gladys ha! the way she act’s para sayang batang ikinulong ng di nya alam kung hanggang kailan sya lalabas. Dapat she knows that already na talagang sakripisyo db! why kasi lumipat sya ng station tapos dyan sya agad ilalagay…Hmmm…
I’ve really enjoyed reading your articles. You obviously know what you are talking about! Your site is so easy to navigate too, I’ve bookmarked it in my favourites 😀