Ang Birthday Kiss ng Boy Astig na si Jason

Ang sarap naman talaga mag-birthday sa loob ng Pinoy Big Brother house. Bukang-bibig ni Jason mula pa nang magsimula ang PBB na crush na crush nya ang dalagang artista na si Maja Salvador. Kaya naman sa kanyang birthday, morning greeting pa lang ang inulan na siya ng paulit-ulit na boses ni Maja na bumabati sa kanyang kaarawan.

“hello Jason, happy happy birthday sa’yo”

Sa sobrang paulit-ulit ng morning greeting nila ay lalo pa tuloy itong pinaulit-ulit ni Kenkay Melay sa kanya. Kulit!

Nang ipatawag ni Kuya si Jason sa confession room, ay bumungad sa kanila ang standee ng ini-idolong aktress. Hindi nya alam na habang inilalabas nya ang loob nya kung gaano nya kagusto si Maja, ay nakikinig pala ang dalaga sa kabilang kwarto.

gustong-gusto kita, crush kita, lahat ng pelikula mo, commercial mo, sayaw mo. Paglabas ko ng bahay liligawan kita…”

Sabay kabig na joke lang daw.

Maya-maya pa ay pinapasok na ni Kuya si Maja sa confession room. Halatang nagulat si Jason pero kasual lang naman na inaya papasok si Maja at nakipagusap kahit na kitang-kita na nahihiyang kinikilig ang binata. Sabi pa nya kay Kuya ay kung pwedeng titigan na lang ang crush. 🙂

Nakakatuwa nga panoorin si Jason e, kasi kilig na kilig sya. Nang tanungin ni Maja kung anong gusto nyang birthday gift, nanghingi ng kiss si Jason (sabay sabi sa sarili na “kapal ui”). Habang nakapikit ay binigyan sya ni Maja ng kiss sa lips…joke lang. :p Hindi labi kundi mga daliri ni Maja ang humalik sa labi ni Jason, bineso na lang sya kapalit ng kiss. Pero ok lang kasi pinayagan naman siya ni Maja na humalik sa cheeks. 🙂

Maya-maya pa ay natapos na ang limang minuto na ibinigay ni Kuya para sa pagdalaw ni Maja. Habang nagpapaalam na sila sa isa’t-isa, ay nagbilin si Jason kay Maja na wag syang masyadong magpapahalik sa mga leading man nya.

Ayun, pagbalik ni Jason sa loob ng bahay ay masayang-masaya syang nagkwento sa mga kasama. Inamoy-amoy pa ang kamay nyang amoy pabango ni Maja. Inilusot pa nila sa plastic para daw wag maubos ang amoy.

At para lalo pang maalala ang crush, pinagsaluhan nila para sa kanyang birthday ang Maja Blanca na gawa ng kasamang housemates.

Happy Birthday Jason! You’re one lucky man! 🙂