Ang Secret Tasks ni Rob, Rica, Patrick at Kath

Kamustahin naman natin ang task na ibinigay ni Big Brother sa ibang bagong pasok na housemates.

Sila Rob ng Austria at Rica (na Richard pala in her past life :p) ng Iloilo ay nagpapanggap na “sila”. Aba, dahil na rin siguro sa magandang planning ng dalawa at sa game at professional attitude ay unti-unti nang naniniwala ang ibang housemates na meron ngang namamagitan sa dalawa. Mahuli ba naman sila palaging tila sweet na nag-uusap (di nila alam na nagco-connive lang ang dalawa). May kiss at mga yakap pa. Hindi lang yan, naligo pa sila nang sabay! Safe na kaya sila hanggang sa dulo ng linggo? Kailangan pa ba nila dagdagan ang strategy nila?

Samantala, kamustahin naman natin ang “mag-asawang” si Patrick at Kath. Sige lang din sa acting, at hindi pa naman sila nabubuking. Kilig na kilig pa nga ang ibang girls sa “love story” nila kuno. Yun nga lang si Jimson (ang tunay na asawa ni Kath) mukhang lalong hindi mapakali at tumitindi pa ang pagseselos sa “pseudo-husband” ng kanyang misis. Naku, pati singsing nya ay ipinahiram na ni Big Brother kay Patrick para mas convincing.

Sa loob ng confession room ay napa-confess itong si Jimson na nagseselos sya. Naikwento nya rin ang minsang panloloko nya sa misis na si Kath na noon ay buntis sa kanilang anak sa Spain. Si Kath din ay nahihirapan din, pero pinipilit na kayanin ang task para sa lahat ng kasamang housemates. Naisip nya, siguro matuto na rin si Jimson sa experience na yun kung gaano kasakit ang maloko. Naka-relate naman si Patrick na minsan na rin palang nagtaksil sa asawa. Naku naman, bakit ganon? Wag ganon, masama yun guys. Well, sana nga ay may matutunan silang tatlo sa task na ito.

4 thoughts on “Ang Secret Tasks ni Rob, Rica, Patrick at Kath”

  1. Pingback: High Class Escorts
  2. Pingback: London Escort
  3. I have to thank you for the efforts you’ve put in penning this site.
    I’m hoping to see the same high-grade blog posts by you later on as well.
    In truth, your creative writing abilities has inspired me to get my own, personal blog now 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *