At long last : Another new update

After ten years, nagkaroon na naman ako ng time para magsulat. Thank God. Sa sobrang tagal since last na sumulat ako, sobrang dami na ng nagyari. From what I remeber ang mga bagay na hindi ko na nasulat pero feeling ko dapat naisulat ko: ang pag-voluntary exit nina Ethel at Macoy, ang paglabas ni Mariel, ang muling pagpasok ni Mariel sa bahay, ang pagiging Big Sister ni Mariel, ang muling pagbalik ni Gabby sa loob ng bahay ni Kuya, ang loveteam nina Donnie at Gabby, ang pagpasok ni Gladys Guevarra sa bahay, ang struggles ni Gladys sa loob ng bahay, ang alitan nila Gladys at Will, ang pag-voluntary exit ni Gladys, ang pag-lalasing ni Baron. Ang dami diba?

Ngayong gabi sa Pinoy Big Brother, ang daming nangyari…. as usual. It started na ok naman. Super laugh trip na naman since may task sila na gayahin ang isa’t-isa. Siyempre panalo nung ginagaya nila si Mariel at Riza. Ang galing, sobra. Pero parang na-offend yata si Riza. Medyo pati si Will nga din e. I guess dahil yun sa reaction din ni Riza. Alam niyo naman they have a thing so pareho dapat sila ng stand.

After naman nun pinakita na naging efficient naman ang mga housemates sa paghahanda ng breakfast para sa mga nag-attend ng Simbang gabi. Another thing that happened was yung pag bibigay ng housemates ng mga good deeds sa isa’t-isa in secret. It was also Ethel’s birthday so she prepared some dinner for everyone. Ethel’s good thinking of not saying para kanino yung hinanda niya surprised the housemates. Akala kasi nilang lahat na may date that night si Ethel. Ang super nakakatuwa pa e yung nakita ni Ethel as in huli talaga ni Ethel na mag-good night kiss sila Will at Riza. Super selos siyempre si Ethel. Pero siyempre nakakatuwa pa rin kasi nga nakakatuwa yung mga reaction ni Ethel lalo na pag tungkol kay Will.

Kaya lang the episode ended on a really sad note. Si Yayo kasi. Yayo’s mom died and because of that she has decided to leave the house. Bukas pa sasabihin yung details pero nakakalungkot lang. Sayang si Yayo but she really has to leave. Wala ng cool na parent figure insdie the house. I hope she weathers this storm in her life

Mariel’s Mysterious ‘Friend’ Visit

Dahil sa successful na task na ginawa ni Mariel sa pagtuto ng iba’t-ibang uri ng pag-ibig sa mga housemates, binigyan ni Kuya si Mariel ng isang reward. Nagkaroon si Mariel ng 100 seconds moment sa kanyang special someone aka her mysterious ‘friend’.

Parang batang tuwang-tuwa sa kanyang bagong laruan ang itsura ni Mariel nang masilayan ang kanyang ‘friend’. Ayaw pa ngang umalis ni Mariel nang sabihin ni Kuya na tapos na ang kanyang 100 seconds. Ayon sa aking research, pagkatapos ng ilang minuto pagkalabas ni Mariel sa confession room para sa kanyang 100 seconds ay pinatawag daw siya ulit ni Kuya. Pagkalabas niya daw sa confession room sa pangalawang pagkakataon ay tuwag-tuwa daw ang dalaga. Hindi kaya pinagbigyan ulit ni Kuya si Mariel na makapiling ang kanyang special ‘friend’? Hmmmm.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring misteryo ang ‘friend’ na ito ni Mariel. Katulad nga nang una kong sinabi, minsan nang nabanggit ni Mariel na ang ‘friend’ na ito ay si Zanjoe Marudo. Sa aking panoood kagabi, napansin kong matangkad ang mysterious ‘friend’ na ito ni Mariel. Di hamak naman na matangkad si Zanjoe hindi ba? ๐Ÿ˜›

Mariel, handa na nga bang lumabas sa bahay ni Kuya?

Nang pumasok si Mariel Rodriguez bilang unang special celebrity houseguest ay talaga namang hindi handa ang dalaga. Wala siyang kaide-idea na ikukulong na siya doon ni Kuya. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay. Nagulat at nasorpresa man ang TV host ay natuto ring siyang makisama sa iba pang mga housemates.

Sa kanyang pamamalagi sa loob ng buhay ni Kuya ay nakita ng buong sambayanang Pilipino kung sino talaga ang totoong Mariel Rodriguez – makulit, nakakatuwa ang personalidad, fashionista at masasabi na ring parang ordinaryong Pilipino rin na tulad natin. Maraming tao ang natuwa sa kanya kaya naman ay nakatulong ang dalaga sa pagtaas ng ratings ng naturang show. Ngunit, may mga tao rin namang naiinis sa nasabing special celebrity houseguest. Marami ang naiirita sa kaartehan, pagco-conio at pagkaiyakin ni Mariel. May mga nababasa ako na sinasabi nilang pag-arte lang ang pag-iyak ni Mariel sa iilang insidente sa loob ng bahay. Ang iba ay na-o-OA-an sa kanyang mga reaction. Pero ang pinakamatindi sa lahat ay ang pagsasabi ni Mariel ng ibang mga bagay-bagay na maaring makapagpakasakit sa ibang mga tao.

Sabi nga ng ilan, nauuna pang magsalita si Mariel bago mag-isip. Taklesa nga sabi ng iba. Andyan ang kanyang komento kay Bea Alonzo na sinabi niyang nagpa-lipo, na sinagot naman ng aktres ng “Talagang exercise and South Beach diet ang reason kung bakit ako pumayat. I donโ€™t know where Mariel got the idea na nagpa-lipo ako.โ€ Nariyan rin ang pagsabi ni Mariel na “kadiri ang showbiz” sa isang pag-uusap nila ni Jon Avila na ihiningi naman ng pagpapaumanhin ng kanyang manager na si Boy Abunda.

Naging mainit din si Mariel Rodriguez sa paningin ng mga tao ng kanyang laging nababanggit ang kanyang “friend” sa loob ng bahay ni Kuya. Ito pa ay lalong lumiyab ng tawagan ni Mariel ang kanyang naturang “friend” at humagulgol habang sila ay magkausap. Nang minsang iharap ni Ethel Booba ang tarpaulin na mayroong imahe ni Zanjoe Marudo kay Mariel ay sinabi ni Mariel sa ilang housemates na “meet my friend”. Si Zanjoe nga ba ang tinawagang “friend” ni Mariel? Na-interview si Zanjoe sa Entertainment Live noong nakaraang Sabado ngunit ang kanyang sagot lamang ay “hindi ko aamin at hindi ko idedeny. hayaan nating maging misteryo ang friend na un na ginawa ng show.”

Sa nalalapit na paglabas ni Mariel sa bahay ni Kuya, handa na nga ba talaga ang TV host/actress sa mga issue na sasalubong sa kanya? Aaminin kaya ng dalaga kung sino si “Friend”? Anong depensa ang gagawin nya sa nabitawan niyang “kadiri ang showbiz”? Anong damage control ang gagawin ni Boy Abunda para sa kanyang alaga?

Abangan.