Wendy labas! Wendy labas!

Wow! I mean for the first time may super negative reaction sa isang eviction night. Pag-na-evict kasi ang isang housemate, kahit naalis siya sumisigaw pa rin yung mga tao mostly dahil sa paghanga kasi nga yung mga housemates na yung bagong ‘kilala’ sa tv. Sikat na sila kung baga. Kaya lang kagabi, paglabas ni Bodie, hindi yung paglabas niya yung naging kapansin-pansin. Mas nag-dwell yata sa mga tao yung fact na kasama sa Big Four si Wendy.

I can’t blame them. Marami na rin talgang galit kay Wendy. With all that she has shown, she has to be taught a lesson or two. Ewan ko lang kung bakit hindi ito magwan ng paraan ni Big Brother. Anyway, so nung magsasalita na si Bodie kagabi after being evicted, sigawan nag mga tao na: ‘Wendy labas! Wendy labas!’ I’m sure marami ding viewers na nasa bahay ang gustong makisabay.

Napansin niyo ba ang mukha ni Toni Gonzaga nung binuksan ang envelope na ang laman ay yung mga housemates na kasama sa Big Four? Siyempre inabot kay Toni yung envelope nung guy na galing sa kanilang partner na auditing firm na SGV. At pagbukas ng envelope, makikita ang pag-iba sa mukha ni Toni. I guess pati siya bilang isang normal na tao at viewer ng isang palabas, e alam ang implication sa pagkakapasok ni Wendy sa Big Four. Natatakot tuloy ako sa kung ano ang pwede mangyari sa Big Night. Sana wala namang masaktan. I mean, sa galit ng tao e baka kung ano ang mangyari. Sana wala namang madamay na iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *