Mga Kambal Lumabas na sa Bahay ni Kuya

Isang linggo pa lang ang lumipas mula nang nagbukas muli ang Pinoy Big Brother house pero ang dami nang nangyari.

Ang double-up twins na sila Kenny at Toffi, at JM at JP ay lumabas na sa bahay. Naunang umalis si JP, nang mag-voluntary exit dahil sa kinakailangan bumalik sa trabaho. At ang mga natirang kambal sa loob, pagkatapos mahirapan sa task ni Kuya na magpalipat-lipat sa dalawang bahay, ay tuluyan na ring lumabas nung Biyernes nang tuluyan nang mabuking ng iba pa nilang mga kasamang housemates. Nakakalungkot man, ok na rin dahil for sure nag-enjoy din naman sila sa loob ng bahay no matter how short their stay was.

Pero si Carol, napaiyak sa paglabas ng mga kambal. E paano, nahuhulog na pala ang loob nya kay Kenny.
Ang bilis ma-develop ha? Iba talaga epekto ng bahay ni Kuya. E pano na si Melissa? Wala na syang ka-I love you, dahil wala na syang babe? hehe šŸ™‚

So goodbye double-up housemates, sana magkaroon kayo ulit ng pagkakataon na makabalik sa loob ng PBB house para mai-pagpatuloy ang naudlot nyong pagtira dito.

6 thoughts on “Mga Kambal Lumabas na sa Bahay ni Kuya”

  1. Pingback: Escorts
  2. Pingback: Anonymous

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *