Home     Survivor Pilipinas     OPM Lyrics     rebelpixel.com
Survivor Philippines

Archive for the ‘News’ Category

Pictures of Celebrity Housemate Riza Santos

November 11th, 2007 by mike | 16 Comments | Filed in Daily Update, News, Photos

I asked a friend of mine to look for pictures of one of the more popular and hot Celebrity housemate, Riza Santos. Fortunately he was able to find some over the net. I hope you like them. I like Riza very much, I hope she stays for a long time inside the house. Thanks to the website http://regiefernando.com for these pictures. I hope you like the pics.

Picture 1 of PBB Celebrity Housemate Riza Santos

Picture 2 of Celebrity Housemate Riza

Picture 3 of Celebrity Housemate Riza

Ngayong Gabi sa PBB Celebrity Edition 2

November 7th, 2007 by mike | 3 Comments | Filed in Daily Update, News

Anu-ano nga ba ang nangyari ngayong gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2?
Marami…

  1. Naglaro ang mga housemates ng isang relay game sa pool. Boy versus Girls. Kailangang magcross dress ng mga housemates, lumoblob sa pool, tumawid, at bumalik sa pinaggalingan, at hubarin ang cross dress na damit at ibigay sa susunod na housemate. Ang unang team na matapos ay magkakamit ng isang Night Out. Nanalo ang mga babae. Siguro dahil gentleman lang talaga ang mga housemates.
  2. Bilang premyo, binigyan ni Kuya ng Girl’s Night Out ang mga babae. Pinagsilihan ng mga guy housemates ang mga girls sa pamamagitan ng isang presentation, at masahe. Tuwang-tuwa ang mga girl housemates sa presentation ng mga guy housemates na parang nag- the Full Monty sa kanilang ginawa. Hindi ko lang alam kung ano ang mas ikinatuwa ng mga girl housemates kung yung presentation ba o yung attire ng mga guy housemates na naka boxers lamang at nakatakip na tuwalya.
  3. Nagkaroon din ng audition para sa magiging newscaster ng Pinoy Big Brother Balita. Ang Pinoy Big Brother Balita ay ginawa upang mabigayan naman ng ideya ang mga housemates kung ano na ang nagyayari sa labas ng bahay. Pero siyempre since game pa rin ito, ang ilan sa mga balita ay kathang isip lamang. Nabahala ang mga housemates sa audition piece na ipinabasa sa kanila dahil tungkol ito sa pagsabog sa Glorietta. Sa audition naman ay nakakatawa talaga ang ilan sa mga housemates tulad nila Riza at lalo na si Will.
  4. Napili para magbalita sina Ethel at Ruben. Ang ilan sa mga binalita nila ay ang pagpasok umano ni Akon sa bahay ni Kuya, ang pag-extend daw ng Big Brother ng 2 linggo which means doon sila magpa-Pasko at Bagong taon sa bahay, ang pagsabi ng isang housemate na user daw ang isang guy housemate dahil lang gusto nitong makahanap ng loveteam, at ang pakikipag-date sa iba ng isang special friend ng isang celebrity housemate (imbento lamang ito pero mukhang super affected itong si Mariel, baka bukas makita natin kung affected nga ba itong si Mariel, Hmmm…. abangan!!! susunod!!!).Nakakatuwa sila Ethel at Ruben dahil meron din silang komentaryo at dialogue pagkatapos nilang basahin ang balita.

May nakalimutan pa ba ako? Comment lang kayo.

Ang nakaraan sa PBB Celebrity Edition 2

November 7th, 2007 by mike | No Comments | Filed in Daily Update, News

Kagabi ay pinalabas sa PBB Primetime ang pagpasok ni Kris Aquino sa Bahay ni Kuya. Pinagluto ni Kris ang mga housemates. Nagustuhan naman ng mga housemates ang hinanda ni Kris para sa kanila. Nakipagkuwentuhan si Kris sa mga housemates at siyempre Kris was at her usual self. Tinanong nga ni Kris kung ganun ba talaga palagi si Celebrity housemate/beauty queen Riza since napansin niya ang poise nito.

Ibinalita din ni Kris sa mga housemates na may mga regalong naghihintay sa mga celebrity housemates na kanila namang kinuha. Nakakuha naman halos lahat ng housemates ng mga regalo puwera lang si English outcast Jon Avila. Hindi rin naman pinakita lahat ng housemates habang binuksan nila isa-isa ang kanilang mga natanggap. Pili lamang ang pinakita kagabi malamang dahil sa time constraints. Ang mga naalala ko lang ay ang gift kay Yayo na face powder na galing sa kanyang derma, ang sulat para kay Ruben, isang sulat din para kay Ethel, at isang kopya ng magazine na cover ang ex-girlfriend ni Will Devaughn. Pagkatapos nito ay iniwan na ni Kris ang mga housemates upang pumunta sa confession room.

Pinakaba ni Kuya si Kris dahil na rin sa nakalagay na maleta sa loob ng confession room. Inaasar din kasi ng mga housemates si Kris na hindi na ito makakalabas. Tinanong si Kris kung Deal or No deal at ang sagot niya ay No deal. Buti na lang joke joke lang yun. Kasi malamang na magalit yun pag hindi na siya pinalabas sa bahay. Si Kris Aquino yata yun, she could easily pull a lot of strings or just by her sheer will lagot si Kuya pag nagalit si Kris.

Where’s Gaby?

October 31st, 2007 by hana | 4 Comments | Filed in Daily Update, News

The housemates woke up last Sunday to find their racer housemate, Gaby Dela Merced, missing. So, where’s Gaby?

Maybe she went to the doctor. - Mariel

She’s my second crush in the house. - Baron

A housemate: Ano na kayang nangyari kay Gaby?
Ethel: Sinundo si KC (haha)

and again…

Ethel: nag-race yun…
Another housemate: talaga?
Ethel: oo, sa San Lazaro

Tama naman si Ethel, nag-race nga si Gaby, pero hindi sa San Lazaro, kundi sa Subic! Yep, you heard it right, Gaby was out of the house and back on the race track…just for a day.

After four months without practice, Gaby is back to burn some tires. Due to her long break, her trainer made sure that she run a few laps first for warm-up and to get familiar with the track. In the middle of the race however, she experienced some engine trouble and therefore had to stop for a while. When her team finally managed to change her engine, the battery just had to die too and add up to the tension. Must have been very frustrating. After changing the car battery, Gaby was off to race again. And just like any fairy tale…este telenovela (eto na pala ang uso), pagkatapos maapi ng bida, sa ending sya pa rin ang panalo!

Gaby won first place, and her win couldn’t have been so much sweeter.

“I was hungry for it. I was so hungry for it. It was against all odds, yet the universe was with me.” - Gaby

But wait a minute…
…pwede lumabas ng bahay Kuya?

Tags: ,

New season, new look

October 29th, 2007 by mike | 1 Comment | Filed in Daily Update, News, Opinion, Site Update

Hi guys. Two weeks na ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 pero hindi pa rin ako masyadong nakakapag-post ng mga bagay bagay. Hindi pa kasi ako masyadong nakakapanood. Pero anyway, thanks pa rin sa pagvisit ng site na to. Hopefully I could write more in the next few days. Dapat lang may internet connection na ko sa bahay e. Dati sa office lang ako nagsusulat ng updates for this site. Hehe. Kung napansin niyo, may new look na rin yung site. Minor changes lang naman pero hopefully you’ll like it. Another update about this site, Tatlo na kaming nagcocontribute sa site na ‘to. Dati kasi ako lang at yung webmaster. Ngayon, may nadagdag na isa pa. At least ngayon may female point of view na rin. Mas exciting na kasi kahit kaming mga contributors pwedeng mag-away away dahil sa iba’t ibang naming opiyon about the housemates, about Big Brother, o kahit ano pa. Keep on watching Pinoy Big Brother and for more Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 updates, please continue to visit this site pbb.rebelpixel.com.

Jen, Hindi tanggap ang paglabas sa bahay ni Kuya

October 29th, 2007 by hana | 3 Comments | Filed in News, Opinion

Alam naman nating lahat na na-evict na ang isa sa 2-in-1 housemates sa loob ng bahay na si Jen at Marylaine last Saturday. Kahapon medyo nasilip ko sa The Buzz yung interview ng dalawang 26k housemates, at kitang-kita naman sa iyak ni Jen na hindi pa rin niya matanggap na naalis na sya sa bahay.

Wait a minute! Rewind tayo ng konti. Nung unang araw pa lang na pumasok si Marylaine sa bahay ni Kuya, nalaman na nya, together with Donni Geisler, na 2-in-1 housemates sila ni Jen, who is a former 26k member na naalis dahil sa hindi nya makasundo ang iba pang mga kasama. Ayun na nga, napilitang makihiram ni Marylaine ng gamit kay Jen, dahil hindi binigay ni Kuya ang luggage nya. Parte yun ng kailangan nyang pagdaanan sa pagiging “package deal” nila ni Jen.

Obviously, hindi naging masaya si Marylaine. Feeling ko nga yun ding sama ng loob na yun ang naging dahilan kung bakit naging aloof si Marylaine sa simula ng stay nya sa bahay ni Kuya. Isipin nyo naman, ang hirap na ngang mag-adjust sa mga bagong kasama at sa isang bahay na puno ng camera, tapos mag-aadjust ka pa na wala kang sariling gamit. Huhu, nakakalungkot yun.

Naisip ko rin, syempre kahit papaano kilala na ni Marylaine si Jen, kasi nga nagkasama na sila sa labas na bahay, so hindi malayong kinabahan din sya nang malaman nya ang set-up na magkasama sila. Siguro naisip nya, kung hindi nakasundo ni Jen ang 26k girls, e may probability din na hindi nya makasundo yung mga housemates sa loob. Makes sense naman diba?

Anyway, forward naman tayo ng konti, nung nalaman na nga ni Jen na 2-in-1 housemates sila ni Marylaine at na-nominate lamang sya dahil sa mga boto ni Marylaine, e halos magwala sya. Well, I can say, she could come across na isang palengkera for some people. Tahimik nga lang si Marylaine nun e. Sobrang sinisi ni Jen si Marylaine for what happened.

Three things, hindi ginusto ni Marylaine na maging 2-in-1 sila ni Jen, at most definitely hindi nya gustong ma-nominate (sino ba?), at alam ko namang hindi nya gustong madamay si Jen sa pagiging nominado nya.

Eto lang masasabi ko, oo wala na silang magagawa sa pagiging nominado nilang dalawa, but for Jen to totally blame Marylaine for them being evicted? Sobra naman yun. Alam ko feeling ni Jen super gustong-gusto sya ng housemates inside, pero for her to think na ganon din ang feeling ng mga tao sa labas na boboto? Hmm…hindi naman automatic yun. Ang laki nga ng difference ng boto ni Megan versus the two girls e. This could just mean na kung hindi man masyadong gusto ng mga tao si Marylaine, hindi rin nila gusto si Jen enough to vote for them and save them.

So why blame it all on Marylaine? Nahirapan naman din sya sa set-up, if not mas nahirapan kay Jen. Kung ako kay Jen, tanggapin na lang nya ang nangyari and just focus on the good things she learned during the short time that they stayed inside the house. Yun ay kung meron nga (meron naman siguro). E mas marami pa yatang mga nanay ang kinabahan sa naughty image na ipinakikita nya sa loob nga bahay kaysa sa bumoto sa kanila e.

O sya, tama na ‘to. Kaya dapat laging tandaan ng mga natitirang housemates, bukod sa pakikisama sa loob ng bahay, boto ng tao sa labas ng bahay ang magliligtas sa kanila. So dapat pakita nila na karapat-dapat silang iboto, at karapat-dapat silang mag-stay.

Sa ngayon ba, sino sa tingin nyo ang pinakamalakas na contender sa pagiging PBB Celebrity Season 2 Big Winner? Hindi pa kasi ako makapili e, it’s too early for me to tell. Kaya abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari sa loob nga bahay ni Kuya!

Retzwerx wins in the Philippine Blog Awards

April 2nd, 2007 by markku | 1 Comment | Filed in News

We here at pbb.rebelpixel.com proudly congratulate retzwerx.com for winning the Best Entertainment Blog trophy in the recently concluded 2007 Philippine Blog Awards. Mabuhay ka Retz!

A new career for Say and Sam

October 21st, 2005 by mike | 46 Comments | Filed in News, Opinion

We heard the song these housemates composed. Say has a good singing voice and Sam really knows how to play his guitar. This composition I guess sounds like a soon to be hit. I wouldn’t be surprised to hear their song being played in the airwaves by the varoius radio stations. The first time I heard Say sing(solo) in PBB was when she sang Same Ground by Kitchie Nadal. At kinabukasan, pinag-usapan angad ang pagkanta ni Say. More than that ang naging point nung pag-uusap ay ang pagkakaroon niya ng potential. Pwede…. ika nga.

Maybe ABS could release this song together with other songs from PBB. We don’t know baka maglabas sila ng limited edition na PBB soundtrack (which turned gold) na may bonus track na nag-fe-feature sa kanta nila. So may competition na ba ang MYMP? What do you think?

Matinding intriga laban sa Pinoy Big Brother

October 19th, 2005 by mike | 7 Comments | Filed in Daily Update, News

Sa mga susunod na araw, inaasahan kong mababasa ng mga fans ng Pinoy Big Brother ang isang e-mail mula sa isang grupong nagngangalang: ‘YOUTH ALLIANCE of the PHILIPPINES’. Tungkol ito sa pagiging fixed ng Pinoy Big Brother dahil pinapaboran daw ng ABS at ng producers ng show ang housemates na sila Cass, Uma, at Sam. Meron daw silang kauukulang ebidensya para dito. Since uso ang CD bilang ebidensya, may audio recording daw sila ng scam na ito. Maganda ito, nagiging parang Garci tapes na ang labanan kung ganun. Hehe.

Pero seriously, ang e-mail na ito ay isang seryosong bagay na sana ay mabigyan ng linaw sa lalong madaling panahon. Bilang fan, nakakabahala ang ganitong pangyayari. Sa ngayon, tinitignan ko ito bilang isang paninira lamang. Malakas nga kasi ang PBB. Halos araw-araw ay napapag-usapan ang kaganapan dito. Abanagan na lang natin kung ano ang gagawin ng ABS laban sa paninirang ito.

For the latest happenings, updates, and opinion on Pinoy Big Brother. Continue to visit pbb.rebelpixel.com.

Pinoy Big Brother fixed?

October 19th, 2005 by mike | 45 Comments | Filed in Daily Update, News

Totoo ba ito? Read on.
Eto yung laman ng e-mail na kumakalat na nagsasabing fixed ang Pinoy Big Brother.

Sa lahat ng mga kapwa naming kabataan na tumatangkilik sa PINOY BIG BROTHER, isa sa pinakamagandang programa ng ABS-CBN,

Did you know that?

Na hindi po nag-audtion sina UMA, CASS at SAM. Sila po ay kilala ng mga malalaking tao sa ABS-CBN at mga pulitiko.

July 14, 2005 (CAFÉ MILANO, Malate Manila)

Ipinatawag ni Ms. Linggit Tan sina UMA at CASS together with Ms. Carol E., Mr. Pablito B. and Director Lawrence Dyogi (The Voice Behind BIG BROTHER).

Ms. Linggit Tan – Are ready Cass? Uma? Handa na ba kayo?

Uma – Yes, Mam,

Cass – Hindi po ba talaga kami matatangal kahit ma nominate kami?

Director Dyogi – As what Ms. Tan said a while ago, If ever na ma nominate kayo, kami na ang bahala. Pero sure na hindi kayo matatangal, kayong dalawa ang maiiwan sa bahay and after that kayo rin ang maghahati sa money, ang risk lang you need to give that 40% of the Total Cash Prize. Yung house and Lot and Car sa inyo na rin yun, who know’s baka madagdagan pa ang prize diba linggit.

Ms. Liggit Tan – Yes we are working for that. Basta do your best, UMA and CASS. Tapos if ever my na force evict sa mga housemate, papasukin naming si SAM. Ok?

UMA and CASS – Yes Mam!!

Ms. Linggit Tan – OK na? here’s the money 10,000.00 para makabalik ka sa Davao, inform your parent about this ok?

CASS – Thank you po!!!

Director Dyogi – CASS, UMA, basta pag nomination na pagpasok niyo sa confession room, nakalista sa likod ng camera kung sino ang i-vo-vote out niyo, kayo na lang ang magbibigay ng rason

——- That is the First Part of the 28 scripted files na na record namin ——-

Know The Fact!!!

Cassandra Ponti – The Former Girlfriend and Lover who use to be the Escort of Congressman F.B. of Iloilo

UMA – Is a model and talent of ABS-CBN and MS. Charo Santos Concio’s Personal Favorite

SAM – is the “pamangkin” of Director Lawrence Dyogi (The Voice Behing BIG BROTHER)

—– SO si BOB, RAQUEL, JB, RICO, NENE, FRANZEN, CHX, SAY at si JAYSON ay pawang mga BIKTIMA ng PINOY BIG BROTHER!!! —-

Tunghayan ang mga susunod na pangyayari sa bahay ni kuya.

Ang lahat na ito ay nai-record naming sa isang CD, na may kasamang larawan (picture) na nagpapatunay na niloloko lang tayo ng ABS-CBN at pamunuan ng BIG BROTHER. Ito po ay ilalabas namin, pagkatapos ng PINOY BIG BROTHER o sa kaukulang panahon.

Paalala – Sa hirap ng BUHAY ngayon, hwag natin sayangin ang 2.50 para lang magpaloko, hwag na po tayong mag-txt o tumawag para bomoto, dahil alam na natin ang katotohanan. Salamat Po!!!

YOUTH ALLIANCE of the PHILIPPINES

Sources (MS. Carol E, Mr. Pablito B and MAY)