Feeling na mga Boys ng House B

Hay naku, kagabi pa ako di mapakali. Matagal-tagal na rin akong di nakapagsulat dito sa PBB Updates pero mula nang mapanood ko yung episode kagabi e alam kong dapat kong isulat ang opinyon ko, kung hindi…baka sumabog pa ako :p

Sa simula ng linggo ay pinadalhan ni Big Brother ng bagyo ang mga housemates, ang Bagyong Walay. Hango sa salitang “Hiwalay”, nawalay ang mga magkakalapit na housemates ng dalawang bahay nang pinagpalit ni Big Brother ang mga girl housemates sa magkabilang bahay. Dahil dito, sila Rica, Melay, Cathy at Carol ay lumipat sa House B, habang sina Mariel, Yuri, Kath at Sam naman sa House A.

Syempre nagulat ang lahat sa bagyong dumating. Unang pinarating ni Kuya ang balita sa boys ng House A. Kitang-kitang nabigla ang mga boys, lalong-lalo na si Jason na napatungo sa narinig (dahil siguro natakot syang mahiwalay kay Melay). Dahil dito ay gumawa ng paraan sina Tibo, Paul Jake, Johan at Jason upang mapasaya ang kanilang girl housemates sa mga huling sandali na sila’y magkakasama. Super sweet nga nakakatuwa. 🙂

Sa kabilang bahay naman ay unang pina-alam ni Kuya sa mga girls ang mangyayaring palitan. Hindi na rin ako nagulat sa medyo-OA na reaksyon ng mga girls. Eto pang si Yuri e may pasaring pa na kung may choice daw sya ay hindi naman sya aalis talaga (E girl, wala ka ngang choice, sorry). Mukhang kinakabahan dahil sabi nila ang boys sa House B ay  submissive sa kanila, so baka hindi sila maka-ubra sa kanilang pagiging bossing sa mga boys ng House A. At nangyari na nga ang palitan at nawindang ang mga housemates. Nandyan ang mga iyakan at pagka-miss sa mga nawalay na housemates, at ganon din ang ilangan at paninibago sa mga bagong pakikisamahan.

At ayun na nga, habang karamihan sa mga housemates ay nangungulila sa mga nakagisnang mga kasama, E etong mga boys ng House B na sina Patrick, Rob, Rocky, at Hermes ay pinili pang mag-self pity. Kesyo lugi sila dahil mas hot ang girls nila dati. Inis na inis nga ako kay Patrick dahil dati pa man ay nakikitaan ko na ito ng pagka-plastic. Kahit ako si Jimson ay magagalit din ako, dahil obviously may gusto sya kay Mommy Kath at lagi na lang nya gusto maka-score. Lalo pang lumabas ang mga tunay na kulay ng mga boys ng House B nang mag-prepare sila na gumamit ng jacuzzi with their new girl housemates. Akalain nyong i-judge pa si Rica dahil sa kanyang pagiging transgender. Foul talaga ang iba nilang comments. Sana lang ay ma-realize nila na more than physical looks, ang personality at attitude ay sobrang mahalaga. Sana matuto silang makibagay ng maayos, lalo na kapag nakilala pa nilang mabuti ang mga girl housemates ng House A. Ma-realize nila na sa lahat ng palitan, hindi sila ang tunay na lugi kung hindi ang girls talaga ng House A. Dahil ang mga boys ng House B ay losers in attitude.

Opinyon ko lang ha…kayo ba?

Housemates undergo mock interview

As part of the Big Swap, Big Brother told the housemates that they will undergo an interview to be conducted by Big Brother producers from the around the world. The housemates didn’t really know that the ones they were talking to were just hired by Big Brother and were not actual producers. This was a good exercise for the housemates and a good way for us viewers to see them in a different light.
Melay was at her usual funny self. Bentang-benta pa rin si Melay pero mukhang hindi natuwa ang interviewer. Pero I’m sure ang mga viewers natuwa. Ang kulit kasi ng mga sagot nitong si Melay.
Yung ibang housemates kinailanagn may kasama pang translator. Si Delio at Kath may translator. Medyo nagulat ako na nangailangan itong si Kath ng translator. Hindi masyadong pinakita yung interview kay Kath so hindi ko rin masabi. Si Delio naman nakakaintindi naman. At nakakasagot nga e.
Ang kulit rin pala nung nagyari dito kay Tibo. Tinatanong siya what his best physical asset was pero hindi siya makasagot ng matino. Palagi kasi ugali yung sagot niya. Siguro hindi niya masyado naintindihan yung question. Or baka nagpanic lang siya. Hndi lang siya siguro sanay ma-interview ng ganun. Medyo uminit na nga siguro yung ulo ng interviewer dahil ang daming beses na paulit-ulit niyang tinanong ang tanong na iyon upang makakuha lamang ng matinong sagot from Tibo.
Yung mga ibang housemates naman nagpakita ng kanilang talent. Si Cathy nagsayaw at yung iba naman kumanta. Sabihan kaya ni Big Brother na joke time lang yung interview. Sana ipapanood sa kanila yung mga interview para mapagtawanan nila ang isa’t-isa.

Ang Secret Tasks ni Rob, Rica, Patrick at Kath

Kamustahin naman natin ang task na ibinigay ni Big Brother sa ibang bagong pasok na housemates.

Sila Rob ng Austria at Rica (na Richard pala in her past life :p) ng Iloilo ay nagpapanggap na “sila”. Aba, dahil na rin siguro sa magandang planning ng dalawa at sa game at professional attitude ay unti-unti nang naniniwala ang ibang housemates na meron ngang namamagitan sa dalawa. Mahuli ba naman sila palaging tila sweet na nag-uusap (di nila alam na nagco-connive lang ang dalawa). May kiss at mga yakap pa. Hindi lang yan, naligo pa sila nang sabay! Safe na kaya sila hanggang sa dulo ng linggo? Kailangan pa ba nila dagdagan ang strategy nila?

Samantala, kamustahin naman natin ang “mag-asawang” si Patrick at Kath. Sige lang din sa acting, at hindi pa naman sila nabubuking. Kilig na kilig pa nga ang ibang girls sa “love story” nila kuno. Yun nga lang si Jimson (ang tunay na asawa ni Kath) mukhang lalong hindi mapakali at tumitindi pa ang pagseselos sa “pseudo-husband” ng kanyang misis. Naku, pati singsing nya ay ipinahiram na ni Big Brother kay Patrick para mas convincing.

Sa loob ng confession room ay napa-confess itong si Jimson na nagseselos sya. Naikwento nya rin ang minsang panloloko nya sa misis na si Kath na noon ay buntis sa kanilang anak sa Spain. Si Kath din ay nahihirapan din, pero pinipilit na kayanin ang task para sa lahat ng kasamang housemates. Naisip nya, siguro matuto na rin si Jimson sa experience na yun kung gaano kasakit ang maloko. Naka-relate naman si Patrick na minsan na rin palang nagtaksil sa asawa. Naku naman, bakit ganon? Wag ganon, masama yun guys. Well, sana nga ay may matutunan silang tatlo sa task na ito.

Bagong Hamon ni Kuya, may Romatic Flavor

Sa pagpasok ng pangalawang grupo ng housemates ni Kuya ay binigyan nya ng hamon ang apat sa mga ito.

Sa isang bahay, ay magpapanggap na mag-kasintahan sina Rob (Ladies’ Man ng Austria) at Rica (Math Goddess ng Bacolod). Todo kung magplano ang dalawa, pati terms of endearment napag-usapan na. Kanina sa garden habang nag-uusap tungkol sa gamplan nila ay inamin ni Rica kay Rob na sya ay isang transexual. Game namang tinanggap ito ni Rob. So ano kaya naramdaman nya sa suggestion ni Rica na magsama sila sa loob ng shower (kahit na hindi sila sabay maliligo) para lang ma-convince ang housemates na silang-sila talaga? Pero mukhang safe pa sila ngayon dahil nakita sila ni Melay na magkayakap kay naman ay nag-conclude ang Inday Kenkay na baka may relasyon sila.

On the other hand, ang banker from Baguio na si Patrick at ang La Senora ng Spain na si Kath, ay kinakailangan namang magpanggap na mag-asawa. Ok lang sana kung game ka, kaya lang kasama nila sa bahay ang tunay na asawa ni Kath na si Jimson, na obvious namang hindi mapakali sa hamong ibinigay ni Kuya. Si Patrick naman ay may-asawa rin na naiwan sa labas ng bahay ni Kuya. Sana ay maintindihan nya na task lang ang ito.

Kanya-kanyang challenge ang mga housemates. Pero buti naman at hindi na forced eviction ang parusa. Kung may mabuking, walang budget ang bahay na kinabibilangan ng mga “fail” na housemates. Pero kung magtagumpay naman ay 100% na ibibigay ang allowance ng bahay ng successful housemates.

Pero teka-teka…ang mga girl housemates na unang nagbuking sa double-up housemates, nag-uusi na naman. Ayan na’t pinag-uusapan na nila na baka pakulo na naman lahat ni kuya ang pagiging mag-asawa nila Patrick at Kath. Sabay tawa pa sila na “mamaya tayo na naman ang dahilan kung bakit ma-force evict sila.” Well, abangan na lang natin kung paano papanalunin ng ating couple housemates ang kanilang tasks.